LUMIPAS ang dalawang Linggong pananatili namin dito sa Singapore. Napansin ko ang pagbabago nito. Madalas na itong nakangiti at talagang nakikipagbiruan na ito sa akin? Hindi ko maitatangging napapatawa na ako nito at kung minsan kinikiliti ako nito na talagang ikinahahalakhak ko. Hindi ko nga akalaing magiging malapit kami ng ganito. Ni hindi ko maramdaman na isa pa rin akong Personal Assistant nito sa ikinikilos nito nitong mga nakaraang araw? Madalas nitong hinahawakan ang kamay ko. Madalas din ako nitong akbayan at pinipisil pa nga ang pisngi ko ng madalas. Ang lalong ikinakakakilig ko, pati pagluto, tinutulungan ako nito. Kung minsan naiilang pa rin ako at talagang nakabantay ito habang nasa kusina ako. Kung minsan natatawa na lang ako at para itong asong bubuntot-buntot. M

