PANSIN kong natigilan si Pia nang makita si Tristan. Nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa aming dalawa. Hanggang sa mamula ang mukha ko ng biglang bumaba ang paningin nito. Huminto iyon sa parteng ibaba ko. "Isinuko mo na ba ang bataan--Ahmp!" Bigla kong tinakpan ang bunganga nito. Nilingon ko si Tristan. Namumula ang magkabilaang tainga nito habang may pigil na ngiti sa mga labi. "Sige na, umuwi ka na. Salamat sa paghatid." Hindi ko inaasahan na hahalikan ako nito sa harapan ni Pia. At ang OA kong kaibigan, bigla itong tumili at biglang bumagsak sa sahig. Naghimatay-himatayan ito! Mahina namang natawa si Tristan. Napailing-iling pa ito. "See you tomorrow." Tumingin ito sa kaibigan ko na ngayon nakasilip ang isang mata! Ngunit 'agad ding ipinikit ng makitang tumingin dito si

