Kabanata 7

1951 Words
Trinity's POV Umagang-umaga pa lang ay gising na gising na ako at nag-eexercise dito sa labas ng garden. Kailangan ko nang exercise at para mamaintain na rin ang kalusugan ng aking katawan. Hindi naman sa pagyayabang pero sexy talaga ako. I won Ms. Body Fitness sa YG Academy last year. I'm only wearing a white sando and cycling shorts. The usual exercise outfit. I just doing an arm stretching nang makita ko na nakatingin si Jaden sa akin na nakaawang ang bibig. I just smile at him at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Boys are boys. Unti-unting lumapit sa akin si Jaden pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa may bench na malapit dito sa garden. "M-magbihis ka nga ng mas disente, kapag nakita ka pa nila na ganyan ang suot mo ay panigurado na pagpapantasyahan ka nila." What? Is he concern about me? Napangiti ako sa hindi malamang dahilan and my heart beats faster again. Lumapit ako sa kanya at iniharap ko ang mukha niya sa mukha ko. Ngayon ko lang nakita si Jaden nang malapitan and I could say na siya na ang pinakagwapong lalake na nakita ko. His hair that makes him hotter and sexy. Matangos ang ilong niya, slight singkit, maputi and he has a kissable lips. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mukha ko hanggang sa napunta na sa dibdib ko, and yeah, he's staring at my boobs. "Why is that big?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa dibdib ko. Another playful thought hit me, ikinawit ko ang dalawa kong braso sa leeg niya at tinitigan siya. Siya naman ay nagulat sa ginawa ko at sa akin na nakatitig. "I don't know." It's obvious na i'm seducing him. Gusto ko lang naman na lokohin siya. Kakalas na sana ako sa kanya nang bigla niyang tinanggal ang tshirt na suot niya hanggang sa makita ko na ang oh-so-hot-body niya. Shet! He's sexy as hell! Kahit wala siyang muscles ay sexy pa rin siya. Ako naman ay namula sa nakita ko but he suddenly smirk. "Trying to seduce me, Trinity?" He whispered in my ear and he bit my earlobe that made me shiver and red like a tomato. "Magbihis ka na, baka kung ano pang magawa ko sayo." He whisper again at pagkatapos non ay kumalas na siya sa akin at pinulot ang tshirt niya at pumasok na sa loob ng bahay. Napaupo naman ako sa damuhan at naghahabol ng hininga ko. Mukhang ako pa ang naseduce sa plano ko at nakakahiya! ** 10am na at may klase pa ako kaya nagmamadali na akong umalis ng bahay. Yung driver ang naghatid sa akin para daw fair. Ewan ko ba sa mga lalakeng kasama ko sa bahay, bigdeal na ba na ihatid ako? Kung sa bagay may points yun para makaiscore sa akin. As I walking around the campus, halos lahat nang mga estudyante ay nakatingin sa akin. Psh. Attention again. "Ang ganda talaga ni Trinity. She's a Goddess." "I agree, I just want to be like her someday.." "Bagay talaga sila ni GD." "Definitely!" Aish! Ang ingay naman nila? Why are they minding my own business? May mga buhay naman sila at bakit sa akin pa ang pinag-uusapan nila? Ganon ba talaga kaboring ang mga buhay nila para pag-usapan ako? Sa di kalayuan naman ay nakita ko sina Bonnie, Chae, Leo, Micca at Jerome na papalapit sa akin. Nang makalapit na sila ay niyakap ako nung tatlong babae. "Namiss ka namin bruhilda!" Sabi ni Bonnie habang yakap-yakap niya ako. "Para namang ilang taon kayong hindi nagkita niyan." Matawa-tawang sabi ni Micca. Inirapan na lang siya ni Bonnie at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin. Mas lalo pang natawa si Micca kay Bonnie. "Ano? Kumusta ka na? Masarap bang tumira sa bahay ng 13 gorgeous guys?" Nakangising tanong ni Chae. Siguro ay naikwento na sa kanila ni Bonnie ang lahat kaya kahit sila Chae ay alam na. Ang daldal talaga! "Siguro ay doon na muna kayo mag-usap sa canteen. 30 minutes pa naman bago ang klase." Napatango kaming lahat sa sinabi ni Leo at nagtungo na kami sa canteen. Nang narating na namin ang canteen ay naupo kami sa isang table. Nagtitinginan na naman sa akin ang mga estudyante na kumakain dito sa canteen. "Spill," Panimula ni Chae. Ikwinento ko sa kanila ang lahat ng mga nangyari at napa "Ohh" silang lahat except Jerome na kanina pa tahimik. "Jerome, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at nginitian ako. "Okay lang ako. Don't mind me." Bukod kay Chae ay matagal ko na ring kaibigan si Jerome. High school pa lang kami ay kaibigan ko na siya. Noong first year college pa kami ay nanligaw siya sa akin pero nabasted ko siya. Wala kasi akong nararamdamang espesyal para sa kanya, hanggang pagkakaibigan lang kasi ang tingin ko dito. Naiintindihan naman niya ako and until now ay kaibigan ko pa rin siya. He will find a right girl someday at hindi ako iyon. He's handsome, kind and down to earth person at kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. That's my bestfriend. Tumango na lamang ako at sumandal sa balikat niya. Wala naman itong malisya at habit ko na talaga ang pagsandal sa balikat niya. Wala lang naman iyon dito sa mga kasama ko dahil sanay na sanay na sila sa amin ni Jerome. "Basta mag-iingat ka pa rin sa kanila. Mga lalake pa rin 'yon." At tinap nito ang ulo ko. "Alam ko yun," Sabi ko na lang. He is nice, right? That's why I owned Jerome so much. "Kung hindi lang talaga kayo magkaibigan ay iisipin ko na magsyota kayong dalawa." Ani Chae at sumandal sa balikat ni Leo. "Me too." Sang ayon ni Bonnie. "Me three." Sang ayon rin ni Micca. Iniintay na lang namin magsalita si Leo. Napatingin pa siya ng alanganin kay Jerome na nakatingin sa kanya bago ito nagsalita. "Uh? Me four?" Napatawa kaming lahat sa naging reaksiyon niya. "Kung sino man ang mapili mo sa 13 guys na 'yon ay nandito lang ako at susuportahan ka." Sabi ni Bonnie. "Thanks, Bonnie." She just smile at nag thumbs up sa akin. Sandali ay natigilan ito at napatingin siya sa likod ko. "Sila GD.." Napatingin naman kaming lahat sa may likod ko at nakikita namin ngayon sila GD kasama ang apat niyang mga kaibigan na papalapit sa amin. Nagsitilian ang mga babae nang makita sila GD. Ang sakit lang sa tenga ng mga sigaw nila. These crazy fangirls are annoying. "Kyaaahh! GD! Ang gwapo-gwapo mo talaga!" "Paolo! You're so hot!" "Theo, marry me!" "Sean, troll with me!" "Dennis, Kyaaahh! Haranahin mo ako!" Kung makatili at makasigaw naman ang mga babaeng 'to parang mga artista ang dumating. This group of GD annoys me so much. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa nila sa akin, mabuti na lang at hindi na kumalat iyon dito sa YGA kundi ay masisira siya sa dad niya at ayoko na palakihin pa ang sitwasyon dahil mas lalo lang magkakagulo. Nang makalapit na sila sa pwesto namin ay tinitigan niya ako at ngumisi. Kinwelyuhan niya si Jerome na katabi ko at saka nito itinayo mula sa pagkakaupo sabay itinulak ito. Napaupo si Jerome sa sahig dahil sa ginawa sa kanya ni GD. Umupo si GD sa upuan na kanina ay inupuan ni Jerome at tinitigan ulit ako. Lalapitan ko na sana si Jerome nang hinarang ako ng mga kaibigan ni GD. Ang mga kaibigan ko naman ay halatang kanina pa nagtitimpi sa grupo nila GD. Akala talaga ng tao na 'to ay siya ang hari dito sa YGA. Napakalakas ng loob niya at wala siyang kinakatakutan dahil alam niyang anak siya ng mayor at malakas ang kapangyarihan nila sa faculty ng YGA dahil isa ang ama niya sa namamahala rito. Gusto man kaming pansinin ng mga estudyante sa loob ng canteen ay hindi nila magawa dahil sa takot nila kay GD. Hindi ito ang unang beses na mangyari ito. Ilang beses na itong nauulit at alam nila na magagalit si GD kapag pinag-uusapan kami. He has a power na gawing sunod-sunuran ang mga estudyante ng YGA. "Anong kailangan mo?" Nanggigigil kong tanong sa kanya. Kapag nakikita ko talaga ang pagmumukha niya ay naiinis ako. Ipinatong nito ang dalawang paa niya sa isang upuan sa tabi at isinandal ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo and he lean on the wall. "Ikaw lang naman ang kailangan ko." Naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Pinagbabawal sa YGA na manigarilyo pero siya ay wala lang pakialam. "Pwes kung ganon ay hindi kita kailangan. Guys, tara na." Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinigit at inupo sa kandungan niya. Lalapitan na sana ako nila Chae nang hinarangan sila ng mga kaibigan ni GD. May mga estudyanteng lalake rin ang nakisali at tinulungan ang mga kaibigan ni GD sa pagharang. "Tangina! Bitawan niyo ako mga gago!" Sigaw ni Leo na hinaharangan nang mahigit sa limang lalakeng estudyante. "Bitawan niyo nga kami pwede ba?!" Sigaw naman ni Bonnie. Hindi ako makagalaw sa kandungan ni GD dahil sa sobrang higpit ng kapit niya sa akin. "Let me go!" Tinawanan lang ako nito pati ng mga kaibigan niya. Pinagtitripan na naman nila ako. "Pakipot ka pa kasi Trinity, alam ko naman na type mo ako." "Never in my whole life na maging type ko ang mayabang na katulad mo!" Sigaw ko sa kanya. Mas lalo lang siyang tumawa sa sinabi ko. "Napakasama mo talaga!" Sigaw ni Micca kay GD. "Mr. Buenavista! What the heck is happening here?" Mabuti na lamang at dumating ang terror professor namin sa Math na si Mam Roque. Napabitaw sa akin si GD at binitawan na rin nila ang mga kaibigan ko. Napatayo ito at nilapitan naman siya ng mga kaibigan niya. Here we go again. "Pinagtitripan niyo na naman ba si Ms. Hernandez?" Lumapit si mam kila GD na may nakakatakot na aura. Hindi sumagot si GD sa halip ay sinipa niya ang upuan sa tabi niya kaya natumba ito na ikinagulat ni mam Roque. "Dyos kong bata ka! Hindi ka na ba talaga magtitino?" Galit na usal nito na napahawak pa sa kanyang dibdib dahil sa sobrang gulat. "Ang dami niyong satsat, sa guidance office naman ang tuloy nito di'ba?" Balewalang sagot ni GD na ikinatawa na naman ng mga kaibigan niya. Mas lalong dumilim ang aura ni mam kaya napasigaw na ito. "Go to the Guidance Office now!" Napangisi na lang sila GD at umalis na sila sa canteen pero bago iyon ay nilapitan niya si Jerome. "We're not done yet," Ani nito at umalis na sila. "Go back to your class, now!" Sabi ni mam kaya nagsialisan na ang mga estudyante sa canteen at nagpunta na sa kani-kanilang mga klase. "Okay ka lang?" Nilapitan ako ni Jerome at niyakap. "Okay lang. Sanay na ako." "That guy is totally insane!" Mailing-iling na sabi ni Chae. Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga klase matapos ang insidente na iyon. Nasanay na ako sa pantitrip sa akin nila GD. Titigilan lang raw niya ako kung papayag akong maging girlfriend niya pero kahit na kailan ay hindi ko gugustuhing maging boyfriend siya. Di bale nang tumanda akong dalaga basta huwag ko lang siyang maging boyfriend. Matapos ang napakahabang oras ng klase ay sa wakas at uwian na. Niligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng classroom nang makita ko sila Chae, Bonnie, Micca, Leo at Jerome na nakaabang sa akin. "Oh, anong ginagawa niyo ditong lahat?" "Bibisitahin lang naman namin ang bagong tinitirhan mo." Nakangiting sagot ni Bonnie. "Gusto rin namin mameet ang 13 guys na 'yon." Follow up ni Micca. "Shall we go?" Nakangising sagot ni Chae. May magagawa pa ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD