UTB— 4

1252 Words
Hindi muna ako bumaba agad ng sasakyan ni Kyle nang huminto ito sa tapat ng aming bahay. Nagkatinginan kaming dalawa. Ang mga mata ay kapwa nangungusap. Ngumiti ako at dumukwang upang halikan siya. Halik na muling lumalim at tumagal ng ilang minuto. "Bye, Kyle. Ingat ka." Ngumiti siya at tumango. Hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa gate papasok sa loob ng bahay. Wala si Nanay sa sala kaya nakahinga ako nang maluwag. Busy siguro siya sa mga orders. Mabuti na lang, dahil kung hindi makukurot talaga niya ako sa singit. Umakyat ako sa aking silid. Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay bago ako nahiga sa kama. Napangiti ako nang maalala ko na naman ang nangyari. Ang aking puso ay hindi pa din kumakalma mula kagabi. Geez! Para na akong baliw. Gumulong ako sa kama at dumapa. Niyakap ang unan at inisip na si Kyle 'to. Kinagat ko ang aking labi at pumikit nang mariin habang sinasariwa ko sa aking isip ang lahat. Hindi ako makahinga. Suddenly, I felt something in between my thighs. Napaawang ang aking labi at napaliyad nang maalala ko kung paano niya dilaan at sipsipin ang aking dibdib. Dang! Sobrang sarap ng ginawa niya. Gusto kong maulit iyon. Nababaliw na ako. Nakakaadik ka, Kyle. Paano na lang kaya kung nag-s*x talaga tayo. Ilang oras akong nakatunganga. Hindi ako makatulog dahil sobrang high ko pa dahil sa mga nangyari. Magtatrabaho na lang ako. Bumaba ako ng kama at bumaba ng bahay. Tumawid ako papuntang warehouse upang tumulong sa pag-check at mag-supervise ng mga orders. "Oh, Jonah, akala ko natutulog ka pa," sabi ni Nanay. Ngumiti lang ako. Hindi niya alam na hindi ako umuwi? Well, mas mabuti na ganoon na lang muna. Knowing her kahit pa gaano niya kagusto si Kyle, paghihigpitan niya ako dahil bata pa ako, kesyo kailangang ko munang mag-graduate. Bawal ang mag-sleep over, dapat alas-sais uuwi na. Uuwi pagkatapos ng klase. Naupo ako sa office chair at sinimulan ko na ang pagtatrabaho nang magsalita si Nanay. "Um-attend si Kyle sa kasal ng Ate mo." Ewan ko kung bakit pa niya ito sinabi. Nandoon naman ako sa kasal kaya malamang nakita ko. Kunwari hindi ako affected. "Siguro naka-move on na siya sa Ate mo." Tumikhim ako at nagtaas ng kilay. Tingin ko nga din naka-move on na siya. Hindi naman niya ako lalapitan kung hindi pa, di ba? Ako na ang gusto ni Kyle. Tumawa si Nanay. "Huwag mong sabihin na hindi ka pa naka-move on sa kaniya?" Ngumuso ako. Nag-mu-move on na nga, e. Dalawang hakbang na lang totally moved on na kaso biglang nagpakita. Tapos... Bumuntong hininga ako sabay haplos ng aking labi. Parang nararamdaman ko pa ang labi ni Kyle; ang masarap niyang halik na halos ikabaliw ko. "Madami pang lalake sa mundo, Anak. Iyong mas higit pa sa kaniya. Iyong mas mamahalin ka." "Naku, 'Nay, ang drama. Gusto ko lang pong magtrabaho ngayon." Hindi lang ako komportable sa payo niya. Hindi naman kailangan. Kung puwede ko lang sanang sabihin ang nangyari sa kaniya kaso saka na. Kapag official na kami ni Kyle. Alas-siete na ng matapos ako sa aking ginagawa. Pagod na ako at inaantok kaya umuwi na ako sa bahay. Kaninang alas-kuwatro pa huminto sa trabaho si Nanay, baka nauna na siyang natulog dahil pagod din siya dahil sa kasal ni Ate kahapon. Naligo ako at hindi muna natulog. I was checking my phone, tinitingnan kung may message or missed calls mula kay Kyle kaso wala maski isa. Baka busy siya at nag-overtime sa trabaho. Hindi lang naman ata ang kasal ni Ate ang dahilan ng pag-uwi niya, kung hindi dahil na din sa business nila. Maaga akong gumising kinaumagahan para lang i-check ang aking celphone, baka may tawag si Kyle kaso hindi ko nasagot. Iyon nga lang, wala pa rin siyang tawag o missed calls. Kumirot ang aking dibdib. No. Hindi naman siguro niya magagawa sa akin ang nasa isip ko. Kyle is a good man, a gentleman. Bumangon ako at naligo na. Ang isip ko ay hindi matahimik. Nagmamadali akong naligo, nagbihis ng maganda. Pupuntahan ko si Kyle sa condo niya. Kaso pagbaba ko ng hagdan nakaabang si Nanay. "May lakad ka? May problema sa mga orders, tapos wala din si Ekang." Napangiwi ako. "Eh..." Nag-isip ako ng idadahilan. Kaso sa huli pinili ko na lang na huwag na munang tumuloy. Mamayang gabi na lang ako aalis. Pinakain na muna ako ni Nanay bago kami nagsimulang magtrabaho. Sobrang daming gagawin, hindi na nga din ako nakakain ng lunch. Alas-sais nang magsabi si Nanay na magpahinga na kaming lahat at bukas na ulit. Naligo muna ako sa bahay dahil nanlalagkit na ako, para naman hindi nakakahiya kay Kyle. Nagmamadali ako kaya hindi na ako nakapagpaalam kay Nanay. Sumakay ako ng taxi sa may labasan. Kinakabahan ako at kaliligo ko lang pero pawisan na ako. Naipit pa ako sa traffic kaya alas-otso y media na ako nakarating sa condo ni Kyle. Kaso sabi ng guard kaaalis lang daw ng lalake. "Ano pong suot?" "Naka-polo siya at slacks," sagot naman ng guard. Mukhang busy nga talaga siya. Baka may meeting siya kaya hindi na niya ako natawagan at na-text man lang. Umuwi ako na bagsak ang balikat. Pero di bale, may bukas pa naman. Aagahan ko na lang ng punta sa condo niya bukas. Hindi naman puwede na sa labas ako maghintay sa kaniya baka mamaya madaling araw na siya makauwi. Naipit na naman ako sa traffic pag-uwi, maghahating gabi na ng makarating ako sa bahay. "Oh, Jonah. May tumawag kanina sa landline, hinahanap ka. Sinabi ko na umalis ka." "Sino po?" "Hindi nagpakilala, e. Lalake." Si Kyle kaya iyon? Pero bakit naman siya tatawag sa landline? At kapag siya iyon magpapakilala siya. "Kapag tumawag po ulit pakitanong kung sino siya." Umakyat na ako sa kuwarto ko. May lungkot na nararamdaman dahil hindi ko nakita si Kyle. Miss na miss ko na siya. Ch-in-eck ko ang celphone ko. Lobat pa! Sinasaksak ko na muna sa charger bago ako natulog. Tinanghali ako ng gising. Alas-siete na ako nakaalis ng bahay. "Ma'am, hindi po umuwi si Sir Kyle," sabi ng guard. Duty pa din siya hanggang ngayon. "Sige po." Ba't kaya hindi siya umuwi? Baka umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya? Kung puntahan ko kaya siya doon? Nagtatalo ang isip ko. Nakakahiya sa mommy niya kaso hindi ko kakayanin kung hindi ko pa din makita si Kyle. Pumara ako ng taxi, alas-dies na ng makarating ako sa bahay ng mga magulang niya. Ang mommy niya ang nadatnan ko. Hinatid ako ng kanilang katulong hanggang sa may garden kung saan nagpapahinga ang ginang. "Good morning po, ma'am." Nakangiti habang nakatunghay sa akin ang magandang ginang. May hawak siyang magazine sa isang kamay. Sa kaniyang harapan ay ang isang tasa ng tsaa. "Good morning too, hija." Kilala ako ng ginang. Minuwestra niya ang upuan sa kaniyang tapat. "Napadalaw ka?" "Ahm, hinahanap ko po si Kyle." Napataas ang isang kilay niya. Binaba niya ang magazine at doon pa lang niya ako tinitigan ng husto. Lumunok ako. Naiilang at labis na kinakabahan. "Bumalik na siya ng America, hija..." "P-Po?" Ngumiti siya at tumango. "Kagabi pagkatapos ng kaniyang meeting. Kailangan niyang bumalik agad dahil may nangyari roon." Gusto ko mang tanungin kung ano ang nangyari, tinablan na ako ng hiya. Nagpaalam na din ako agad dahil baka maiyak pa ako sa harapan ng mommy ni Kyle. Sabi niya magsasabi siya sa akin kapag aalis na siya. Bakit? Gh-in-ost ba niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD