SINGAPORE.. HABANG abala sa pakikipag-usap sa mga ka-negosyante, naramdaman ko naman sa loob ng bulsa ko ang pag-vibrate ng phone ko. Sandali ko itong hinugot at sinilip kong sino ang nagpadala ng mensahe. Kumunot ang noo ko ng makitang unknown number iyon? Hanggang sa makita kong nagpadala ito ng isang video? Naisipan kong tapusin ang pakikipag-usap sa mga kasamahan bago buksan kung ano man ang ipinadalang video sa akin. Dumiritso ako ng opisina. Muntik ko nang makalimutan ang video na ipinadala sa akin. Kung 'di lang ulit tumunog ang cellphone ko. At doon lalong kumunot ang noo ko at may ipinadala na naman itong video. Binuksan ko ang mga iyon. At ganoon na lang ang pagkagimbal at paninigas sa kinauupuan ko ng bumungad 'agad sa harapan ko ang isang s*x video?! Namuo ang p

