Third Person's Point of View "Hindi pa rin kayo tapos? Nagugutom na ako." reklamo ni Estella. Napatingin naman ang tatlo kay Estella pero kinabahan sila ng mahagip ng tingin nila ang masamang tingin ni Luther sa kanila. "T-Tapos na kami," kinakabahang sabi ni Cj. "Oo nga babayaran na nga namin eh," dagdag ni Kane. "Mabuti naman," sabi ni Estella sa kanila, hindi niya napansin ang pamumutla ng tatlo. Napilitan na ang tatlo na bayaran ang sapatos na napili nila kahit gusto pa nilang magsukat pa ng ibang sapatos. "Maraming salamat po," sabi ng mga sales lady ng makalabas sila ng shop. Zina Estella's Point of View "KAIN na lang tayo dito para hindi ka na magluto pa," suggest ni Cj sa akin. "Sige," sang ayon ko, tinatamad na rin naman akong magluto. "Anong gusto mo?" tanong niya. Ma

