Prologue

1664 Words
NAKABUKAS ang bintana ni Ysabella na siyang nagbibigay lamig sa buong kwarto niya. Nakaupo siya sa kanyang de-kahoy na upuan harap ang lumang study table niya. Ipinikit niya ang mata at dinama ang lamig ng hangin, wala na yatang lalamig sa panahong iyon. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili habang hawak-hawak ang isang ballpen at papel. "Isa--" she softly inhaled "Dalawa--" and she exhaled "Tatlo" marahang tinangay ng sariwang hangin ang bagsak niyang buhok. "Apat--" "Lima" Bago pa siya tuluyang mag-simulang magsulat ay nauna ng pumatak ang luhang kanina niya pa pinipigilan, trying to compose herself and at the same time to gather all her energy left. Never thought i'd write this kind of letter in my whole life.. It is never easy to say Goodbye, but here goes... I don't really know why you had to go, why did you have to leave? Its just wasn't fair. You know how much i love you right? and thinking of waking up everyday without you is killing me papa. I'm full of hatred in my life now. I can't feel na bukas ay kaarawan ko na, and you are not here with me to celebrate every hour, seconds and minutes of my birthday. Please help me take away this sorrow and pain. Sorry papa-- i did not mention that this is also my vengeance letter to someone who killed you. I'll promise you that i wll give you the justice you deserved papa, ipaghihiganti kita sa totoong pumatay sayo. --Ang mga hayop na Balcazar! Pagsisisihan nila ang pagpatay nila sayo ng parang isang hayop! Pagsisisihan nila ang pagpatay nila sayo ng walang awa! Forgiveness is not a choice-- sisirain ko ang pamilya nila gaya ng pag-sira nila ng pamilya natin. Ipapakita ko sa kanila kung gano kasakit mawalan ng mahal sa buhay! They took half of my life! And i don't know how to fill those spaces--- i guess i will forever be incomplete without you.. Babalik ako para ipaghiganti ka papa.. kung hindi maibibigay sayo ng mga pulis ang hustisyang kailangan mo ay ako ang gagawa, ako ang lulutas. Ipapakita ko sa kanilang hindi lahat ng bagay nabibili ng pera, hindi mapag-tatakpan ng pera ang maduduming konsensya nila papa-- hindi nila mapagtatakpan ang pagpatay sayo. -Ysabella Mabigat ang loob niyang tinupi ang ang papel bago inipit sa nakabukas niyang libro. "Sabel!!! Ang nanay mo--- sunduin mo at ipina-barangay!" Bumungad sa kanya si Manang Flora na siyang kapalitan ng nanay niyang magbantay ng maliit na sari-sari store. "Ha? Bakit Manang Flora?" "Mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo--" Mabilis nilang nilisan ang lugar at pinuntahan ang nanay niya sa barangay. Naabutan niya ang nanay na may kasabunutang babae sa harap ng kapitan, kahit na ipinaglalayo ang mga ito ay hindi nila napigil ang dalawang magsakitan. "Ma!" Mabilis na hinila niya ang ina palayo sa babaeng iyon. "Ma ano bang nangyare?" Tarantang tanong niya sa nanay niyang galit na galit sa kaharap. "Eh ayang si sylvia! Hindi makapaghintay, sinabi ko na ngang sa katapusan ako magbabayad ng renta sa tindahan ayaw maniwala!" "Hoy ang kakapal ng pagmumukha niyo! Dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta sa sari-sari store niyo, aba eh anong gusto niyo? Kayo lang ang kumikita??" Dalawang buwan? Sa pagka-kaalam niya ay nagbayad ang nanay niya huling buwan, dapat ang balanse nila ngayon ay isang buwan lang. Toreteng tumingin siya sa nanay niya. "Ma diba nagbayad tayo huling buwan?" Marahang umiwas ng tingin ang nanay niya bago hinawi ang buhok na nagulo dahil sa pakikipag-sabunutan "kinulang tayo ng budget sa bahay-- nagastos ko" "Nagastos? Ang sabihin mo baka ipinang tong-its mo doon sa kanto! At anong wala kang pera?? Eh ang lakas lakas ng club na pinapasukan mo gabi-gabi, p****k!" Nagdilim ang paningin niya sa ginang na kaharap at mabilis na itinulak to. "Hoy! Wala kang karapatan na salitaan ng ganyan ang mama ko!" "Bago ka magmataas sa akin Sabel, bayaran niyo muna ang renta niyo!!" Mabilis na dumukot siya ng pera sa bulsa bago inabot sa kaharap "ayan ang bayad namin sa renta ng dalawang buwan" "Mabuti naman! Kailangan pang ipa-barangay bago magbayad eh!" Dabog na nilisan ni Mrs. Sylvia ang barangay. "MA, diba sinabi ko na sa iyo wag ka ng papasok sa club na iyon?" Galit na sinarado niya ang pinto ng marating nilang dalawa ang maliit na bahay. "Sabel, anong magagawa ko? Kulang tayo sa budget ngayon. Sumama pa ang pagkamatay niyang tatay mo-- wala na akong makukuhang sustento sa pagaaral mo" "Ma, diba kaya ko naman? Nagta-trabaho pa nga ako sa gabi diba? Diba hindi naman kita hinahayaang sagutin ang matrikula ko dahil ako naman ang gumagawa ng paraan roon?" Halos maiyak siya habang nagsasalita oo mahirap ang buhay nila, pero hindi niya kayang nagta-trabaho ang mama niya sa club bilang isang waitress, sobrang sakit sa puso niya na mapagsabihan ng kung ano-anong salita ang nanay niya. "Sabel, iniisip ko lang naman ikaw. Ayoko magtrabaho ka habang nag-aaral, makakasira yan sa pag-aaral mo--" "Ma" marahang lumapit siya sa nanay na umupo sa maliit na sofa. "Ma kaya ko naman eh, kaya kong mag-trabaho sa gabi." "I'm sorry anak" mahinang sagot nito. "saan ka kumuha ng ipinang-bayad mo kay Sylvia?" Umiwas siya ng tingin sa nanay niya. "Pang-bayad ko sana ng tuition para sa susunod na sem" "Eh bakit iyon ang ipinangbayad mo? Sinabi ko naman kay Sylvia na gagawan ko ng paraan sa susunod na linggo" "Ma nakita mo naman yung mukha ni Manang Sylvia diba? Parang hindi ka niya titigilan hanggat hindi mo ibinibigay sa kanya ang bayad, hayaan mo na ma." Huminga siya ng malalim bago kinuha ang bag na nakalapag sa mesa. "Magpapahinga muna ako-- may pasok pa ako mamaya sa hotel" Tumango lang ang nanay niya bago tumayo rin. "Sige, pupunta muna ako sa sari-sari store at bubuksan ko para makabawi man lang ng kita ngayon" Marahan lang siya tumango bago umakyat na sa kwarto niya. Binagsak niya ang katawan sa kama bago pinikit ang mata, naramdaman niya ang sunod sunod na pagpatak ng luha niya. Punong-puno na siya sa nararamdaman niyang sakit-- sobrang laking epekto ng pagkamatay ng papa niya-- para siyang nawalan ng gana sa mundo.. bakit pa kasi sila naging mahirap? Bakit hindi nalang sila naging mayaman para mahuli ang totoong pumatay sa tatay niya? Bakit ang hustisya ay para lang sa may mga kapangyarihan? Umiiyak siya habang yakap yakap ang isang box na punong puno ng sulat galing sa tatay niya, bagamat hiwalay na ito sa mama niya ng 14 years at kahit na malayo ito ay hindi ito nakakaligtang sulatan siya at kung may mga importanteng okasyon gaya ng kaarawan niya, pasko at bagong taon ay hindi ito nawawala at binibisita siya. Kahit na isang farmer lang ang tatay niya ay sinisikap pa din nitong padalhan siya ng buwan buwan na pang-gastos niya para sa pag-aaral. Kinuha niya ang wallet na nakakalat sa mesa niya, marahang binuksan ito bago pinagmasdan ang larawan nila ng tatay niya noong limang taong gulang pa lamang siya. "Pa---bat mo ako iniwan" wala sa intensyong umiyak siya ulit. "Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito kung wala ka.." Pinunasan niya ang luhang sunod-sunod na pumapatak. Hindi niya pa alam kung saan siya kukuha ng pang-enroll para sa susunod na semester. Wala na siyang ibang alam na paraan-- huminga siya ng malalim. Isang malakas na pagbukas ng pinto ang gumulat sa kanya-- dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan para silipin kung sino iyon. Tumambad sa kanya ang dating karelasyon ng nanay niya na si David, una itong nakilala ng nanay niya sa club na pinagta-trabahuhan nito. Nasa 40 years old na ang nanay niya pero maganda pa din ang panga-ngatawan nito na parang hindi tumatanda, makinis at maputi pa din ang kutis nito na siyang namana niya mismo sa ina. Naging magkarelasyon ang mga ito ng limang buwan pero nakipag-hiwalay din ang nanay niya dahil sa lasinggero at mapanakit ito. Ito ay sobrang hambog na kung umasta ay parang nagbibigay sa kanila ng pera pang gastos sa bahay, kakahiwalay lang ng mga ito nung nakaraang linggo at malimit na magwala ito sa labas ng bahay nila, pero ngayon ay sobra na ito dahil pinasok na mismo ang bahay nila, napatingin siya sa lumang pinto na warak-warak gawa ng pinilit itong buksan. "Nak ng pucha naman! Walang sinaing" mabilis na binato nito ang kalderong nakalagay sa mesa nila. "Tito David, bakit ka nandito?" "Hoy! Walang sinaing tiningnan mo ba?" Idinuro nito ang malaking kahoy na dala dala na siyang ginamit pang giba ng pintuan nila. "Bakit kayo nandito?" Pinipilit niyang maging kalmado sa pagsagot sa kabila ng pagbilis ng t***k ng puso niya. "Wag kang magsalita ng ganyan, ilabas mo ang perang kinita ng tindahan niyo kahapon" "Wala--, wala na kaming pera-- ipinang-bayad sa renta ng tindahan" Ibinato nito ang hawak hawak na bote ng alak sa harapan ko. Napa-atras ako ng maramdaman ang maliliit na bubog na kumalat sa kinatatayuan ko. "Mga gago kayo--- bat hindi ka sumama sa nanay mo mag club mamayang Gabi? Para magka-pera ka naman hindi yung nagpapagamit ka lang ng libre sa iba" "Ang ---kapal mo--" hindi siya makapaniwala sa sinabi ng lalake sa harapan niya. Alam niyang isang maling galaw niya lang ay sasaktan siya ng lalake.. "Ilabas mo ang pera!" "Wala nga---" Agad siyang hinila nito pababa ng hagdan, dumausdos ang hita niya sa mga basag na bote na nakakalat.. "Arayyy---" Hinawakan nito ang leeg niya at itiningala sa mukha ng lalake. Ramdam niya ang mahigpit na hawak nito sa kanya. Pilit niyang pinipiglas ang sarili, pero sa bawat galaw niya ay nararamdaman niya ang maliliit na piraso ng bote na nakakalat sa lapag. "Tandaan mo to Sabel, pag bumalik ako at wala kayong naiharap na pera ay pasensyahan na lang tayo" mabilis na tinanggal nito ang pagkakahawak sa leeg niya bago kinuha ang kahoy na dala-dala at nilisan ang lugar nila. Isang mabilis na tulo ng luha ang kumawala sa kaniya, hindi siya makapagsalita...paanong nangyare to sa buhay niya? ________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD