CHAPTER 107

1538 Words

BIGLA akong nailang ng makitang nasa ibabaw na nang kama si Tristan. 'Di ko alam kung tama bang tumabi sa higaan gayoong hindi pa naman ito nakakaalala? Nakatutok ito sa sariling cellphone. Hindi na naman nga maipinta ang mukha nito. Hindi ko alam kung anong tinitingnan nito o kung sino ang ka-text o chat nito? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Napagdesisyunan kong tumungo na lamang sa crib kung saan payapa nang natutulog ang tatlong bata. Alas otso na ng gabi ng mga oras na iyon. "Saan ka pupunta?" Biglang naudlot ang pagpasok ko sa loob ng crib. Lalong kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Ibinaba na rin nito ang sariling cellphone. "Matutulog na," kaswal na wika ko. Nang taasan ba naman ako nito ng kilay?! "Ba't diyan ka matutulog? Ayaw mo bang makatabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD