HABANG pinagmamasdan ang tatlong bata na nagkakasaya sa dami nang pasalubong na dala nito ng bigla nitong basagin ang katahimikan. "Uuwi na ang aking apo, next week, hija." Lihim akong napalunok. Kumalabog din ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hanggang sa hawakan nito ang aking kamay. Pinakatitigan din ako nito na lihim kong ikinalunok. "Alam nating matagal ng hinahanap ng mga bata ang kanilang ama, hija. Kaya sana sa pagkakataong ito, pagbigyan mo ang kahilingan kong maisama kayo sa bahay." Sandali akong nawalan ng imik. "Please, hija? Karapatan ng mga bata na makita nila ang totoong daddy nila. Sana naman wag mong ipagkait ito sa aking apo." Napayuko ako. "Papahintulutan kong isama niyo ang aking mga anak, Grandma. Pero hindi na ho ako sasama." Gulat itong n

