THIRD PERSON'S POV
Nakakailang bote na rin ng alak si CJ habang nasa bar siya at nagpapakalasing. Tuluyan nang nakipaghiwalay si Allison sa kanya at nalaman na rin nito ang plano niya at sobrang nasasaktan siya ngayon dahil si Kenneth na naman ang pinili nito. Ano bang nakitang magandang katangian ni Allison sa nerd at baduy na lalakeng iyon? Hamak na mas gwapo at mas lamang na siya kaysa kay Kenneth kaya bakit ganon nalang siya kung baliwalain ni Allison?
"f**k!" Sigaw ni CJ at ginulo nito ang buhok niya dahil sa matinding frustration. Napatingin naman sa kanya ang mga tao na nasa loob rin ng bar pero hindi nalang niya ito pinansin.
Isa pa sa ikinakagalit niya ay nang tuluyan nang sumama si Allison kay Kenneth at umalis na rin ito sa bahay nila. Pakiramdam ni CJ ay para siyang pinapatay paunti-unti ni Allison dahil sa sakit na nararamdaman niya. Mahal na mahal niya ang dalaga at hindi niya matanggap na may iba nang lalakeng magmamahal at magpapasaya sa kanya.
He's so addictive, obsess and desperate when it comes to Allison at hinding-hindi niya magagawang kalimutan o ipaubaya nalang ito sa iba. Habang patuloy pa rin sa pag-inom si CJ ay tila namataan niya ang apat na matalik na kaibigan ni Allison na sila Jude, Jace, Karl at Rowan na nasa isang table at umiinom rin. Dahil sa sobrang kalasingan niya ay kaagad niyang nilapitan ang mga ito at nginisian.
"Nandito pala kayo mga bestfriend ni Allison! Kumusta na? Anong pakiramdam na tuluyan na niya kayong nilalayuan? Masakit, 'di ba? Parang 'yung nararamdaman ko lang ngayon." Lasing na lasing niyang sabi sa harapan ng apat na kalalakihan.
Kumunot naman ang mga noo nila sa sinabi ni CJ.
"What do you mean? Hindi ba't ikaw ang boyfriend ni Allison at ikaw pa nga ang pumipigil sa amin para lapitan namin siya?" Sagot naman ni Karl habang nagve-vape.
Tumawa naman si CJ ng malakas. "Hindi niyo ba alam? Nakipagbreak na sa akin si Allison dahil sumama na siya ulit dun kay Kenneth at ngayon ay nagli-live in na sila. You know what the funny part is, I faked my suicide attempt para lang kaawaan niya ako at maging boyfriend niya ako. Sinabi ko pa na sa oras na makipaghiwalay siya sa akin ay magpapakamatay ako pero wala pa rin nangyari. Mas pinili niya pa rin si Kenneth kaysa sa akin!" Sabi naman ni CJ.
Nagulat naman ang apat dahil sa rebelasyon ni CJ. Ngayon ay naiintindihan na nila kung paano nalang naging boyfriend noon ni Allison si CJ eh alam naman nilang mahal na mahal ni Allison si Kenneth. Ni ayaw nga nitong makipaghiwalay sa lalakeng iyon at mas pinili niya ito kaysa sa kanilang apat na matagal na niyang kakilala.
"You did that move? You're such a desperate guy." Sabi naman ni Rowan at napailing nalang.
Napangisi nalang si Karl dahil sa sinabi ni Rowan. Kung desperado si CJ ay mas desperado naman sila kay Allison. They raped Allison para lang sila ang makauna dito at hinding-hindi nila pinagsisisihan na ginawa nila iyon sa bestfriend nila. Ayaw nilang si Kenneth ang makauna sa kanya dahil sa kanila lang si Allison.
"Kayo ba? Huwag na nga tayong maglokohan pa dito. Alam ko naman na lahat kayo ay may gusto rin kay Allison pero paano na 'yan? Kay Kenneth na siya napunta at tuluyan na nga niya kayong nilalayuan sa hindi ko malamang dahilan. Sabihin niyo nga sa akin, may ginawa ba kayo kay Allison para kamuhian niya kayo?" Nagdududang tanong ni CJ na ikinahinto naman nila.
Ilang segundo pa ay bigla nalang nagsalita si Jace.
"We raped her."
Nagulat naman si CJ sa sinabi ni Jace. "G-Ginawa niyo 'yon kay Allison?" Gulat niyang tanong.
Tumango naman si Jace at pinaglaruan ang shot glass niyang wala nang laman. "Yes. Ginawa namin 'yon dahil ayaw naming si Kenneth ang makauna sa kanya. Like you, we're such a desperate guys to have her. Hindi rin namin matanggap na may boyfriend na si Allison that's why we did that 1 month ago. That's the reason why she's mad with us at tuluyan na niya kaming nilalayuan at hindi kinakausap." Pag-amin naman niya.
Umiling lang si CJ na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Jace. By the looks of Allison's bestfriends ay mukhang hindi nila gagawin ang bagay na iyon sa dalaga pero nagkakamali pala siya. Katulad niya rin ang mga ito na sobra nang desperado na maangkin ang babaeng pinakamamahal nila.
Kaya pala ganon nalang ang pag-iwas ni Allison sa apat na lalakeng nasa harapan niya dahil pinagsamantalahan siya ng mga ito. Marami talagang nagagawa ang pag-ibig kahit na bawal ay magagawa mo pa rin dahil sa sobra ka nang desperadong maangkin siya. Kahit siya ay ganon rin kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga ito.
"Wala rin pala tayong mga pinagkaiba. Pare-pareho lang tayong mga gago. What a great team he have!" Natatawa namang sabi ni CJ.
Tama si CJ, pare-pareho lang silang mga gago at desperado.
"Sinabi mong nagli-live na sina Allison at Kenneth. Anong ibig mong sabihin? Umalis na si Allison sa bahay nila at doon na siya kay Kenneth nakatira?" Tanong naman nang kanina pang tahimik na si Jude.
Tumango naman si CJ. "Umalis na siya dahil masyado na raw naming kinokontrol ang buhay niya at ang magaling na si Kenneth naman ay nagpapaka prince charming kay Allison at nagpresinta na doon nalang muna tumira si Allison sa kanya." Sabi niya at bigla nalang tumiim ang bagang niya.
Sa sinabi ni CJ ay bigla nalang nagbago ang mood nila Jude, Jace, Karl at Rowan. Nainis sila sa sinabi nito at awtomatikong napakuyom ang mga kamao at bagang nila sa sobrang paninibugho. Naiisip palang nilang nakatira na si Allison sa bahay ni Kenneth at ginagawa na nila ang ginawa nila noon kay Allison ay parang gusto na nilang magwala sa galit at selos.
Walang ibang pwedeng humawak at gumalaw kay Allison kundi sila lang.
"Hindi pwedeng mangyari 'yon. Hindi pwedeng tumira si Allison kasama ang lalakeng 'yon!" Sigaw ni Rowan na ikinagulat nila.
Ang tahimik at seryosong si Rowan ay sumisigaw at galit na galit ngayon?
Mas lalo pang napangisi si CJ sa ginawa ni Rowan at may naisip itong bigla.
"I have a plan para mabawi natin si Allison kay Kenneth."
Napalingon naman silang apat kay CJ at tila naging interesado sila sa sinabi nito.
"What plan?" Tanong ni Karl.
Lumapit naman si CJ sa kanila at sinabi na nito ang plano para mapasakanila si Allison. Sa sobrang desperado na nilang makuha si Allison ay pumayag nalang rin sila sa plano nito. Ito lang ang natatanging paraan para makuha nila si Allison. Mali man ay makikipagsabwatan sila kay CJ at gagawin nila ang lahat para lang hindi mapunta si Allison kay Kenneth.
Hindi pala kaya ni Karl na ipaubaya nalang si Allison kay Kenneth katulad nung huling napag-usapan nilang apat na magkakaibigan.
Sa kanila lang dapat si Allison, sa kanila lang.
ALLISON'S POV
Nandito kami ngayon ni Kenneth sa bahay nila Papa at Tita Merly. Ipinakilala ko na rin si Kenneth bilang boyfriend ko at sinabi kong tuluyan na akong umalis sa poder nila Kuya Robin at Mama dahil hindi ko na kaya pa ang ginagawa nilang pagkontrol sa akin na lubos naman nilang naiintindihan.
"Allison, pwede ka namang dito nalang muna tumira sa amin. May isa pang bakanteng kwarto diyan katabi nang kwarto ni Enzo at pwedeng doon ka muna tumuloy." Suhestiyon ni Tita Merly.
Nakita ko naman na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth pagkabanggit ni Tita Merly nang pangalan ni Enzo kaya nagsalita kaagad ako.
Alam ko namang nagseselos pa rin hanggang ngayon si Kenneth kay Enzo kahit kapatid ko pa ito.
"Tita, salamat nalang po pero okay na po muna ako dun sa condo unit ni Kenneth. Safe naman po ako since siya ang kasama ko doon." Nakangiting sabi ko naman.
Wala na rin namang nagawa si Tita Merly kundi tumango nalang. "Kung ayan ang gusto mo ay hindi na kita mapipilit pa basta kung may kailangan ka ay 'wag kang mahihiyang magsabi sa amin, ha?" Sabi niya.
Tumango ako. "Salamat po, tita."
"Matagal ka na dapat umalis diyan sa nanay mo, e. Hindi ko alam kung bakit pati si Robin ay ginaganyan ka na rin at pinagtutulakan ka pa dun sa kaibigan niya. Mag-ina nga talaga sila." Naiiling namang sabi ni Papa at napahilot nalang ito sa sentido niya.
Napabuntong-hininga naman ako. "Masakit man sa loob ko na lumayo na kina Kuya Robin at Mama ay kailangan para na rin po sa sarili ko. Hindi ko po mahal si CJ dahil si Kenneth lang po talaga ang mahal ko." Sabi ko dahilan para mapatingin sa akin si Kenneth at mapangiti.
Bumaling naman si Papa kay Kenneth at tinapik ang balikat nito. "Alagaan mong mabuti si Allison dahil umaasa at nagtitiwala ako sa'yong hinding-hindi mo siya sasaktan." Bilin ni Papa.
Tumango naman si Kenneth at ngumiti. "Opo, ipinapangako ko po, Tito Danh. Aalagaan ko po si Allison at hinding-hindi ko siya pababayaan."
"Mabuti." Sabi naman ni Papa at tumango nalang pagkatapos.
"Enzo!"
Banggit ni Tita Merly nang makita niya si Enzo na kakapasok lang mula sa loob ng bahay galing sa school nila.
Ngumiti naman siya kay Tita Merly at nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa amin at hinalikan ako sa pisngi. Nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Kenneth sa ginawa ni Enzo pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Ate Alli, nandito ka pala at kasama mo si.. Kuya Kenneth." Nakangiting sabi niya pero kaagad rin napawi iyon nang makita niya si Kenneth.
"Oo, Enzo. Tuluyan na akong umalis sa bahay nila Mama at sa condo unit na ako ni Kenneth tumutuloy pansamantala. Nagkabalikan na kami." Sabi ko naman at ngumiti pagkatapos.
Nagulat at ngumiti naman si Enzo sa sinabi ko. "Good for you, ate. Kuya Kenneth, alagaan mong mabuti ang ate ko, ha? Mahal na mahal ko 'yan at ayokong pinapabayaan siya." Sabi ni Enzo kay Kenneth dahilan para mapatingin naman sa kanya si Kenneth.
Tumango nalang si Kenneth na hindi man lang ngumingiti. Mukhang mas lalo pa yatang inaasar ni Enzo si Kenneth dahil alam niyang pinagseselosan siya nito. Hay nako!
Tumawa nalang bigla si Enzo at lumayo na ito sa amin. "Sige, aakyat na ako sa kwarto ko. Mamaya nalang ulit, Ate Alli!" Paalam niya at tuluyan na nga itong umalis.
"Pagpasensyahan mo na 'yung anak ko, Kenneth. Talagang sobrang sweet lang nun sa ate niya dahil si Allison lang naman ang nag-iisang kapatid niya." Paumanhin ni Tita Merly kay Kenneth nang makita niya ang biglang pagbabago ng mood nito.
"Okay lang po, tita. Magkapatid naman sila at wala pong malisya sa akin 'yon." Sagot naman ni Kenneth.
I mentally laugh. Wala daw malisya? Eh halos kanina nga ay para na niyang papatayin si Enzo sa sobrang sama ng titig niya dito na hindi naman nakita nina Papa at Tita Merly.
Sandali pa kaming kumain sa bahay nila Papa at pagkatapos nun ay umalis na rin kami hanggang sa nakarating na kami sa condo unit ni Kenneth.
Kaagad niya akong ipinasok sa loob ng kwarto niya saka inihiga sa kama at hinalikan sa labi. Wala naman akong nagawa kundi ang halikan siya pabalik pagkatapos nun ay tinitigan niya ako mula sa mga mata ko.
Napakagwapo talaga ni Kenneth. Napakaswerte ko dahil sa akin siya napunta.
"I'm sorry kung pati 'yung kapatid mo ay pinagseselosan ko. Ayoko lang talagang may ibang lalakeng umaagaw sa atensyon mo bukod sa Papa mo." Mahinang paumanhin niya.
Napangiti naman ako at hinaplos ang pisngi niya. "Alam ko pero kapatid ko pa rin 'yon kaya sa susunod iiwasan mo na 'yang pagseselos mo sa kanya, ah?" Sabi ko.
He just shook his head at pagkatapos nun ay hinalikan na niya ang leeg ko pababa hanggang sa dibdib ko. Mukhang alam ko na ang mga susunod na mangyayari.
Yari na naman ako nito!