NAGTAKA ako at wala naman pala ang babaeng mangkukulam na iyon dito sa loob ng library ng grandma ko. Lihim tuloy akong napangiti. Mukhang pumayag ang grandma ko ah! "Grandma--" "Anong pinaggagawa mo, apo?" Bigla akong natigilan mula sa paghakbang. "What do you mean, grandma?" Pagmamaang-maangan ko pa. Mabagal din akong lumapit dito. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Lihim pa akong napalunok at seryoso itong tumitig sa mga mata ko. Ito pa naman ang ayoko. Kapag sumeseryoso ang mukha ng grandma ko. Mas nakakatakot pa ito sa babaeng iyon e. "Nagpapaalam si Alisha dahil sa kagagawan mo. Bakit mo naman nabanggit ang tungkol sa pera? Apo, hindi ka namin pinalaki upang maging mapanghusga sa kapwa natin." Para akong nahot-seat sa panenermon nito. Ngunit sa kaloob-looban k

