BUONG pagmamahal na pinagmamasdan ni Alisha ang kaniyang mga anak, habang walang humpay ang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Sobrang saya sa puso na naipanganak niya ng normal ang tatlong bata. Ngunit labis din siyang nasasaktan sa isiping walang Tristang nagparamdam ni nangumusta man lang. Ang sakit-sakit isiping nagawa nitong tiisin ang sariling mga anak nito. Sobrang bigat sa dibdib. "M-mahal na mahal ko kayo mga anak.." naluluhang bulong ko sa tatlong bata. Kalong-kalong ko si Alina habang nasa tabi ko ang dalawang lalaki. Tyler and Tyson ang pangalan ng mga ito. Hindi maampat-ampat ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit labis akong nasasaktan. Sinabi ko naman na sa sarili ko noon pa na k

