Author's Note:
Gusto ko lang sabihin na unahin muna ang story ni Elena Victoria Veldafuente bago itong kay Dianna Corazon. Doon ko kase nakuha lahat ng idea kung anong istorya ang gagawin ko kay Dia. May hint na don kung mapapansin nyo (if nabasa nyo na. Kung hindi pa ay huminto muna kayo dito at basahin iyon). Yun lang? Happy Reading ✨
—————————
"Sa wakas! Day off ko na!" Ani ni Dia habang nag-iinat.
"Meron ka bang gagawin sa day off mo?" Tanong ni Elena habang inaayos ang kanyang mga gamit.
Umaktong nag-iisip naman si Dia bago sumagot.
"Wala, hihilata lang ako sa kwarto at nanonood ng nireccomend sakin ni ate Hope." Nakangiting sagot ni Dia.
Napailing nalang si Elena dahil alam nyang hindi na ito magbabago and she's thankful for that actually. Dia is not that so insecure about her weight and body. Tama lang na hindi nito ibinababa ang kanyang sarili but may pag-aalala parin si Elena kay Dia dahil sa kalusugan nito. Elena knows what Dia's eating.
"Dia, take care of yourself always. You need to eat something healthy too." May pag-aalala sa boses ni Elena.
Napangiti naman si Dia. "Noted!" Sagot nya.
Lihim na napailing nalang si Elena at tinapos na ang pag aayos ng kanyang bag. Si Dia naman ay kinuha ang susi sa bulsa ng scrub suit nya at binuksan ang kanyang locker.
Nang makuha na nya ang kanyang bag ay napansin nyang nag-open ang kanyang phone. Medyo hindi maayos ang locker ni Dia dahil alam nyang hindi nanaman nya makikita ang hahanapin nya. Kinuha din niya ang phone at tinignan kung sino ang nasa notification nya.
Sumama ang mukha nya ng makita kung sino iyon. Ang kanyang asawa.
"Dia! Tara na" Tawag ni Elena kay Dia.
Agad namang inilock ni Dia ang locker nya at nagmadaling maglakad papunta sa pinto para umalis.
Habang naglalakad ang dalawa ay nagkukwentuhan sila kung paano kung nahulog na si Elena sa kanyang fiancé.
Napailing nalang si Elena dahil hindi nya alam kung magugustuhan nya ang kanyang fiancé dahil hindi naman sila ganoon ka close para siya'y mahulog.
Nang makapag out na sila ay naghiwalay sila ng sinusundo na si Elena ng kanyang fiancé na si Patrick. Inalok pa ito na ihatid na sya ngunit ngumiti lang si Dia at tumanggi. Hindi dahil nahihiya sya, wala kase syang hiya, kundi gusto nyang bigyan ang dalawa ng time para maging malapit sila sa isa't isa.
She knows Patrick. Hindi naman sya bulag para hindi nya makitang sinusundan nito dati pa si Elena. Sya lang ang nakakahuli dito, kaya ng malaman niyang si Patrick ang soon to be husband ng kanyang kaibigan ay napangiti nalang sya. May lakas na loob pala itong lalaking ito pero sa hindi magandang paraan tulad ng sa kanya. Pero alam nyang hindi nito papabayaan si Elena dahil ramdam nya ang kagustuhan nitong protektahan at mahalin ang kanyang kaibigan, hindi lang talaga maramdaman ni Elena iyon sa ngayon.
Napabuntong hininga nalang sa kawalan si Dia ng pumasok sa isip nya ang asawa nyang si Philip.
'Siguro kung ramdam ko din ang pagmamahal nya siguro masaya kami ngayon' Sabi nya sa kanyang isip.
Napatingin naman sya sa hawak nyang phone. In-on nya ito at binuksan ang message ng kanyang asawa.
"Text me if your duty is finish"
"Im sorry, hindi pala kita masusundo. I have to go to the meeting, may emergency."
"Text me if you are already in the house"
"Be safe"
Ilan lang yan sa mga text nya kay Dia. Hindi na nagtaka pa si Dia ng makita nya iyon. Philip is a busy man after all. Sa kanya ipinasa ni Dad ang kanilang business. Hindi alam ni Dia kung tama ba iyon dahil feeling nya ay pinapahirapan lang nila si Philip. May galit sya dito pero naaawa parin sya dahil ipinasa ni Dad kay Philip lahat ng yon.
Nag-umpisang maglakad ni Dia papuntang waiting area para maghintay ng bus. Hindi nya kase nadala ang kotse nya dahil si Philip ang naghatid na kanya.
Ilang minuto lang ay nakasakay na din si Dia ng bus. Ayaw nya sa pinakadulo pero don lang ang may bakanteng upuan kaya napilitan siyang umupo doon.
Nang makarating si Dia sa building ng apartment nila ay hindi agad siya nagpunta don. Pumunta muna sya convenience store na malapit lang sa building nila at bumili ng mga pagkain at root beers.
"2,068 po lahat ma'am" ani ng cashier.
Kinuha naman ni Dia ang kanyang wallet at kumuha ng 3,000 don. Nang makuha nya ang binili nya at sukli nya ay umalis na ito at naglakad papunta sa apartment building.
Nang maka pasok na sya apartment nila ay inilapag muna nya ang mga gamit nya at saka tinanggal ang sapatos at kinuha ang tsinelas na nasa shoe rack at inilagay naman ang sapatos nya doon. Inilock nya ang pintuan at kinuha ang ipinamili nya.
Inilagay muna nya sa island counter ang ipinamili nya bago pumunta sa kanyang sariling kwarto. Naligo muna sya at nagpatuyo ng buhok. Nagsuot lang sya ng oversized t-shirt at komportableng short bago umalis sa kanyang kwarto at inayos ang mga ipinamili nya. Sinunod din nya ang pag lilinis ng apartment nila dahil nga babae sya. Sya ang gagawa non.
Binuksan nya ang speaker nya at nagpatugtog si Dia para sya ay ganahan sa paglilinid. Habang siya ay naglilinis ay nalilibang din sya sa musika kaya napapasayaw at napapakanta din sya.
Hindi napansin ni Dia na pinagmamasdan na sya ni Philip na nakasandal sa pader.
NAGMADALING naglakad si Philip papunta sa apartment building na tinitiran nila para makita kung nandoon na si Dianna. Nang nasa harap na sya ng pinto ay narinig agad nya ang malakas na musika na nagmumula sa loob ng kanilang apartment.
Maingat nyang binuksan ang pinto at pumasok. Agad nyang nakita si Dianna na hawak ang walis at ginawa itong mikropono at napapasayaw pa ito. Hindi nya namalayang nakasandal na sya sa pader at may ngiti sa kanyang labi habang naaaliw na pinapanood si Dianna.
Parang nawala ang kanyang sa pagod at pag aalalang nararamdaman.
|Giiigglesss|