Chapter 6

1287 Words
“Kanina pa ako naghihintay sa’yo. Hindi mo man lang inalala na may nasasaktan sa ginagawa ninyo. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap ang maghintay habang ang mahal mo ay may kasamang ibang babae?” Agad siyang napitlag nang lumapit it sa kaniya. “May problema ba sa mukha ko?” tanong ni Greg. Pagpasok pa lamang niya sa loob ng opisina nila mula sa lunch meeting ay nakatitig na si Hazel sa kaniya. Tila may nais itong sabihin ngunit hindi nito masabi-sabi. “W-wala, Sir,” pagsisinungaling niya dahil nasabi na ng utak niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Pagkakita pa lamang niya sa hibla ng buhok nito ay hindi na maalis ang tingin niya rito. Pagkasagot naman niya sa boss niya ay tumalikod na ito kaagad. “Sabi na nga ba. Manhid ka,” usal niya. Wala pa rin siyang kadala-dala sa patuloy na pagkukunsinti sa nararamdaman at umaasa pa rin kahit na suntok sa buwan. Nakabusangot ang mukha niya na inihatid ng mga mata niya ang binata sa paglalakad papunta sa opisina nito. Babalik na sana siya sa ginagawa niya dahil nakapasok na ito sa loob nang mapansin niyang may nakatingin sa kaniya sa gilid ng mga mata niya. Agad niya itong nilingon. At nang magtama ang mga mata nila ay agad itong nagtaas-baba ng kilay pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa nito. “Tseh!” Agad niyang inialis ang tingin niya rito. Naiinis pa rin siya. Hindi dahil sa sinabi ni Tantan o sa ginawa nito. Kung hindi ay dahil sa manhid niyang boss. Ngunit naiisip din naman niya na baka tama nga si Tantan. Hindi siya magugustuhan ng boss nila. Pero buo ang loob niya na paibigin ang lalaking iyon. Makailang ulit na niyang sinilip ang boss niya sa loob ng opisina nito. Ngunit hindi niya ito nahuhuling tumingin man lang sa kaniya kahit isang sulyap. Walang naka-schedule na meeting ngayon kaya naman hindi niya ito makakasama. Nakaburo na naman siya sa upuan niya. “Hindi mo ba ako tatawagan?” bulong niya sa sarili habang nakatitig sa telepono. Naguihintay ng tawag ng boss niya para utusan siya. Kapag ganito ang sitwasyon nila ay inip na inip siya. Gusto na niya itong pasukin sa opisina para makita ito nang malapitan. “Puntahan mo na kasi,” sabi ng lalaking kanina pa pala nakatayo sa tabi niya. Hawak ang baba nito na hinihimas-himas pa. Akala mo naman ay may balbas. “Sino?” maang niyang sagot. “Sus! Sino pa ba? E halos parang may pandikit na ‘yang mga mata mo sa opisina ni Boss.” Umismid lang si Hazel sa binata. Mang-aasar lang naman ang isang ito. “Bumalik ka na nga sa desk mo,” utos niya rito. Ngunit kailan ba sumunod si Tantan sa kaniya. Siguradong katulad niya ay inip na inip na naman din ito kaya siya na naman ang nakita. “Gusto mo ng kape? Ikukuha kita,” mabilis siyang umiling dito. “Nako, huwag na. The last time na binigyan mo ako ng kape e parang magkaka-diabetes ako sa tamis.” humalakhak naman si Tantan sa sinabi niya kaya naman natawa na rin siya. Habang nag-uusap sila ay napatingin naman si Greg sa kanila. Madilim ang mga mata nitong nakatitig sa dalawa. Naalis na lang ang tingin niya nang may tumawag. Ang mommy niya. Nagyayaya ng dinner sa kaniya. Nang matapos ang tawag niya ay napatingin siyang muli sa dalaga. Wala na itong kausap at mag-isa na itong muli sa desk niya. Bumalik din siya sa trabaho niya. Bawat oras yata ay nakita ng dalaga kasisilip sa orasan sa pader. Napatingin si Hazel sa labas ng bintana. Sa wakas ay palubog na ang araw. Natapos na naman ang buong araw nila na panay lang ang sulyap niya sa siwang ng pinto nito. Wala rin naman itong iniutos sa kaniya. Kung sabagay ay naipasa naman na niya ang report niya noong nakaraang linggo kaya naman panibago na ang tinatrabaho niya. “Ingat, Sir!” sigaw niya nang sa wakas ay lumabas na itong ng lungga nito. Kung sabagay ay uwian na kasi. Nilampasan lang siya nito at hindi rin sinulyapan kahit katiting man lang. “Ang pait talaga! Gusto ko na lang maging cellphone niya para naman titingnan niya rin ako. O hindi kaya ay elevator para sasakyan niya rin ako. Ay, teka. Pangit pakinggan. Ibig kong sabihin ay sasakyan ang mga biro ko,” parang sirang kausap niya sa sarili. Nakasakay na lang ito ng elevator ay ito pa rin ang nasa isip niya. Agad namang nagtungo si Greg sa parking lot nang makalabas ng elevator. Tinanggihan niya ang alok na dinner ng kaniyang ina. Hindi pa niya kayang tumungtong muli sa bahay ng mga ito. Ayaw niyang makita ang kinalakihan nila ni Lauro—ang kapatid niya. “Heto, Boss,” sambit ng bar tender. Natagpuan na naman ng binata ang sarili niya sa bar. Ito na naman ang magiging hapunan niya. Ang alak at tugtugin sa bar. “Hi! Alone?” sambit ng isang babaeng lumapit sa kaniya. Hindi naman ito pinansin ng binata. Ngunit makulit ang babae. Tangkang hahawakan nito ang braso ng binata nang maunahan siya nito. “Hindi ko kailangan ng kasama,” mariing sambit ng binata pagkatapos ay binitawan ang braso nito. “Suplado!” papadyak na umalis ang babae sa tabi niya na bakas sa mukha ang pagkadismaya. “Bastos na lalaki! Akala mo naman guwapo!” angil pa ng babae habang naglalakad papunta sa isang lalaki naman sa may dulo ng bar. Hindi niya nais magkaroon ng kahit anong ugnayan sa kahit na sinong babae lalo na ang kauri ng dati niyang asawa. Naiwan naman ang binata na muling lumagok ng huling patak ng alak pagkatapos ay humingi pang muli sa bar tender. Agad naman siyang binigyan nito. Nang malagyan iyon ng laman ay muli niya iyong nilagok. Nang maubos ay hindi niya napigilang mapahigpit na naman ang kapit niya sa baso. Naalala niyang muli ang nalaman niya. Nagpakalango na naman siya. Nais niyang makalimot ngunit tila hindi niya makalimutan ang mga nangyari. Lalo na ang pagkakataong masaya pa silang magkasama. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay sumisingit ang mukha ng kaniyang sekretarya. Ang mukha ng makulit na babaeng walang tigil sa pagpapapansin sa kaniya. Napangiti siya nang maalala ang ginawa nito sa lobby. Noong nakatago ito sa halaman. Napatingin naman ang bar tender sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang niya ito nakitang ngumit. Naiiling pa ang binata habang nakangiti. Naalala niya na naman ang eksena noong nakipag-meet siya kay Winona. “Are you looking for someone?” tanong ni Winona sa binata. Kanina pa kasi ito palinga-linga. “Nope. Sorry. It’s nothing,” sambit niya rito. Patayo na sila nang makita niyang muli na nagtago ito sa halaman. Napangiti siya nang bahagya. “Wait. Did I just see you smile?” napapaisip si Winona kung tama ba ang nakita niya. Matagal-tagal na rin itong hindi nangiti. “Me? Of course not. Is there something funny?” maang ng binata. Pagkatapos niyon ay lumabas na sila ng building. Hindi rin sumama ang tingin niya kahit na nakita niyang kasama nito si Ethaniel. Muling nagbalik lang ang presensiya niya nang kausapin siya ng bar tender. “Mukhang good mood tayo ngayon, Boss,” pukaw ng bar tender sa antensiyon ng binata. “Huh?” kahit narinig niya ay hindi niya gaanong pinansin iyon at nagkunwari na hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Hindi naman na inulit ng bar tender ang sinabi nito. Naisip nito na baka inaantok na siya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya. Alam naman niyang malaki ang problema ng customer nila at imposible na ngumiti ito lalo pa at mag-isa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD