Chapter 2

1252 Words
"Oh Fvck!" Bigla akong napatitig sa long sleeves ko ng makitang basa na iyon. "Miss, hindi ka ba marunong umiwas?" Salubong ang kilay na tinitigan ang babae na may hawak pang maliit na cup. Nanlalaki ang mga mata nito pati yata butas ng ilong. "Hello, sir? Umiwas ako. Ang kaso kayo ang hindi nakatingin!" Sabay irap nito. Lalong nadagdagan ang inis ko. Ito pa talaga ang may ganang magsungit! "Sigurado ka? Kung umiwas ka sana hindi mo ako nabasa niyang malamig mong kape!" nagtitimping wika ko. Nagmamadali pa naman ako at may meeting ako ngayon. Tapos ito pa ang mangyayari. "Hindi ito kape! Palamig ito. At para sabihin ko sa iyo Mr, umiwas ako ng makita kitang papasalubong. E, ikaw naman biglang tumungo sa daraanan ko. Paano mo makikita e, nakatingin ka diyan sa mamahalin mong relo!" Gumalaw ang panga ko. Wala pa yatang babaeng nagmaldita sa akin. Lalo't sumasagot-sagot. "Wala pang nakakasagot-sagot sa akin miss. Kaya kung ayaw mong pagbayarin kita ng mamahalin kong long sleeves, mag-sorry ka ngayon din!" mariin na bigkas ko. Umusok yata ang butas ng ilong ko ng tumaas pa ang kilay nito. Nameywang pa talaga! "At bakit 'di kita sasagot-sagutin e, nagsasalita ka't nagtatanong? At saka bakit ako magso-sorry sa iyo e ikaw naman ang may kasalanan!" Umigting ang panga ko. Ni hindi ko man lang makitaan ng takot ang pangit nitong mukha! "Kilala mo ba kung sino ang kinakausap mo?" Bigla yatang naubos ang pasensya ko sa babaeng ito. Ngunit ako yata ang nagimbal dahil sa pabalang nitong sagot. "Paano kita makikilala e ngayon lang kita nakita? E, di sana kanina ko pa binigkas ang pangalan mo kung kilala kita. At saka wala akong pakialam kung sino ka." Akmang lalagpasan ako nito ng mabilis kong nahawakan ang braso nito. Kita ko ang pagngiwi nito. "Bitiwan mo nga ako! Monster!" Gulat akong napatitig dito. "Anong sinabi mo?" nanggagalaiting tanong ko. Sa guwapo kong ito?! "Monster! Bakulaw! Halimaw! Okay na? Masaya ka na?" At pilit nitong binabaklas ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa maliit nitong braso. Doon ko lang napansin ang folder na dala-dala nito ng malaglag iyon sa lupa. Doon ko lang din napasadahan ang pananamit nito. Mahabang palda at mahabang long sleeves na ipinasok sa loob. Gulong-gulo din ang buhok nito at ang mukha nito na akala mo, sinubsob sa harina. Hanggang sa hindi ko napigilan ang magpakawala ng malakas na tawa. Nabitiwan ko rin ang braso nito. Kita ko ang pagtataka nito. Ngunit 'agad din akong sumeryoso. "Miss, sana matuto kang manalamin kung sino sa atin ang monster, bakulaw at halimaw. Look at yourself, daig mo pang bumangon mula sa coffin. Hindi nakakapagtaka kung bakit ang pangit ng ugali mo. Inilalarawan naman kasi ng pagmumukha mo." Akmang magsasalita ito ng unahan ko na. Kita ko kung paano mamula ang buong mukha nito. Tinuro ko pa ang makapal nitong kilay. "At sa susunod, kilalanin mo ang binabangga mo. Pasalamat ka't nagmamadali ako. Kung 'di, hindi ko ito palalagpasin. Ang lakas ng loob mong makipagsagutan sa akin, ni hindi mo nga maayos kahit ang sarili mong kilay." Inis na nilampasan ko ito. Sinadya ko pang tamaan ang balikat nito na muntik ng ikatumba nito. "Ikaw ang pangit! Akala mo kung sino! Ang yabang!" sigaw nito. Napailing na lang ako habang papalayo sa babaeng sinaunang panahon kung manamit! Galing pa yata iyon sa bundok at napadpad lang dito sa siyudad. "Hi sir--" Napahinto ang secretary ko ng lagpasan ko ito at dumiritso sa loob ng opisina ko. Kumuha ako ng pamalit na damit. Mabuti na lang talaga palagi akong nag-iiwan ng ilang damit dito sa opisina ko. May sarili naman akong kuwarto dito. Kung saan ginagamit ko sa pakikipagbakbakan sa mga babae ko. "Nasa conference room na ba sila?" tanong ko. Wala ako sa mood ngayon upang makipagharutan. Masyadong importante ang meeting namin ni Mr. Seon. "Yes, sir." Sabay haplos sa dibdib ko. "Hindi mo ba ako namiss?" malanding wika nito. Kita ko ang nakabukas nitong butunes. Halos lumuwa ang nagmamalaking dibdib nito. Lihim akong napalunok. Nanggigigil na naman akong lamasin ang mga iyon. Pero trabaho muna bago landi. "Mamaya na." Ngunit hindi ko pa rin natiis na hindi pisilin ang dibdib nito. Lalo tuloy nagwala ang alaga ko dahil sa ungol nito. Ang mapang-akit nitong mga titig. Gigil na sinunggaban ko ang labi nito. MAKALIPAS ang ilang oras na pakikipag-usap kay Mr. Seon, kaagad akong tumungo sa opisina ko. Napakunot ang noo ko ng makita ang sandamakmak na resume sa ibabaw ng lamesa ko. Pinindot ko ang intercom. "Pumasok ka." Kita ko ang pagmamadali ng secretary ko. Nakakagat-labi pa. "Anong mga ito?" Nagpakawala ako ng buntong hininga ng bigla na lang itong umupo sa kandungan ko. Sinadya pa talagang ikiskis ang pakwan nito sa dibdib ko. "Ang sabi ng grandma mo hanapan ka raw ng personal assistant --" "What?" Napalakas ang boses ko. Akmang magsasalita ako ng bigla akong mapasinghap. Ni hindi ko namalayan na nabuksan na nito ang zipper ng pants ko. "Mamaya ko na ipapaliwanag, babe..." Bumigat ang paghinga ko ng maramdamang hawak na nito ang alaga ko. Nangingislap na naman ang mga mata nito. "Sh*t! Ang tagal ko ring 'di ito natikman!" Nanatili akong tahimik. Ngunit ang buddy ko na bigla na lang nagalit. Tayong-tayo kaagad! Nagtaas-baba ang kamay nito na ikinasikip ng paghinga ko. Bigla kong hinaklit ang batok nito at sinunggaban ng halik. Walang pag-aalinlangan na pinunit ko ang damit nito pati bra nito. Para akong nakakita ng kristal dahil sa yayamaning dibdib nito. Mabilis na nilamas ko iyon habang nakatitig sa mukha nitong namumula na dahil sa pagnanasa. "Fvck! You're so good, babe!" sambit nito. Hindi na ako nakatiis. Sinunggaban ng labi ko ang dibdib nito. Pinagsalitan ko iyon hanggang sa i-angat ko ang balakang nito. Lihim akong napamura at wala na itong underwear! Wala akong inaksayang oras. Mabilis kong kinuha ang condom sa drawer at 'agad iyon isinuot. Mabilis kong ipinasok ang malaking akin sa namamasa nitong butas. Isang malakas na halinghing ang umalpas sa labi nito. Napa-awang ng bahagya ang labi ko ng maramdaman ang init ng loob nito sa buddy ko. Holy sh*t! Hinayaan ko itong gumalaw sa ibabaw ko habang nilalamas ko ang malalaking pakwan nito. Palakas nang palakas ang ungol nito. Hanggang sa ipatong ko ito sa ibabaw ng lamesa. Doon ako bumira na ikinatirik ng mga mata nito. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. "Sa kuwarto tayo b-babe!" Paputol-putol na sambit nito. Ngunit umiling ako. "M-mabilis lang tayo ngayon. Kailangan kong makausap ang grandma ko!" At saka mabibilis itong binira ng sunod-sunod. Ilang beses akong napamura habang binabayo ito ng sagad. Kung kailan malapit na akong sumabog, saka naman ako napatingin sa mga resume. At bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang witch na babae! "B-babe! Don't stop!" Hinampas pa nito ang braso ko. Hinawakan ko ang baywang nito at sagad na binayo ito ng todo. Halos nalaglag na ang ilang gamit na nasa lamesa ko. "Aaah! T-tristannn!!" Hingal na hinugot ko ang akin sa butas nito. Mabilis kong kinuha ang resume at pinakatitigan ang babae. At talagang sa Company ko pa naisipang mag-apply?! Inis na hinagis ko ang resume nito. Makita ko pa lang pagmumukha nito, bigla na lang pumapangit ang araw ko. Napasabunot ako sa sariling buhok at talagang hindi pa tapos ang Carol na ito sa p*********i ko. Hinayaan ko na lang itong isubo nang isubo ang akin. Alisha Perez! Napailing ako. Kung gaano kaganda ang pangalan nito, ganoon kabaligtaran ang itsura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD