The clock says its already 40 minutes passed 10. I wanted to sleep but the emptiness I felt doesn't allow me to enjoy my supposed to be slumber. I don't know if it's because of the heavy rain and tremendous lightning or the fact that I am alone in this apartment.
Wala si Darwin.
Ang sabi niya ay baka sa condo niya siya umuwi dahil may kailangan tapusin. I wanted to tell him na sa apartment ko matulog o kaya ay ako nalang ang pupunta sa condo niya but hell, how am I supposed to do that?
"Kakainis!" Singhal ko sa sarili at bumaba nalang ng kwarto para magtimpla ng gatas.
Ilang minuto akong nakatulala sa kung saan hanggang sa maaninag ko ang ilaw sa labas at ang sunod na pagkapatay ng makina ng isang kotse. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Holy cow."
Gulat kong hinila papasok si Darwin nang makita itong nasa bungad ng pinto ko at halos nanginginig sa lamig. Galit ko itong hinila papasok at papunta sa kusina.
"Bakit ka basa?!" Singhal ko at pilit na hinuhubad ang damit nito. Hindi rin ito makagalaw ng maayos dahil sa lamig. Napamura pa ako dahil ang init ng balat niya.
"I fixed my car, broke it on the way." Putol putol nitong sabi.
Ano daw?
"Nasiraan ako papunta dito, ako nalang nagayos, damn." Pagkaklaro nito saka naman hinubad ang pangibaba niya.
Napamura nalang ako sa sarili saka kinuha ang payong. Sa pagkakaalam ko ay laging my extra ito sa kotse niya. Sana lang ay mayroon dahil ayaw ko naman na naglalakad lakad siya sa apartment ko na hubad.
Rawr.
"Maligo ka sa taas. Kumain ka na ba?"
Tahimik lang itong tumango saka umalis sa harap ko. Habang nagtitimpla ng gatas para sa kanya ay hindi ko maiwasan na mapangiti.
Shit, pumunta talaga siya dito.
Dala ang dalawang baso ng gatas ay umakyat ako ng kwarto. Nadatnan ko siyang nakaupo roon sa kama at pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Pumunta ako sa likod niya at inagaw ang tuwalya.
Marahan kong pinunasan ang buhok niya at pakuwa'y inaamoy ang shampoo nito. Yung shampoo ko din.
"Hhmm.." Pakiramdam ko ay may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang marinig ang mahinang ungol nito. Kung hindi lang ito tumawa ay baka nadala na rin ako.
Nakabusangot kong tinapon sa mukha niya ang tuwalya at saka pumwesto sa kabilang banda ng kama. Paminsan minsan kong iniinom ang gatas habang ang tingin ay nasa cellphone.
Kunwari ay abala sa social media pero ang totoo ay nilalabanan ko lang ang tukso. Letse.
"Hey." Natatawa nitong tawag. Tinaas ko lang ang kilay pero hindi inaalis ang tingin.
Mas lalong tumutok ang mata ko sa cellphone nang makita ang balita tungkol kay Ranz, kabarkada ko noong kolehiyo. Napanganga nalang ako nang malamang pagaari niya pala ang Garisson-Bellan. Isa sa pinakamalaking kompanya.
Hindi ko na pinansin si Darwin kahit pa umusog na ito katabi ko. Agad kong tinawagan si Joana na mabilis na nagreklamo dahil sa pangiistorbo ko sa tulog niya. Kaibigan ko sila at laging nakakasama noong nasa Pilipinas pa ako.
"Have you heard about Ranz?" Tanong ko agad. Tinaas ko ang palad kay Darwin na tinatawag ang pangalan ko.
"Yung Garisson-Bellan pagaari niya. May tinatayong branch diyan diba? Ibig sabihin uuwi siya?"
Ilang beses kaming nagbangayan ni Joana tungkol kay Ranz at Joi, parehong kaibigan namin sa kolehiyo na magkaaway pala ngayon. Hinilamos ko ang palad sa inis dahil ang kamay ni Darwin ay paulit-ulit na hinahagod ang tiyan ko.
Nakikiliti ako!
"Talk to you tomorrow, Joana." Mabilis kong paalam. Rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.
"Nambabae ka naman, Lexi. Pang-ilan mo na yan? More than 50?" Ang malakas na pagtututya ni Joana ang dahilan kung bakit humiwalay si Darwin sa akin.
Pinatay ko na ang tawag at pinagmasdan siyang tahimik na umiinom ng gatas. Mukhang malalim din ang iniisip. Hindi ko siya pinansin at tinago na ang katawan sa ilalim ng kumot, ang mga mata ay nanatili sa kisame.
"Lexi..." Napapaos nitong sabi. Mabilis kong binigay sa kanya ang atensyon nang maalalang nilalagnat ito. Kaya pala ay ang init ng kamay niya kanina.
Tumayo ako saka naghalungkat ng malaking hoodies. Pinasuot ko iyon sa kanya at para naman itong bata na nakanguso saka yumakap sa akin.
Ang init ng katawan niya ay mabilis na bumalot sa akin. Pinulupot ko ang braso sa kanya at hinagod ang likod. Letse, ang taas ng lagnat.
"Bakit ka ba bumyahe dito? Ang sabi mo sa condo ka uuwi?" Hindi ko maiwasan na mainis.
"Doon nga ako umuwi." Mahinang sabi nito. Napamura pa ako dahil mas lalong sumiksik ang mukha niya sa dibdib ko. Tumatama pa ang hininga niya sa balat ko.
"Hindi ako makatulog doon kaya pumunta ako dito." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Tatlong araw na lagnat ko di mo man lang ako dinalaw sa opisina ko."
Mahinang tawa ang sagot ko. Para siyang bata. Mas maganda yata kapag ganitong may lagnat siya. Pag normal kasi ay puro kabastusan ginagawa, e bastos rin ako baka mabuntis pa agad ako.
"E kasi naman sobrang busy ko din." Pagdadahilan ko.
"Should I fire you?"
Bwiset.
"Papatayin kita pag ginawa mo yan." Banta ko. Hindi ko na namalayan na napunta na ang kamay ko sa buhok niya.
"Dapat sa opisina lang kita, e." Nguso pa nito. Pinatahan ko na siya sa kakadada niya dahil ako ay inaantok na rin.
"Wag ka papasok bukas. Di rin ako papasok. Magpagaling ka muna." Paalala ko at marahang tinatapik ang balikat niya.
"Alagaan mo ako." Pahabol nito na hindi ko nalang sinagot. Iyon naman ang plano ko.
"Goodnight, sir." Hagikhik ko.
At ang sunod niyang ginawa ay sapat na para mas lalo pa akong mahirapan na matulog.
"Goodnight, Lexi." Ngiti nito bago humiwalay ang nagaalab niyang labi sa akin.
Puta.
Kingina!
***
"WHERE'S MY DESK?"
Narindi ang pandinig ko dahil sa malakas na tawa ni Sant nang sumigaw ako. Paano ay nung marating ko ang opisina ay wala na doon ang mga gamit ko.
Tinotoo ba ni Darwin na ipapatanggal niya ako sa trabaho?
Galit na galit akong nagmartsa papunta sa opisina niya. Nadatnan ko ang sekretarya nitong papalabas at saka ko naman padabog na sinara ang pinto nang makapasok.
"Hoy lalaki! Talaga bang tinanggal mo...putangina."
Hindi ko na natuloy ang pagrereklamo nang makita ang may kalakihan kong desk at mga gamit na naroon sa kaliwang bahagi ng opisina ni Darwin. Halos kadikit lang iyon ng mesa niya.
Shit.
Ano ba tong ginagawa niya?
"From now on, dito ka na sa opisina ko magtatrabaho. Sabay na rin tayong maglalunch kaya tanggihan mo na yung katrabaho mo na si Chad. And for Sant, hindi na siya makakasabay pauwi sayo dahil sa akin ka na sasabay. Prepare some of your clothes also, maaring sa apartment mo tayo uuwi o kaya sa condo ko."
Sobrang bilis ng pagkakasabi niya na parang ayaw niyang maistorbo. Pero kahit ganoon ay rinig ko ang panginginig ng boses niya marahil dahil sa takot. Nanatili ang matalim kong tingin sa kanya at pinagkrus ko pa ang braso ko sa dibdib ko.
"Hindi ako papayag." Pagtatanggi ko at mabilis na nagbago ang reaksiyon niya.
"Why?" Inis nitong sabi at naglakad palapit sa akin. Agad nitong pinulupot ang braso sa beywang ko. "I told you and you said yes!"
Para itong bata na nagrereklamo. Hindi ko mapigilan na matawa.
"Pumayag lang ako dahil may lagnat ka at ang kulit mo." Pagkaklaro ko pero ang totoo ay gusto ko rin naman ang ginagawa niya.
"Damn, ba't ba ako gumaling agad?" Rinig kong pagkakausap niya sa sarili.
Humiwalay ito sa akin at saka naupo sa couch. Sumunod ako at nanatiling nakaupo.
"Ipapalipat ko nalang." Sabi nito sa mababang boses. "Can I still stay at your apartment right?"
My heart swelled at his plea. Para siyang bata na nakikiusap. Mas mahirap yata siyang tanggihan kaysa kay Whiskey.
"Alright, wag mo na ibalik." Pagsusuko ko at sumandal sa pader kung saan nakasabit ang mga litrato at ilang mamahaling paintings. Siya naman ay tumayo at gulat na lumapit sa akin.
"You mean, dito nalang opisina mo?"
Tumango lang ako. Kita ko kung paano niya pigilan ang ngiti at hindi ko maiwasan na mamangha.
He's so adorable. Parang pusa na sobrang cute at sarap pisilin ng pisngi. Pero kapag ibang tao ang kaharap ay napakabangis ng itsura, parang laging lumalaki ang butas ng ilong.
"Lexi..." Rinig kong tawag niya sa akin.
Dahan dahan na pumasok ang braso niya sa pagitan ng mga braso ko saka hinagod ang likod ko. Ang mga mata niya ay malikot na kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko.
"Ano?" Tanong ko. Parang lasing akong nakatingala sa kanya, nakakalilo ang mga titig niya.
"Can I kiss you, again?"
Nagharumentado agad ang mga halimaw sa dibdib ko dahil sa tanong niya. Ang mga mata ko ay napunta sa kanyang labi at nanatili doon.
Iyong unang halik niya halos mabaliw na ako kakaisip.
Ano na naman kayang mangyayari kapag nasundan iyon?
"I... I don't know..." Iyon ang naging sagot ko. Tumigil ang kamay niya sa paglalakbay sa likod ko.
Kita ko ang pagatras ng mga paa niya at ang paglayo niya sa akin.
"Sorry..." Parang nahihiya ito. Pero ang katawan ko ay simisigaw na hawakan niya akong muli.
Pumadyak ako isang beses, tinaas ang kamay sa kanyang dibdib at saka tumingkayad para abutin ang labi niya. Hindi pa man iyon nagdidikit ay kusa akong tumigil.
Si Whiskey.
Napapikit ako. Binalik ang paa sa lupa at akmang aatras nang mabilis na hinawakan ng isang kamay niya ang beywang ko at kinabig palapit sa kanya.
Gulat ako sa bilis ng galaw niya. Hindi pa halos rumehistro sa akin ang lahat hanggang sa naramdaman ko ang mainit nitong labi na tila inaangkin ang sa akin.
"Sir.." Parang wala ako sa ulirat at hinayaang umungol sa simpleng halik lang. Sinabayan ko ang lakas at bilis niya, tinulak ko siya paatras, pumaikot hanggang sa tumama ang likod ng tuhod ko sa mesa niya.
Tinabig ko ang mga gamit niya roon at umupo, ang mga labi niya ay hindi humihiwalay sa akin. Pinaghiwalay ko ang mga binti hanggang siya mismo ang pumwesto sa gitna ko. Ramdam ko ang nanggigigil niyang kapit sa panga ko at ang isa ay nasa hita ko.
"Next time don't wear jeans." Inis nitong sabi nang hagurin niya ang binti ko papunta sa gitna. Bigla ay nagsisi akong hindi ako nagpalda. Gusto kong maramdaman ang mga kamay niya.
"Anong nangyari sa gagawin mo muna akong babae bago may mangyari?" Pagtututya ko at pinaglandas ang mga daliri sa dibdib niya.
Pansin ko ang marahas na pagtaas at baba nito at ang tunog ng marahas niyang paghinga. Humigpit lalo ang kapit niya sa binti ko at ang ungol niya ay hindi ko matukoy kung dahil sa pagrereklamo o sensasyong pinaparamdam ko.
"Kalimutan na lang natin yun." Pahabol niya dahilan para matawa ako.
Ganitong naghahalikan lang kami at parang kahit anong oras pwede niya akong hubaran, hindi na ako magtataka kung isang araw ay may mangyari nga sa amin.
I won't mind.
Matagal ko na rin iniisip ang ganoong bagay.