Pagkatapos ko maligo ay nanghihina akong lumabas para magpaalam kay Jaze at tinulungan itong maghanda ng mga dadalhin sa pag-alis. Wala akong kalakas-lakas na magsalita o may sabihin pa sa mga nangyari, di rin naman ako makakakuha ng maayos na sagot mula kay Jaze. “Stay at home,” sabi na lang ni Jaze bago umalis. Pagkasarado ng pinto ay nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at tumulo na naman ang luha ko. Hagulgol ng malala! Hahaha! Nakakatanga naman talaga ang sarili ko. Ganon na nga ang ginawa sakin ay naghihintay pa ako ng sorry. Marahan akong naglakad papunta sa kalat ng mga binasag niya at nilinis iyon. Lalo lang lumala ang luha ko habang dinadampot ang mga bubog. “Ok that is enough!” usal ni Rana. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rana at Vera. Agad akong napatigil sa gin

