Trinity's POV
"WOOOHHHH! YEAAAHHHH!" Sigaw ni Chae habang nakikipag sexy dance sa harap ng kanyang boyfriend na si Leo.
Kung hindi niyo pa naitatanong ay nandito kami sa bar kasama si Chae, my bestfriend at ang kanyang 4 year longtime boyfriend na si Leo Aragon. Mahilig kaming gumimik tuwing friday night at past time na rin kapag wala kaming inaasikaso sa school. Para nga akong chapperone dahil ako lang ang walang boylet na kasama, well? I don't want a commitments dahil ineenjoy ko pa muna ang single life ko, bukod sa mga koreanong crush ko na sila G-Dragon, Lee Minho, at Jay Park ay wala na akong gusto kundi sila lamang.
I'm Trinity Hernandez, 18 years old at isang 4th year college student sa YG Academy at isa lamang akong hamak na "DYOSA". Hahaha totoo yan dahil ako ang muse-muse'san ng YG Academy. Nabihag ko lang naman ang puso ng mga lalakeng estudyante sa YGA kaya pinili nila ako as muse. Bragging me? Hehe.
Okay, Back to reality!
Matapos naming makipagsayawan ay naupo na kami sa pinareserved na upuan para sa amin ni Leo e, bigtime milyonaryo lang naman itong boyfriend ni Chae at super duper hot pa kaya kokotongan ko 'tong bruhilda na 'to kapag lumandi pa siya sa ibang lalake.
Kumuha ako ng drinks sa may counter at ininom ito habang ang dalawa ko namang kasama ay naghahalikan at may mga sariling mundo. Well? Sanay na ako.
Napapansin ko ang mga titig sa akin ng mga kalalakihan dito sa bar. Iba na talaga kapag dyosa!
Okay? May nagstand-out sa kanila, 'yong lalakeng nakacolor black na tshirt with matching leather jacket pa. Ang lagkit talaga ng mag titig niya sa akin. Ako naman ay natulala sa angking kagwapuhan niya. I mean napakagwapo ni Leo pero mas napakagwapo 'to.
Napansin ko na papalapit siya sa akin kaya nagback to my senses na ako. Nang makalapit na siya ay umupo siya sa tabi ko at nginitian ako. Tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa nya. Playboy ito! Kahit gwapo pa siya ay hindi ako papatol sa mga katulad niya. I hate this kind of guy!
"Why?" Pagtataray ko sabay shot ng tequila na iniinom ko.
Ngumiti na naman siya. Lord! Bakit ang gwapo niyang ngumiti? Ehem.. Trinity, magbehave.
"Hi! I'm Travis, and you are?" Sabay abot ng kamay niya sa akin. Travis? Nice name.
Napansin ko na wala na pala sina Chae at Leo sa tabi ko, malamang ay naghotel na ang dalawang 'yon.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa may couch sabay sabi sa lalakeng 'to na,
"Sorry, I don't talk to strangers." And I walk out.
Oh? ang taray lang ng lola mong diyosa di'ba? Hindi naman kasi lahat ng babae ay makukuha niya lalong-lalo na ako. Tss.
"Makukuha din Kita! Tandaan mo 'yan!" Sigaw niya pa nang medyo nakalayo na ako sa kinaroroonan niya. Aba at isinigaw pa niya ha?
"It will never happen!" Sigaw ko at hindi na siya nilingon.
Dali-dali naman akong lumabas ng bar dahil tumatawag sa phone ang kuya Tristan ko.
"Hello, Kuya?" Sagot ko habang naghahanap ng taxi pauwi ng bahay.
(Trins, umuwi ka na dahil may sasabihin si mommy sa'yo)
"Oh sige, kuya."
Toot.. Toot..
Ay! Ibinaba agad? Base kasi sa tono ng pananalita niya ay parang ang seryoso niya. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin ni mommy?
Nang makapagpara na ako ng taxi ay agad akong sumakay. Pagkadating ko sa bahay ay agad-agad akong pumasok, hindi ko na rin napansin ang pagbati sa akin ng mga katulong namin dahil sa sobrang pagmamadali ko.
Pagkapasok ko sa aming living room ay nakita ko na nakatayo si kuya Tristan na parang hindi mapakali. Si kuya Troy naman ay nakaupo katabi si mommy. Sa mga mukha nila ay halatang may problema nga.
"Finally! You're here." Sabi ni kuya Tristan sabay lumapit siya sa akin at inalalayan akong maupo kaharap nila mommy at kuya Troy.
"Baby girl, we need to sell your condo." Mommy na napayuko.
"Why? Dad gave that condo to me,"
Bakit ibebenta nila ang condo na iniregalo sa akin ni daddy bago siya namatay?
Mommy held my hand. "Baby girl, medyo nalulugi na ang kumpanya natin, kapag naibenta na natin ang condo mo ay mababayaran na natin ang isang utang natin sa isang investor ng kompanya." Nakikita ko sa mga mata ni mommy na labag sa kalooban niyang ibenta ang condo na iniregalo sa akin ni daddy pero siguro nga ay wala na kaming choice para mabayaran ang utang ng kompanya.
I hugged my mommy. "I understand." I said.
"Sorry baby girl, kung may choice lang talaga si mommy." Mommy na hinagod-hagod ang likod ko.
"It's okay mommy, basta ang mahalaga ay mabayaran natin ang utang ng kompanya."
After that scenario ay napakalma ko na rin si mommy sa pag-iyak niya. That condo is so precious to me. My dad gave that condo to me in my 18th birthday. Yes, My 18th birthday. He died because of his heart disease and until now ay sariwa pa rin ang pagkamatay ni daddy dahil last month lang nangyari iyon but I hope na masaya na siya sa heaven kasama ang mga angels at si God.
"Trinity, may isa pa kaming sasabihin sa'yo." Kuya Troy break the silence.
He is my eldest brother, his name is Troy Hernandez, 26 years old at may anak at wife na rin siya. He's a lawyer and already graduated in YG Academy. He's not like kuya Tristan na makulit at jolly. Kuya Troy is very sophisticated and a quiet type of guy.
"What's that, kuya?" Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.
"You're living with the 13 guys in one house."
Ah, ayon lang pala.
T-teka?
What? Are you kidding me?
'W-what? Are you serious, kuya?" You're kidding right?" Napatawa ako.
"You're kuya Troy is not fooling you around, Trinity." Mommy in a serious tone of voice.
Seryoso ba sila sa sinasabi nila? Me? I'm a girl and I'm going to live in a one house with those 13 guys?
"But why?"
"Doon ka muna titira Trinity, those guys are our investors sons, mga responsable sila anak at wala silang gagawin na kung anuman sa'yo." Mommy.
"Pero bakit kailangan ko pang tumira dun? Naguguluhan ako mommy, kuya."
Napansin ko na kanina pa tahimik si kuya Tristan at parang hindi siya sang-ayon dito.
"Isa sa kanila ang pakakasalan mo, nag-usap na kami ng mga investors about that, kung sino man ang magustuhan mo sa kanila ay iyon ang pakakasalan mo, Trinity."
Wow! Just wow!
"Mommy, I'm only 18 at ipapakasal niyo na ako kaagad? Ano ako? pambayad utang?" Napatayo ako at napalakas ang boses ko dahil sa sobrang pagkabigla.
"Lower down your voice Trinity, that's our mom." Kuya Troy.
Napatayo rin si mommy.
"That's our tradition Trinity, please do this for us?" Nagteary-eyed na si mommy at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Paano naman ako, mommy?" Napapaluha na rin ako.
"Ayoko man anak pero ito ang hiling ng dad mo sa akin bago siya mamatay, gusto niyang magkapamilya ka at lumigaya ka."
Hays..
Kung hindi lang talaga kila mommy at daddy ay hindi ako papayag sa set-up na 'to. Magkakafiance na ako.
Pagkatapos ng iyakan session ay nakapagdesisyon na akong pumayag. Mababait naman daw ang Labintatlong lalake na makakasama ko sa bahay na 'yon. Mga gwapo kaya sila? O, mukhang mga sanggano at chaka? Hmm.
**
Umakyat na ako sa kwarto ko dahil sa sobrang pagod na rin. Humilata na ako diretso sa kama pagkatapos kong maligo. Dahil alam kong busy sina Leo at Chae sa kung anuman ay kay Bonnie ko na lang ikwinento ang mga nagyari ngayong araw na'to at pati na rin ang pagtira ko sa bahay ng anak ng mga investors ng kompanya namin.
*Phonecall*
(Really? Ano? mga gwapo ba? Ang haba ng hair mo 'teh ha? Living with the 13 guys in one house? Hahaha!) Nagsisisi tuloy ako na tinawagan ko 'tong si Bonnie kasi alam ko na pa lang aasarin lang ako nito. Dapat si Micca na lang pala ang tinawagan ko!
"Ayoko man sana pero tradisyon daw 'yon, papalugi na ang kompanya at bilin 'to ni daddy bago siya namatay so no choice ako, pero Bonnie.. hindi ko pa sila nakikita. Sa tingin mo ba ay mga gwapo at mababait sila?"
(Gaga! Malamang! Mga anak mayaman sila e, ikaw na talaga ang mahaba ang hair at puputulan ko na sumasayad na kasi dito sa loob ng bahay namin) Narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya.
"Sira!" Hindi talaga matinong kausap ang babaeng 'to.
(Pero girl, kung sakali ngang may magustuhan kang isa sa kanila, are you willing to marry him na ba talaga?)
Silence..
"Still, I don't know yet, you know? I hate commitments pero let's see, hindi ko naman madidiktahan ang puso ko kung meron nga na may isa akong magustuhan sa kanila. Bahala na."
(But.. Paano na lang kung silang lahat ay magkagusto sa'yo? That's not impossible dahil titira ka ng ilang months sa bahay na 'yon tapos ikaw lang ang babae. Ano ang gagawin mo?)
Silang lahat? Magkakagusto sa akin? Nah! Imposible!
"That's impossible! baka nga may mga girlfriends na sila, e."
(That's not impossible! Saka magpapakasal ba ang isa sa kanila sayo kung may mga girlfiends sila? Siguro nga 'yong iba sa kanila ay meron na pero sure naman akong nakipagbreak na sila dun. Isa pa bhest, maganda ka, muse ng YGA, nag-iisang anak na babae at mabait pa kaya hindi talaga malayo na magkagusto sila sa'yo)
Hmm.. napaisip ako sa sinabi ni Bonnie, paano nga? Pero sa tingin ko talaga hindi, e. Bahala na nga!
"Whatever! Matutulog na nga ako, kita-kits na lang sa monday, pagod na pagod na kasi ang mind ko. Bye, mwah."
Magsasalita pa sana si Bonnie pero pinatay ko na agad ang phone ko. Nakakastress ang araw na 'to para sa akin. Goodbye my single life.
Kinuha ko ang bracelet na nakapatong sa side table na malapit sa kama ko at pinagmasdan ito. Ito ang bracelet na binigay sa akin ng kababata ko na si Jojo, binigay niya sa akin 'to bago sila lumipat ng States. Si Jojo ang kababata ko na palagi kong kalaro sa bahay namin. Magkapit-bahay lang kasi kami at sobrang lapit lang ng tinitirhan namin sa kanila. 4 years old ako at that time at 7 years old naman noon si Jojo but I guess, ilang dekada na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Ang sabi niya sa akin ay babalikan niya ako pero mukhang malabo nang mangyari iyon but I'm still hoping, believing and remembering those promises that he said to me.
Siya pa naman ang first love ko,
Siya pa naman ang gusto kong maging future husband ko..
Makatulog na nga!