ALLISON'S POV
I am shaking right now habang hawak ni Kenneth ang mga kamay kong nanlalamig. Kakagaling lang namin sa ospital kanina pagkatapos ng klase namin and its confirmed.
I'm pregnant.
Sobrang tuwang-tuwa si Kenneth nang malaman niya ang balitang iyon at nakikita ko sa kanya na ready na siya maging Daddy ng magiging anak namin. I'm also happy na magkakaanak na kami pero hindi pa rin maiaalis sa akin ang pangamba na baka hindi matanggap nina Kuya Robin at Mama ang magiging anak ko dahil hindi si CJ ang ama nito kundi si Kenneth. Sigurado naman akong matatanggap nila Papa, Tita Merly at Enzo itong ipinagbubuntis ko pero may pag-aalinlangan talaga ako kina Kuya Robin at sa Mama ko.
"We will go tomorrow to my Mom and Dad's house. Sasabihin natin sa kanila na buntis ka at magkakaanak na tayo." Masayang sabi ni Kenneth at hinalikan niya ako sa noo.
Ngumiti naman ako ng pilit at tumango nalang. Napansin naman niya na parang wala ako sa mood kaya tinanong niya ako.
"Are you okay, baby? Bakit parang hindi ka masaya ngayon? You should be happy dahil magkakaanak na tayo." Nakakunot-noo niyang tanong.
I sighed. "I'm very happy right now but I'm so worried na baka hindi matanggap nina Kuya Robin at Mama itong ipinagbubuntis ko. As their family, gusto ko na matanggap nila ang magiging anak natin." Malungkot ko namang sabi.
Napailing nalang si Kenneth at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. "If they really love you ay tatanggapin at tatanggapin pa rin nila ang baby natin and if not then bahala na sila. We don't need to worry about them at magfocus nalang tayo kay baby, okay?" Sabi niya at nginitian ako pagkatapos.
Nawala naman ang agam-agam sa isipin ko at tumango nalang. Kenneth is right, sana ay maintindihan nila kuya at mama kung sakali mang hindi nila matanggap na may anak na kami ni Kenneth.
Habang nagpapahinga kami sa couch ni Kenneth ay may nagbuzz ng paulit-ulit sa pintuan ng condo niya. Kaagad naman akong kinabahan doon dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Tumayo naman si Kenneth at pinagbuksan ng pintuan kung sinuman ang nagbuzz. Pagkabukas niya nun ay bumungad sa amin sina Mama at CJ na sobrang sama ng tingin kay Kenneth. Nagtaka naman ako dahil hindi nila kasama si Kuya Robin.
Nang makita ako ni Mama ay lumapit siya sa akin at hinatak ako papatayo sa couch.
"Uuwi na tayo ngayon, Allison." Galit niyang sabi.
Binawi ko naman ang kamay ko sa kanya na ikinagulat niya. "Hindi ako sasama sa inyo." Sabi ko saka ako bumaling kay CJ at tinitigan siya ng masama. Ngumisi lang siya habang nakatingin sa akin at humalukipkip.
Kailan niya ba talaga ako titigilan? Bakit alam niya ang condo unit ni Kenneth?
"Nabalitaan ko nalang dito kay CJ na sumama ka na pala sa lalakeng 'to at iniwan mo na kami. Alam mo ba na sa ginawa mong pag-iwan sa amin na pamilya mo 'yung kuya mo ay nagkukulong na sa kwarto at nagpapakalasing dahil iniwan mo na kami? Ano bang ginawa sa'yo ng lalakeng 'to para mabaliw ka sa kanya?" Sigaw ni Mama at itinuro si Kenneth.
Si Kuya Robin? Nagkukulong na sa kwarto at nagpapakalasing dahil sa pag-iwan ko sa kanila ni Mama? Ang ibig sabihin ba nun ay talagang nag-aalala siya para sa akin at ayaw niya akong umalis sa bahay?
Napayuko naman ako. "I'm sorry, ma pero kailangan ko na munang lumayo sa inyo. Sa una palang alam niyo nang hindi ko gusto si CJ pero pinipilit niyo siya lagi sa akin. May ginawa pa sila ni Kuya Robin na isang bagay dahilan para mas lalo lang akong magkaroon ng rason na umalis mula sa bahay. Sana intindihin niyo rin ang nararamdaman ko, ma. Hindi habangbuhay ay kaya niyo akong kontrolin ni kuya." Sabi ko na parang maiiyak na.
Tumawa naman ng mahina si Mama sa sinabi ko. "Lahat ng ginagawa namin ng kuya mo ay para rin sa'yo 'yon, Allison. Sino pa ba ang nababagay sa'yo? Si CJ lang. Ano pa bang hahanapin mo sa kanya? Gwapo naman siya, mabait at higit sa lahat maibibigay niya ang lahat ng pangangailangan mo. Bakit kailangan mo pang sumama sa ibang lalake kung nandito naman si CJ?" Sabi nito at lumingon kay CJ. Nginitian niya naman si mama.
Ang kanina pang tahimik at nakikinig sa amin na si Kenneth ay nagsalita na.
"Tita Maddi, if you didn't know, mayaman rin ang pamilya namin. Mas mayaman pa kaysa sa inaakala mo kaya lahat ng gusto ni Allison ay kaya kong ibigay sa kanya. Pangalawa, mahal na mahal ko po ang anak niyo at ganon rin po ang nararamdaman niya para sa akin. Pangatlo, hindi niya po mahal si CJ kaya sana intindihin niyo nalang si Allison." Sabi niya.
Napatigil naman si Mama sa sinabi ni Kenneth habang si CJ naman ay humarap kay Kenneth at sinamaan siya ng tingin.
"Pinagmamalaki mo bang mas mayaman ang pamilya niyo kaysa sa amin? Isa pa, hindi naman kayo nababagay ni Allison dahil isa ka lang namang loser, baduy at nerd na nagtransform bilang isang prinsipe para bumagay ka kay Allison. Sa tingin mo ba ay matatanggap ka ni Tita Maddi para sa anak niya? Nangangarap ka yata!" Then he chuckled.
Ngumiti naman si Kenneth sa kanya. "Your insecurities to me are showing right now, CJ. Bakit naman hindi ako matatanggap ni Tita Maddi? There's so many reasons para matanggap niya ako para kay Allison. I'm always better than you and you know that." He smirk after.
Mas lalo pang sumama ang tingin ni CJ sa kanya at kaagad kwinelyuhan si Kenneth na ikinagulat namin ni Mama.
"Are you kidding me? Allison is mine and I'm always better than you!" Sigaw ni CJ sa mukha ni Kenneth.
Hindi naman natatakot si Kenneth sa galit na ekspresyon na ipinapakita ni CJ at mas lalo pang lumawak ang ngiti nito at nilingon niya si Mama.
"Tita Maddi, papayag ba kayong maging ganito nalang kabasagulero at mainitin ang ulo ng magiging future son-in-law niyo? Look at him, he had a short temper at mas delikado para kay Allison na makasama niya ang lalakeng 'to." Sabi niya na tila hinahamon si CJ.
Umiling naman si Mama then she massage her temple. "CJ, bitawan mo na siya, please." Pakiusap nito.
Nagulat naman si CJ sa sinabi ni Mama. "What, tita? Hindi niyo alam kung gaano kabaliw ang lalakeng 'to kay Allison at inaagaw niya-"
"I said release him." May tono na sa pagbabanta ni Mama kaya wala nang ibang nagawa si CJ kundi ang bitawan si Kenneth at titigan nalang ito ng masama.
Humarap naman si Mama kay Kenneth. "May I know your name?" Walang emosyon niyang tanong.
"Kenneth Natividad po." Kenneth answered.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mama sa sinabi ni Kenneth. "N-Natividad? You're Kristof and Lea Natividad's son? 'Yung father mo na isa sa pinakamayaman na business tycoon dito sa Pilipinas?" Gulat niyang tanong.
Tumango naman si Kenneth at ngumiti. "Yes po, tita. I'm Kristof and Lea Natividad's son." Sagot niya.
Napailing nalang ako dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mama. Para akong nakakita ng dollar sign sa mga mata niya nang malaman niya na mas mayaman ang pamilya ni Kenneth kaysa sa pamilya nila CJ. Its about money that matters in my mother's vocabulary.
Ngumiti naman si Mama kay Kenneth. "Alam mo bang naging kaklase ko noon ang Mom mo?Then you and Allison are already dating? Kailan pa?" Nakangiti niyang tanong.
"I know po, tita. 1 month ago, naging kami po ni Allison pero dahil sa may ginawa po si CJ at ang anak niyong si Robin kaya po nagkahiwalay kami. Ngayon po ay nagkabalikan na kami ulit ni Allison." Sagot naman ni Kenneth saka ito lumingon kay CJ at nginisian siya. Mas lalo lang dumilim ang mukha ni CJ at kita ko ang pagkuyom ng kamao at panga nito.
"Really, CJ? Ginawa niyong paghiwalayin ni Robin sina Allison at Kenneth? How could you two do that?" Tanong ni Mama.
"Dahil hindi nababagay ang anak niyo diyan sa lalakeng 'yan. Hindi niyo pa kasi nakita ang unang ayos niyang si Kenneth kaya alam kong hindi niyo rin siya matatanggap para sa anak niyo!" Sabi naman ni CJ.
Umiling naman si Mama. "But his family is rich. Alam mo naman na kaya lang ako nakakapit sa pamilya niyo dahil kahit papaano ay may utang na loob ako sa mga magulang mo. But Allison already found her love at 'yon nga ay si Kenneth kaya wala ka na rin silbi sa akin. Tapos na ang gamitan sa pagitan ng Valderrama at Lim dahil kahit ako ginagamit lang rin ng mga magulang mo para mas lalo lang makilala ang kompanya niyo." Nakataas na kilay na sagot ni Mama at binuksan nito ang dala niyang pamaypay.
Gulat na gulat si CJ sa sinabi ni Mama at umalma kaagad ito.
"Ganon na lang 'yon, tita? Nalaman mo lang na mayaman ang pamilya ng nerdy at talunan na lalakeng 'to ay aalis ka na sa partnership niyo ng parents ko? Mukha ka pala talagang pera!" Sagot naman ni CJ na parang hindi makapaniwala.
Ngumiti lang naman si Mama sa kanya. "Mukha na kung mukhang pera. Pera lang naman ang nagpapaikot sa mundong 'to, hijo. Kung si Kenneth ang makakatuluyan ng anak ko ay hindi ako manghihinayang sa future niya. Mayaman nga kayo, CJ pero wala pa kayo sa kalahati ng yaman nitong sila Kenneth kaya alam kong mas mabibigyan niya ng magandang kinabukasan si Allison."
Umiling naman si CJ sa sinabi ni Mama. "You're impossible. Wala kang utang na loob!" Sigaw niya kay Mama.
Kahit mas matanda si mama ay nawala na rin ang paggalang sa kanya ni CJ. Ang akala ko pa naman ay tuluyan na siyang nagbago pero hindi pa pala. Palabas niya lang lahat ang mga kabutihang ipinakita niya sa akin noong naging kami sa loob ng isang buwan. Bakit pa ba ako magtitiwala sa lalakeng ito na makasarili at walang respeto sa kahit na sino? Hindi na nga niya iginagalang si mama ngayon.
Hindi pinansin ni Mama ang sinabi ni CJ at muli itong bumaling kay Kenneth. "I want a business partnership with your parents. Okay lang ba sa kanila 'yon since you're now my daughter's boyfriend?" Nakangiting tanong nito.
Kenneth nodded immediately. "Yes, po tita. They really also like Allison for me. Gusto ka ngang mameet ni Mom sooner dahil nalaman ko nga pong magkaklase kayo noong college."
"Yes, hijo. I know Lea because she's my friend back then. No wonder na medyo kahawig mo nga siya but you really look like your father. Both handsome and hottie!" Compliment naman ni Mama kay Kenneth.
Nahihiya namang nagpasalamat si Kenneth at bigla ay hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalop ito.
"Tita Maddi, we have something to tell you." Seryosong sabi ni Kenneth at tumingin ito sa akin.
Kahit may nerbiyos at kaba pa rin akong nararamdaman dahil baka hindi matanggap ni Mama ang ipinagbubuntis ko ay huminga nalang ako ng malalim.
"Sure. What is it, Kenneth?" Nakangiti namang tanong ni Mama.
"Allison is pregnant."
Sa sinabing iyon ni Kenneth ay bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Mama habang si CJ naman ay mas lalo pang tila nagalit sa sinabi ni Kenneth.
"f**k! Binuntis mo pa si Allison? Gago ka talaga kahit kailan!" Galit na sabi ni CJ at kaagad itong lumapit kay Kenneth at sinuntok niya ito sa mukha.
Nataranta naman akong bigla at kaagad inalalayan si Kenneth para makatayo mula sa pagkakabagsak niya sa sahig. Natigil lang sa pagwawala si CJ nang biglang sumigaw si Mama.
"CJ, stop!"
Natigil si CJ sa pag-ambang susuntukin ulit si Kenneth nang biglang lumapit sa kanya si Mama at sinampal siya. Nagulat naman si CJ sa ginawa ni Mama at napahawak ito sa pisngi niyang nasampal ni Mama.
"Tumigil ka na. Tapos na ang ugnayan ko sa pamilya mo kaya makakaalis ka na dito. Allison is pregnant at makakasama sa kanya 'yang ginagawa mo. Ito na ang huling beses na gagawin mo 'yan dahil hindi na kita papayagang lapitan at kausapin pa ulit si Allison lalong-lalo na ang saktan mo si Kenneth. Kahit kaibigan ka pa ni Robin at anak nila Stella at Garry ay hindi ako magdadalawang-isip na kaladkarin ka paalis." Pagbabanta ni Mama kay CJ.
Nang makabawi si CJ sa pagkagulat dahil sa ginawa at mga sinabi sa kanya ni Mama ay tumawa ito ng malakas at biglang sinipa 'yung pader na nasa likuran niya.
"Ganyan pala ang gusto mo, tita? Sige, pagbibigyan kita ngayon pero ito lang ang tatandaan mo, kahit kailan ay hinding-hindi ko ibibigay si Allison diyan sa nerdy na lalakeng 'yan. She's mine!" Sabi niya pagkatapos ay kaagad na itong umalis.
Mama just shook her head at nilapitan nito si Kenneth.
"Are you okay, hijo?" Tumango naman si Kenneth.
"Okay lang po ako. Don't worry about me, tita." He said.
My mom nodded. "I want to meet your parents tomorrow. Gusto ko silang makausap and also, I want you to marry my daughter as soon as possible." Mama said.
Sa sinabi ni Mama ay sobra akong nagulat doon habang si Kenneth naman ay ngumiti ng napakalaki.
"Yes, po. Makakaasa po kayo." Masayang sabi niya.
Tumango naman si Mama sa kanya at pagkatapos ay humarap ito sa akin. "I will be here tomorrow. Isasama ko ang kuya mo." Sabi niya. Tumango naman ako at pagkatapos nun ay umalis na rin siya.
Nang kaming dalawa nalang ni Kenneth ang naiwan ay bigla itong ngumiti sa akin. "So, panatag ka na? Tanggap na ng Mama mo na buntis ka at magkakaanak na tayo. Hindi mo na kailangang mag-alala pa sa iisipin nila ng kuya mo-"
Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Kenneth nang bigla ko siyang hinalikan na ikinagulat niya. Tumugon naman siya sa mga halik ko pagkatapos at pinalalim pa lalo iyon.
I'm very lucky to have Kenneth in my life.
My first love and definitely my last.