KINAUMAGAHAN Nagulat si Alisha nang makitang nandoon pa rin talaga si Tristan. At talagang kasa-kasama pa ito ng kaniyang itay? Nagbubuhat ito ng mga bigas na tinitinda sa grocery store ni inay? At talagang walang suot na damit pang-itaas? Dini-display ba nito ang kakisigan ng walang hiyang lalaki na ito? Gusto pa 'atang irampa ang pangangatawan sa lugar na ito? At talagang nakaya niyang buhatin ang isang sakong bigas? Halos lumalabas ang muscles nito sa braso? Kitang-kita rin ang bato-bato nitong tiyan at tumutulo roon ang munting pawis nito? Kiumaga-umaga ito pa ang mabubungaran ko? Nasa tapat lang naman kasi ng bahay namin ang grocery store na pinatayo ni inay. Kaya kitang-kita ko 'agad kung gaano abala ang lalaking ito? Hindi ko maintindihan at lalo lang akong nainis at ang m

