“Yo, wassup, Ino— Oooh bad mood!” salubong ni Tim na agad na umalis sa daraanan ko. Tumigil ako sa sala at kumuha ng sampung dart at sunod-sunod na pinatama sa malaking banner ni Lazina Frika, sa mukha para mas masaya. Wasak-wasak na ang banner, pero wala akong pakialam. "Mukhang may balita sa mga Frika ah," usyoso ni Tim. Tumigil ako sa paghagis ng panghuling dart at ibinaling ang kamay ko kay Tim. Kita ko ang pagsama ng mukha nito sa takot. "Haha, mukha bang may balita?" sabi ko saka itinarget na ulit sa banner ang huling dart. Napabuntong hininga naman si Tim na halatang napuno ng takot sa ginawa ko. "Gago ka Tol, kala ko tutuluyan mo na ako." "May patakaran tayo di ba? Ang masasama lang ang buburahin, kasama mga kadugo nito." Pagkatapos ay mabilis akong nagpunta sa kwarto at iyam

