Halos isang oras din kami sa loob ng simbahan. Pagkatapos ng misa ay nakihalo na kami sa mga taong palabas ng simbahan. Tulad kaninang pagpasok namin ay pinagtitinginan ulit kami ng mga tao, lalong lalo na ng mga kababaihan. May ilan din akong napansing mga lalaking malagkit ang tingin samin. Yung isa ay kumindat pa sakin. Gaya ng napagusappan namin ni Hans ay dadaan kami sa may seawall bago umuwi kaya nauna na sina daddy at manang sakay ng sasakyan. Dama ko ang malamig na simoy ng hanging amihan. Si Hans ay nakapamulsa at halatang nilalamig din kahit na naka long sleeves siya. "Kain muna tayo kuya" alok ni Hans. "Sige" sagot ko. Lumapit kami sa isang tindera ng puto bumbong na abala din sa pagsisilbi sa ilang bumibili. Nasa unahan namin ang dalawang babaeng marahil ay magkaibigan.

