Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi. Parang saglit ko lang pinikit ang mga mata ko tapos maya maya ay nag alarm na yung phone ko. 8 am daw ang misa pero 6 pa lang ay nagprepare na ako. Halos sabay pa kaming lumabas ng kwarto ni Hans. Pagkakita niya sakin ay agad na sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Nginitian ko rin siya. Nalilito ako sa mga ikinikilos ni Hans. Parang anytime ay gusto niya akong sunggaban at laplapin. Pinilit kong kumilos ng normal, hindi naman dahil sa ayokong laplapin niya ako kundi iniiwasan ko lang mahalata ni Dad o ng iba pang nasa bahay na may something saming dalawa ni Hans. Kahit ang totoo eh wala naman talaga. ---- Habang nasa biyahe ay tahimik ang lahat. Mukhang wala rin silang matinong tulog pa kagaya ko. Ako na ang pinag drive ni

