Syl POV
Isang oras naming nilakad anggubat subalit wala parin akong natatanaw na bahay rito... Ano ba yung Happy House... bakit nandun sya... may party ba? Ilang sandali ay may narinig akong sigaw...
Napahinto ako sa paglalakad... a-ano ba yun? Bakit ganun? Muli itong sumigaw subalit sa pagkakataong ito ay may iba pang boses ang kasunod nito...
"Na-nasaan ba sya?... ba-bakit...." nauutal na sambit ko... nakakapanindig balahibo... ngayon pa lang na naririnig ko ang mga daing na ito... ano bang meron roon... bakit? Klark?
"Wag na tayong tumuloy..." sambit ni Senior Hudson
"Hindi... gusto.... gusto kong makita si Klark.." sambit ko.... Tinignan ko ito na saktong nakatingin rin sa akin... "Gusto ko syang makita.... Si Klark... niligtas nya ko... kaya.... ililigtas ko rin sya..." dugtong ko.
Hindi na ito umimik subalit ito ay nanatiling nakatingin sa akin... ilang sandali ay muling lumakas ang mga sigawan na pinahihirapan...
Nanginginig ang katawan ko pero... pero... gusto ko makita si Klark... Mom...Dad...
"Tayo na.." sambit ni Senior Hudson... subalit bago sya humakbang ay hinawakan ko ang kanyang kamay... nahihibang ka na Syl...
Ikinatingin niya ito sa akin... " Sabi ko sayo-"
"Senior Hudson..." sambit ko... napalunok ako nang hindi inaasahan... "Alam kong mali ang sasabihin ko pero..." dugtong ko...
Tinignan ko sya na ngayon ay magkasalubong ang kilay pero hindi sya galit... naghihintay ito sa mga sasabihin ko....
"Nais kong... maging...." salitang naglagay nang alwan sa mukha nya... "maging..."
"Ma-.." natigilan ako sa pagsasalita nang bigla nyang pigilin ang aking pagsasaĺita gamit ang kanyang hintuturo na ngayon ay naka lagay sa labi ko...
"Shhh.... naghihintay si Klark..." sambit nito sabay alis nang kamay nya sa labi ko... nag simula na sya muling maglakad...
Ma-malaya....
Syl malabo yan....
Sa paglalakad namin ay habang tumatagal ay hindi na lamang sigawan at iyakan ang aking naririnig kundi mga bagay na rin na akmang ginagamit nila para sa...
Yung.... yung... Happy House ba... isang.... isang torture place? Hindi kataka-taka malayo ito sa University... kaya pala.... Klark?!
Di nagtagal ay tumigil ang mga ingay subalit nabalot nang katahimikan ang paligid... eto yung... pinaka-nakakabinging bagay... ano na naman ba ang nagbabadyang kaganapan...
Napasubsob ako sa likuran ni Senior Hudson nang bigla itong tumigil....
"I'm sorry Senior Hudson..." nakafocus ako sa takot... wag kang matakot ngayon wala ka pa naman dapat katakutan Syl...
"Sa huling tanong..." sambit ni Senior Hudson na nagbalik sa akin sa katinuan...
"Gusto mo pa bang tumuloy?.." dugtong nito.. "Opo Senior Hudson..." sagot ko...
Nilingon ako nito subalit ikinagulat kong nakangiti ito... te-teka... ano na naman!? May binabalak ba sya... napa atras ako nang hindi inaasahan...
At nakita nya ito pero ngumiti lang muli ito... bakit ba ganto?... Senior Hudson... ano ba talaga ang ugali mo...
Mali bang sumunod ako sayo?... mali bang nagtiwala ako sa kanya?.... eto na ba ang katapusan ko....
"Ms. Whitlock, from now on wag mo na akong tatawaging Senior Hudson..., call me Liam..." sambit nito na naglagay nang malawak na ngiti sa kanya... hindi naman pero.... sa gantong sitwasyon at lugar nakuha nya pang ngumiti...
L-liam... Liam Hudson....
"Senior Hudson..!?" Sambit nang kung sino mula sa likod ni Senior Hudson... ni Liam pala..
Nilingon nya ito at inekpresyunan nang seryoso... "Nandyan na ba si Klark Wyatt? " tanong ni Liam..
Dito ko lang napagtanto ang isang bahay na pala ang nasa harapan ko subalit nakapaloob ito nang mga bato ... bahay sa loob nang kweba... pero... pero maganda ang furniture nito subalit ano kaya ang nasa loob nito...
"Ang utos ng Dean ay pahirapan si Wyatt..." sambit nang lalaki na ngayon ay kumakausap kay Liam... "Klark..." mahina kong sambit...
"Alam ko... pero wag mo syang papatayin..." sambit ni Liam..
"Kahit na pinatay nya ang kapatid ko!?" Sambit nang isang lalaki na iniluwal nang bahay na ito.. "pumasok ka na roon..." utos nito sa lalaking unang lumabas..
So totoo pala... pumatay si Wyatt...
"Sa tingin mo bakit nya sinaksak ang kapatid mo?..." ramdam ko ang pag ngisi ni Liam... "Ikaw.. sa oras na hindi mo sya nilabas rito ngayon... kilala mo naman siguro ako... kaya alam mo kung anong magiging parusa sayo..." sambit ni Liam.
Sinilip ko nang bahagya ang lalaki... punong-puno ito nang masamang enerhiya kahit sa simpleng postura nito... nakamamatay... saktong napatingin rin ito sa akin...
Tinignan nya ako nang bahagya at nakita ito ni Liam... "Ikaw... Hahahaha... ngayon lang kita nakita...dito..." sambit nito na akmang hahakbang papalapit sa akin...
Inihawi ni Liam ang kanyang braso para harangan ang pagitan namin... napahawak ako sa kanyang jacket... " She's mine... kaya sundin nyo na ang inuutos ko...." sambit ni Liam..
"Masusunod Senior Hudson..." sambit nito subalit patuloy parin ang pagtingin sa akin...
Pumasok na ito sa loob nang bahay... " Kailangan ba sumunod tayo?" Tanong ko habang nakahawak parin sa kanyang laylayan nang jacket..
Hinawakan nya ang aking kamay.. pero hindi ito umimik.. ilang sandali ay lumabas na ang lalaki na dala-dala si Klark na basang-basa at may mga kaunting galos sa likod... "mabuti at napaaga ang pagkaon nyo... kung hindi patay na sana sya..." sambit nang isang lalaking kasama sa pagakay kay Klark.
Agad kong nilapitan si Klark nang ibagsak nila siya sa sahig nang walang malay... "Klark...!?" Sambit ko habang tinatapik ang pisngi nito...
"Tila ba may kahati ka sa kanya Senior Hudson..." sambit nung lalaki kanina... "Alam mong hindi pwede yun..." dugtong nito..
"Dahil-..." natigilan na ito sa pagsasalita nang buong pwersang isinandal ni Liam qmg lalaking iyon sa pader... "Ikaw Manong Anito... wag mo kong sinasagad..." madiing sambit nito habang patuloy ang intense na tinginan mula sa kanilang mga mata...
"Ikaw..." sambit ni Klark subalit nawalan muli ito nang malay....
"Dalhin na natin sya sa clinic... baka ano pang mangyari sa kanya..." sambit ko... binitiwan ni Liam ang lalaking tinawag nitong Manong Anito...
"Oo tama tara na..." hinubad nito ang kanyang jacket at ipinasuot kay Klark dahil wala itong damit pang itaas...
Mabilis namin narating ang daan pabalik subalit nang makarating kami rito ay may mas malaki pa pala kaming kakaharaping problema... ang mga studyante rito ay nakapila... halos lahat...
Nakapila at nakatingin sa amin... ngayon ay naguguna sa amin ang atensiyon... ganito na ba sila karami talaga?
"Ms. Whitlock, wag mo na silang intindihin..." sambit ni Liam kaya napatingin ako rito at nakita ko syang mahinahon parin kahit na ganito...
"Lahat nang titingin rito... bubunutan ko nang mata..." sigaw ni Liam.. na agad namang nagbigay nang hudyat para ilayo nila ang tingin sa amin...
Pinagpatuloy namin ang pagtungo sa clinic... ano bang meron? Ano bang meron ruon.. habang papaalis kami rito ay natanaw ko ang Dean kasama ang iba pang mga tao na nakangiting nakatingin sa amin...
Nakakatakot... totoo... nakakatakot...
Narating namin ang clinic at natagpuan naming nagaayos nang mga gamot si Nurse Chavis...
"Nurse Chavis... kailangan nya nang tulong..." sambit ni Liam... "Anong nangyari Senior Hudson...?" Tanong ni Nurse Chavis..
Inihiga nila sa kama si Klark... pinalayo ako ni Nurse Chavis dahil kailangan nang maagapan ang mga sugat ni Klark...
"Dito na muna kayo sa labas..." sambit ni Nurse Chavis...
Ngayon ay nasa labas kami nang kurtina kung saan ginagamot si Klark... ilang sandali ay may kumalabit nang balikat ko...
"Hello..." sambit nito... nilingon ko ito.. Isabelle?.... nginitian ako nito subalit napawi din nang makita nya si Liam...
"Senior Hudson... pasensya po aalis na ako..." sambit ni Isabelle..." wag dito ka lang..." pigil ko sabay tingin kay Liam...
Yung pagsigaw nya kanina... at ang pahiwas nga nang mga istudyante..." hindi ok lang... aalis na din ako may pinapakuha lang sa akin rito kaya ako nagpunta... sige aalis na ako..." sambit nito sabay nagmadaling alis...
Tinignan ko si Liam na ikina gulat nya... "A-ano? Nakuha mo na yung gusto mo tapos ngayon ganyan mo pa ako titignan?.. " natawa pa ito... ibang iba sya kanina... parang bigla na lang syang nagbago o... sadyang hindi ko lang talaga namamalayan na unti-unti ko nang ikinukulong ang sarili ko...
"Ano bang merom sa labas?..." tanong ko... na naglagay nang seryosong eksprasyon sa kanyang mukha...
"Isang meeting, ground meeting... ilulunsad na nang Dean ang mga bagong panuntunan sa CU." Sambit nito... ano?
Kumuha ito nang upuan... "wag kang magalala... hindi ka pa naman enroll... hindi mo pa kailangan unattended sa ganung bagay..." sambit ni Liam...
Sinenyasan nya akong umupo sa kanyang inayos na upuan... nang saktong pagkakaupo ko ay biglang may nagpaputok nang baril....
"Huh...!" Gitlang sambit ko... nanlaki ang mata ko rito... nilapitan ako ni Liam at ginamit ang kanyang dalawang kamay para takpan ang aking tenga...
"Wag kang magalala..." sambit nito hanggang sa sunod-sunod na putok nang baril ang pinakawalan... napahawak ako sa kamay ni Liam habang punong-puno ng takot .... Kuya Dyl... Kuya....
Ilang sandali ay tumigil ito... inalis ni Liam ang kamay nya... at akmang aalis pero nahawakan ko ang kanyang kamay...
"Sapat na ito Ms.Whitlock hindi ba?... kailangan ko nang umalis... pasensya na..." seryosong sambit nito... hinayaan ko na lamang itong makaalis...
Anong nangyari... bakit... bakit ganun... ang dami kong katanungan pero wala akong makitang sagot...
"Napaka-swerte mo.." sambit ni Nurse Chavis na ngayon ay lumalabas na nang kurtina..
"Huh?... maayos na ba si Klark!?.." tanong ko na ikina ngiti nya... "Hindi ba si Senior Hudson ang Master mo... bakit kay Mr. Wyatt ka nag aalala?..." sambit nito...
"Isang pagtataksil yang ginagawa mo... pinagbabawal... kailangan maging loyal ka sa master mo... " huh?.. ano? Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nurse Chavis...
Ikinagulat ko ang pagseseryoso nito..." Ikaw... yung nakita mo kanina..." sambit nito.. "Kahit na sa ayaw o gusto mo... magagawa nang nakatataas ang gusto nila.." dugtong nito..
Yung nangyari sa kanya kanina ba tinutukoy nya... yung nakita ko sa cctv.... sino yung lalaking dumating para pigilan yung nangyayari sa kanila...
"Ang swerte mo... May tatlong lalaki na tumulong sayo kagabi... kung hindi ka nila agad nadala rito sa akin siguradong patay ka na..." seryosong sambit nito habang nagaayos nang mga gamot..
"Wag mo nang hintayin si Mr. Wyatt dito... ang alam ko may mas mabuti ka pang ibang gawin..." sambit nito...
Sandali naguguluhan ako... tatlong lalaki? Sino? Si Klark... si Liam?... sino yung isa.?
Lumabas ako sa clinic dala ang wallet ni Klark... naririto ang susi ng dorm nya... dahil wala naman akong ibang pupuntahan ay siguro maaaring rito muna ako tumuloy...
Akmang aalis na ako nang matanaw ko si Liam subalit may kinanakausap itong babae... hayst... siguradong slave nya yun.. hindi ko matanaw ang babae dahil nakatalikod ito...
Mula kaninang umaga marami nang kamalasang nangyari... mahaba pa ang oras kaya ano pa ba ang mga mangyayari...
Naliligaw na ata ako... ngayon ay nilalakad ko ang hindi ko alam na daan pero nasa University parin ako... kahit na pinagtitinginan ay patuloy parin akong naglalakad... tunay na napaka lawak nang lugar na ito...
Mula roon sa clinic may apat na building na akong nadaanan... ang mga studyanteng naririto ay nakasuot ng uniform na kulay itim na up knee palda at blouse sa babae. Itim na pantalon at polo sa lalaki...
Simple lang pero ang nakakapagtaka kung ano yung mga naka tatak sa mga polo o blouse nila... sa bandang left side nang kanilang suot pangitaas ay karamihan ay may iba't ibang tatak.
They looked up me like an animal... bakit ganto kahit babae ganto makatingin... hindi ko naman sila inaano pero parang ang nais lamang nila ay away...
May mga nakikita din akong mga binubully sa lahat nang classroom... tinignan nila ito nang masama saka sinasaktan... kahit na babae nanakit... bakit?... bakit ganito...
"Freshman..." sambit nang mga kalalakihan habang naglalakad ako... hindi naman nila ako ginagalaw kaya nilalampasan ko na lamang sila...
Sa paglalakad ko ay nakaamoy ako nang isang mabangong niluluto na gumising sa aking sikmura... agad akong nagpunta sa pinagdadalhan nang amoy..
Cafeteria...
Oo tama Cafeteria...
Pumasok ako rito... doble ang laki nito sa ordinaryong Cafeteria... dahil na rin siguro sa dami nang mga istudyante rito...
Walang tao pero may mga nagluluto... nakakita ako nang orasan...
"12:30..." 3pm daw nya ipapadala yung form... tss... hayst...
Lumapit ako sa isang babae na abalang nagaayos nang sarili... "Hello po..." bati ko...
Tinignan ako nito... "yes po?.. anong gusto nila?..." nila? Pero ako lang...
"Sya ang tanungin mo..." Liam?
Nilingon ko ito...
"Liam?.." sambit ko ngumiti ito... "sige na sabihin mo kung anong gusto mo.. ibibigay nya sayo nang libre..." sambit nito..
"Libre?..." takang tanong ko sabay tingim sa babae na ngayon ay nakangiting naghihintay nang aking sasabihin...
"Oo libre... wala kang babayaran... pero kung gusto mong ikaw mismo ang magluto... meron ditong market kung saan wala ka paring babayaran..." sambit nito.. market?!
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya... gaano ba kalaki ang lugar na ito???? Ilang buildings meron at ilang ikterya ang lugar na ito...
"Marunong ka bang magluto..?" Taas kilay na sambit nito sabay crossarms...
"O-opo..." sambit ko, uhm.. oo marunong ako... actually ako ang nagluluto ng mga binabaon ko sa school...
"HAHAHAHAHAHAHA...." tawa niya na yumanig sa buong Cafeteria. Agad ko itong tinaasan nang kilay na ikinanguso nito... ano ba ang nangyayari?
kanina lang halos hindi ko sya malapitan kasi nakakatakot sya tapos ngayon.... wala na bigla na lamang sya naging abno...
"sundan mo ko Syl... pupunta tayo sa market... kung ayaw mo nang luto nila...." hindi naman sa ayaw ko baliw to... napatingin ako sa babae at dahil hinila na ako ni Liam palabas ay wala na rin akong nagawa....
nagtungo kami sa likod ng cafeteria kung saan may gate..... teka entrance ba ito papunta sa mga dorm?.... so yung dinaanan ko kanina exit yun?.... nahihiwagaan na ako kung gaano ba talaga kalaki ang lugar na ito...
walang guard oh kung sinong nakabantay rito kaya kahit anong oras may maaring pumasok rito....
pumasok kami rito walang tao... kung meron man ay mga studyanteng may binalikan lamang sa kanilang dorm..... mukhang sanay na silang lahat rito....
napasubsob ako sa likuan ni Liam nang bigla itong tumigil.... "ayy ano ba yun..." sambit ko na ikinatingin nya sa akin
nilapit nya ang kanyang mukha sa akin.... bakit ba gantonya na lang ipamukha sa akin na matangkad sya tapos ako.... ganto... tss
"Ms. Whitlock anong height mo?" sinasabi ko na.... brat?!
"5'3 Liam... may problema ba dun?"
"Ah not bad ako kasi 6'1..' natatawang sambit nito.... bwisit na'to atleast hindi ako 4'11 sapakin kita dya e.....
inirapan ko ito pero agad ding ngumiti dahil baka ano pang isipin nito... hindi naman kasi ako lumaking maarte, kontrolado ang attitude ko di katulad ng ibang babae....
"room 101.." sambit nito sabay turo sa nasa kaliwang dorm building... huh??
inayos nito ang kanyang tayo at hinubad ang kanyang salamin.... " i said room 101..." sambit nito muli subalit mukha akong ewan na nakatingin lang sa kanya...
"oo nga 101?" takang tanong ko... pinunasan nya ang kanyang salamin gamit ang laylayan nang kanyang polo... dahil sa maliit ako... oo dahil maliit ako tapos yung polo nya is sakto lamang sa kanyang balakang ay nakita ko ang....
kung iisipin si Liam ay hindi ganun ka sama.... hindi naman sya masama... siguro mali lang ang pagkakaintindi ko...
muli nyang isinuot ang salamin at inayos ang kanyang buhok... hayst... masasabi kong matangkad ka nga pero mas matanggakad si Kuya Dyl at sana ganun din ako...
"room 101... yan ang dorm room ko... kung may kailangan ka puntahan mo ko anytime...." sambit nito... tatandaan ko..
nagpatuloy ang aming paglalakad hanggang sa marating na nga namin ang market na sinasabi nya...at napansin kong napaka raming dorm room rito...
CU... Curse University.... ano bang sikreto mo? paano nabuo ang ganto kalaking lugar? saan at paano nagkaroon ng mga studyanteng....
namili ako rito at binabalak kong magluto ng adobo at shrimp balls na may kasamang fries dahil mayroon sila rito....
subalit? nakakapagtaka....
hindi ba dapat nagiging mahirap ang lahat? dahil bago pa ako rito.... pero bakit nagiging madali ang mga bagay-bagay alam kong may mali rito....
si Liam... bakit bigla na lamang ito naging mabait.. nasa loob pa ako nang market dahil inaayos pa yung mga nakuha kong mga ingedients para sa lulutuin ko at nanatiling nasa labas si Liam..
napansin ko ding may grocessery store sila rito...binalak kong pumasok subalit.....
"Ughmm...." ungol nang isang babae habang inaangkin ng isang babae ang kanyang pagkababae....ginagawa nila ito sa loob at labas..... nakita ako nang babae subalit imbis na ipatigil ay lalo pa nitong nilakasan ang pag ungol..
nginitian nito ako at sinenyasang pumasok...
what the fuck...
agad akong hindi na tumuloy at tinungo ang exit ng market subalit... napatigil ako sa aking nakita..
"Senior Hudson.. hi-hindi ko po si-sinasadya...." sambit nang isang babae na nakaluhod at nagmamakaawa kay Liam..
pinalilibutan sila nang maraing studyante... ang babaeng ito ay nakasuot ng uniform pero hindi katulad nang ibang uniform wala itong tatak na bilog katulad nang ibang studyante...
a-ano bang nangyari?? ba-bakit biglang naging ganito...
ikinagulat ko nang marahas na sinampal ni Liam ang babae... i started to be confused about the thing just happening... it's really? he is a evil... the good guy whille ago change like this... yes he is Syl...
"your a whore... your a s*x slave right?..." tanong ni Liam.. tumungo-tungo ang babae dahil halata namang wala na itong magagawa...
inabot ni Liam ang kamay nang babae at binulungan ito.... inangkin nito ang bewang nang babae habang patuloy itong binubulungan....
he's an bitch... he really is... sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa subalit hindi ko magawa. nanigas na ang aking mgapaa dahil sa aking mga nakita...
di nagtagal ay pinaalis nya na ang babae... inayos nito ang kanyang sarili at tinignan ang paligid.. agad namang nagsilayuan ang mga tao rito at nagpatuloy sa paglalakad...
ikianalaki ng mata ko nang mahagip ako ng kanyang mga mata... ang kaninang puno nang mga emosyon ngayon ay nababalot nang nakaktakot na awra...
sa bawat hakbang nito papalapit sa akin tila ba nauubusan ako nang hangin... masyado akong naging maluwag sa kanya... nagpadala ako sa kabaitan nya kanina... nagsisi ako... Kuya Dyl...
minadali nito ang paglapit sa akin subalit bago pa ito makalappit sa akin ay bigla na lamang sumulpot kung saan si Klark...
"umalis ka... Syl is mine..." sambit ni Liam..
"hindi porke iniisip mong iniligtas mo ko hahayaan kitang maangkin siya... sa sakatunayan nan hindi naman talaga ikaw ang tumulong sa akin...siya yun.." ako? ako ba Klark?
"kaya hindi kita hahayaang lumapit pa sa kanya... sapat na ang panunukso at pangitang tao mo Liam.." seryosong sambit ni Klark..
Klark...
hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon... hindi ko talaga alam...
"sa tingin mo sasama pa sya sayo?... nasa kalagitnaan ka na nang kamatayan mo.. wala na syang makakasama kapag pinarusahan ka na ni Supremo..." nakangiting mapanginis na sambit ni Liam.
ikinagulat nila parehas nang bigla kong hinawakan ang kamay ni Klark.. "yung form ko 3 pm... ipapadala ng Dean sa dorm mo... pagod na din ako gusto ko nang mamahinga..." sambit ko..
hindi ko na muling tinignan ang mukha ni Liam subalit nadadama ko parin ang presensya nya..
kinuha ni Klark ang mga dala ko at saka kami umalis...
ngayon ay nasa harapan na kami nang pinto subalit hindi pa kami nakakapasok sa loob nang dorm nya...
naiintindihan ko na.... hindi ko lubusang matanaw ang lahat rito sa building kahit a nsa 4th floor ang dorm roon ni Klark dahil sa mga iba pang dorm building katapat nito..
masasabi kong kahit maraming studyate ritoay napapanatili nilang malinis at maayos ang bung lugar...
naiintindihan ko na... wala akong dpat pagkatiwalaan sa lugar na ito... hindi ko kailangang may pagkatiwalaan dahil sa lugar na ito walang taong mapagkakatiwalaan... pero si Klark... ano ba talaga yung dahilan...
oo tama nakaalis sya rito...kaya alam nya kung paano makakaalis dito.... bakit ba hindi ko na isip yun....
tinignan ko si Klark... huh? teka?
"nasan ba yun?" naiiritang sambit nito...
hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa itsura nya... pano naka sando ito tapos madami pang bandage sa katawan tapos ngayon parang asong hindi mapatae..
"Klark oi? ano okay ka lang?" natatawang sambit ko na pumawi nang pagkabalisa nito... ang awkward nito...
"bakit ba?.. ano ba yung hinahanap mo?" tanong ko..
napakamot ito sa kanyang batok..." e kasi yung wallet ko nawawala.. nandun yung susiat wala nang pwedeng kuhanan nang extra key.." huh? oo tama na sa akin yung wallet pero wala na?
nilabas ko ang kanyang wallet dahil oo kinuha ko ito kanina.... "nasayo pala kala ko nawala na... iba iba kasi mga door knob dito bawat dorm..." sambit ni Klark...
"i-ilang dorm building ba meron dito?" tanong ko kay Klark habang sinususian ang dorm..
"hindi ko na alam pero siguro sampo, oo sampo kasama nayung market at grocessery..." nagulintang ako sa sinabi nya... alam kong hindi yun nakagulat dahil mukhang malaki namn yung buong lugar pero
ilang studyante ba ang nasa CU... at ilang taon na sila rito? yung mga nangyari ba kanina ay wala pa sa mga bagay na totoong nangyayari rito...
yung pinagusapan namin ng Dean... yung mga nakita at naranasan ko.....
anong pa bang mga bagay na hindi ko alam at hindi ko pa nakikita?
Supremo? pangalan ba yun o.... sadyang tawag sa kanya...