Chapter 2

1852 Words
KINABUKASAN ay maagang pumunta si Ysabella sa resort para simulan ang training niya. Mabilis niyang nakita si Nora at agad din nitong itinuro sa kanya ang dapat niyang malaman. Mabait, mapag-pasensiya at palangiti ang babae. Pero ayaw niya din idikit ang sarili sa babae. She want to maintain that barrier between them, dahil kung hindi, emosyon niya ang sisira sa sariling plano. "Sabi ni Sir Carlo, hindi ka daw talaga taga palawan" sabi ni Nora habang naglalakad sila sa isang hallway. "Hindi, pero tumira ako dito dati" diretso ang tingin na naglalakad lang siya, ni ang pag ngiti ay ayaw niyang ipakita rito. "Oh okay, eh bakit ka umalis?" "Hindi mo na kailangan pang malaman, Nora. Personal ko na iyong buhay" she answered straightly. "Pasensya ka na, Bella ha? Mas gusto lang sana kasi kita makilala." Halata yung lungkot sa boses nito. "Hindi naman parte ng pagiging bisor mo ang alamin ang nakaraan ko, Nora. Isa pa, ipinakita ko din sa iyo ang police clearance ko." Mariin niyang sabi. "Sorry, Bella." Nahihiyang sagot nito "nga pala, pinaalala ni Sir Carlo na bigyan kita ng susi para sa sarili mong silid, sabi niya kasi magiging stay-in employee ka since wala kang tirahan dito sa Palawan" "Hindi, kaya ko naman mangupahan sa malapit sa bayan" "Mas mapapamahal ka, sayang din ang ititipid mo kung dito ka nalang titira" pag-papaalala nito. Naisip niyang tama ang babae, mas mapapabilis ang misyon niya kung sa resort siya titira, she will have all the access sa resort lalo na kung gabi. Mabilis din siyang pumayag dito, kaya kinabukasan din ay dinala nya ang lahat ng gamit niya sa Resort, ang sabi sa kanya ng dalaga ay normally daw dalawang empleyado ang nag shi-share sa isang kwarto, pero ang bilin daw sa kanya ni Carlo ay bigyan siya ng sariling kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganun ang trato sa kanya, pero wala na siyang planong alamin iyon. Binigyan siya ng half day off ngayong araw para maayos ang gamit niya sa silid at para makumpleto ang lahat ng kakailanganin niya. Mabilis niyang isinalansan sa aparador ang mga damit niya, pero napahinto siya ng makita ang isang puting kahon sa loob ng maleta niya. Kinuha niya iyon bago binuksan, itinaas ang isang pirasong hikaw na nandudoon sa loob, she remembered that cold night---- sa Hacienda ng mga Balcazar.... Sobrang bilis ng t***k ng puso niya, nagsisimula na ding magpawis ang noo niya bagama't sobrang presko ng hangin sa lugar, may kung anong pumipigil sa damdamin niya habang kinakapa ang b***l na nakatali sa hita niya na natatakpan ng dress na suot suot niya, sobrang pribado ng okasyon na ito "Hasmin--" mahinang sabi niya na may halong nerbyos. Hindi niya alam kung panong nagawan ng pinsan na makapasok dito sa pribadong okasyon ng mga Balcazar, kahit na sobrang daming guard ay nakapuslit sila sa loob sa tulong ng kaibigan nito na imbitado sa naturang okasyon-- ang engagement party ng pumatay sa tatay niya at ang babaeng mahal nito. "Sabel, Go for it.. yung babae yung tamaan mo, wag yung lalake!" May halong irita sa sabi nito. "How could i do that??" Nangi-nginig ang kamay niyang binalingan ang pinsan. Ilang linggo siya tinuruan ng pinsan kung paano mismo bumaril, at naging maayos naman iyon pero buong akala niya ay para sa self defense niya lang kung bakit iyon ginagawa-- she cannot focus iba na pala pag totoong tao na ang babarilin.. "Just do it, Sabel!" "I think I can't-- Hasmin.." "What are you saying Ysabella, they killed your father!" "But i just cant, for now.." "f**k that, Ysabella! 7 f*****g years and you're still not ready??" "Hasmin, lower your voice! Baka may makarinig sa atin!" Nakatago lang kasi sila sa medyo madilim na parte ng lugar, nagset up sila ng maliit na telescope para mas makita ang target na Babae, hindi niya alam kung bakit ganun ang galit ng pinsan niya sa babaeng kasayaw ng lalake. "Besides, hindi naman ang babaeng iyon ang pumatay sa tatay ko!" "Use your brain, Ysabella. If you shoot that b***h, ay mararamdaman ng lalakeng iyon kung ano ang naramdaman mo sa tatay mo" Huminga siya ng malalim.. "Shoot her, Ysabella!" "No." Mabilis na tinakpan niya ang b***l na nasa hita. "Kung ayaw mo'y ako na ang gagawa!" Gigil na sabi ni hasmin. "Pagisipan muna natin, halika na umuwi na tayo" hinawakan niya ang kamay ng pinsan para hilahin na paalis. Mabilis na tinulak siya nito pababa ng d**o, bago kinuha ang b***l na nasa hita niya. "What the f**k are you doing, Hasmin!" Mahinang sigaw niya sa pinsan na ngayon ay nag-aalab na ang mga mata. "That girl ruined my life Ysabella!" Bago pa man siya nakasagot ay mabilis na nagpaputok ang pinsan niya, nung unang putok ng b***l ay walang natamaan pero nung pangalawang putok ay ginamit mismo ng lalake ang sarili para protektahan ang babaeng kasayaw nito. "Mali ang natamaan mo, Hasmin!!" Takot na takot na sigaw niya "Oh, Marco---" narinig niya ang marahang pag c***k ng boses ng pinsan. Ilang segundo pa bago nagpanik ang dalawa at tumakbo dahil sa takot.. Mabilis na pinapatakbo na ng pinsan ang kotse, iyon na ata ang pinaka mabilis na sasakyang nasakyan niya sa buong buhay niya. Itinali niya pataas ang buhok niya gawa ng pinagpapawisan siya sa nangyare, pero ganun na lang ang gulat niya ng maramdamang nawawala ang pares ng hikaw niya! Galing pa mismo iyon sa nanay ng papa niya at ng mamayapa ito ay ibinigay nito ang gintong hikaw sa kanya, at hindi iyon ordinaryong hikaw, ipinasadya pa mismo ito ng lolo niya sa isang jewelry shop dahil sa hilig ng asawa nito sa mga hikaw. Ang batong ginamit dito ay mismong diamond at sa likod ng diamond ay may naka ukit na korteng puso, ang kwento ng tatay niya sa kanya, that small engraved heart symbolizes his endless love para sa asawa. "Hasmin, i lost the other pair of my earring--" Sa gulat ni Hasmin ay napa-preno siya ng mabilis. "We're not gonna go back there, Ysabella.. ngayon ay posibleng hinahanap na ng pulis kung sino ang gumawa noon!" Naghisterikal ang pinsan niya bago tumingin sa kanya "give me the other pair, itatapon ko sa damuhan sa labas baka diyan pa tayo sumabit" "No! Regalo sa akin ito ng papa!" "Then keep it, itago mo iyan at wag na wag mo ipapakita sa iba" "Okay" huminga siya ng malalim bago isinandal ang ulo sa headrest. Pagod na pagod na siya, pero gaano ba katagal bago niya makuha ang hustisya para sa tatay niya? Wala na ang nanay niya para pagaanin ang loob nya, dalawang buwan na ang lumipas simula ng mamatay ang nanay niya sa sakit na cancer. Halos naubos ang lahat ng ipon niya para mapagamot ang ina at laking tulong na lang din na mas humaba pa ang buhay ng ina dahil sa pinsan na si Hasmin, maganda ang trabaho nito bilang isang dermatologist sa isang kilalang hospital. Kaya labis na lang ang saya niya ng tulungan siya nitong suportahan ang bills niya sa hospital, pero kahit gano kalaking pera na ang ipinusta nila sa hospital ay hindi gumaling ang sakit ng mama niya, at hindi nagtagal ay namatay na rin ito. Minulat niya ang mata ng maalala kung ano ang nangyari nung gabing iyon.. Ramdam niya pa din ang kaba sa puso niya, kaya minabuti niya munang magpahinga sandali. ISANG linggo na ang nakalipas simula ng pormal na makapasok si Ysabella sa resort ng mga Balcazar, kung inaakala niyang magiging madali ang pag-hahanap ng butas sa mga ito ay nagkakamali siya. "Fully booked na po talaga sir, i already checked it multiple times." Inis na sabi niya sa dalawang lalake na nasa harap." Busangot na tumayo siya bago ipinag-ekis ang dalawang braso. Kung hindi siya makakahanap ng butas sa mga ito ay sisirain niya na lang ang resort by giving bad customer service sa mga customer nito. Medyo hininaan niya ang boses bago ngsalita. "if you want, may malapit na resort sa bayan Casa Vero Resort, mas maganda doon. Wala pang ganong tao. Hindi kagaya dito" Nagdabog siyang umupo ulit bago isinulat sa isang piraso ng papel ang resort name bago ibinigay sa mga ito. Tanong lang ang nasa mukha nila bago nilisan ang lugar. Dahan Dahang napatingin si Ysabella sa gilid niya at nakita si Nora na nakatayo. "Ahh--anong nangyare doon sa mga umalis Bella?" Nakangangang tanong nito "Ah ayaw nila, namahalan sa rate ng rooms" tuloy tuloy na sabi niya habang nakatingin sa computer. "Ah okay, akala ko kung ano na." Tumayo siya bago kinuha ang mga papel na nasa lamesa bago iginilid sa gawing walang ganong nakalagay. "Saan ka pupunta?" Marahang tanong ni Nora sa kanya. "Breatime ko na" bahagyang sinipat niya ang relo na nakasuot, it's already 2pm at ganoong oras niya gustong kinukuha ang 1 hour break niya. Mabilis na naintindihan naman iyon ni Nora kaya siya muna ang umupo sa reception para magbantay. Kakatapos lang ng duty niya ng araw na iyon, walang ganang binagsak niya ang katawan sa kama. It was a very tiring day para sa kaniya. Nagulat siya ng may magbukas ng pinto niya. Dali-dali siyang umupo para tingnan kung sino iyon. "ANONG ginagawa mo dito?" Mabilis na tanong ni Ysabella sa matangkad na lalake na ngayon ay nasa harap niya. "How's your first week?" Baliwala sa kanya ang pagtatanong ng dalaga. He was looking straightly at her, he must admit--Ito na ata ang isa sa pinaka magandang mukha na nakita niya ng walang halong kung ano-anong make up, her fresh face--soft skin ang mga mata nitong mapupungay and her asian shape face. Nakita niyang marahang napakagat ng labi ang babae ng hindi niya sinagot ang tanong nito. "Its okay, what's not is you entering your employees room without knocking--" galit na sabi ng babae sa kanya. Natatawa siyang tingnan ito, he was trying to act serious infront of her pero hindi niya iyon matago, para kasi itong pusang nagagalit -- its not actually scary it's kind of cute for him. "You are like a cat pretending to be a lion, sweetheart." He chuckled at marahang umupo sa maliit na silyang harap ng kama nito. "Your attitude is kind of straight forward, you dont belong to work as a receptionist. Kanina ay nakatayo ako sa kabilang pintuan malapit sa reception, tinitingnan ko kung paano mo i-greet ang customer , pero you never greeted them nice. Buong araw ay nakasibangot ka lang, Bella." Hindi nakasagot ang dalaga sa sinabi niya, her eyes is just so enchating for him.. he wants to get angry sa attitude nito at kung iba siguro ang gagawa ng ganoon ay ipapatanggal niya sa pinaka-mabilis na paraan! But this lady infront of him is different, may kung ano sa mga mata nito na nakukuha siya in its very simple way-- just by looking at him. He never looked at his ex's eyes this way before. "You belong to me, sweetheart" he genuinely smiled, his dimples automatically flashed again.. he moved closer to her-- memorizing every details of her. "You belong to work under me, Bella" ____________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD