Masaya kaming namasyal ni Jake pagkatapos ng palabas na pinanood namin. Kumain muna kami sa labas bago tumuloy sa kaniyang boarding house.
Sabado pa lang kaya may buong magdamag pa kaming pagsasaluhan. Marami kaming napag usapan tungkol sa mga buhay buhay ng bawat isa habang namamasyal.
Hindi ko na inusisa pa ang tungkol kay Gino since sabi niya ay nakikituloy lang naman siya sa boarding house niya habang nag aaral dito sa Maynila.
Kagat na ang dilim nang magpasya kaming umuwi na. Pareho kaming pagod pagdating sa boarding house niya. Sabay na kaming naligo at since madalas naman naming ginagawa ito dati pa. Tawanan kami ng tawanan habang pinag uusapan namin ang nangyari sa sinehan. First time namin pareho yon although matagal nang nabanggit sakin ni Jake na gusto niya ngang subukang gumawa ng kapilyuhan sa public place.
Habang naliligo kami ay may narinig kaming kaluskos sa labas. Sumilip si Jake para tingnan kung sino ang pumasok sa loob.
"Oh Gino bat andito ka? Akala ko ba umuwi ka ng Baguio?" bulalas ni Jake habang naka dungaw sa pinto ng banyo.
"Oo sana kuya, kaya lang naalala kong may project pala kaming kelangang tapusin kaya napaaga ang pagluwas ko"
Bumaling sakin si Jake para senyasan ako. "Si Gino langa pala, buti pa tapusin na natin tong paliligo"
"Pano yan kung andito siya?" usisa ko.
"Wag kang mag alala, aware naman na siya sa relasyon natin, wala kang dapat ikabahala"
Sabay kaming lumabas ng banyo ni Jake na nakatapis lang ng tuwalya.
"Kuya Francis andito ka pala" halos pasigaw na bungad ni Gino nang makita niya ako. Siguro nagulat siya at hindi niya inexpect na makikita niya ako dito sa boarding house.
We bumped our fist gaya ng nakagawian ng magtotropa dati pa kapag nagkikita kita.
"Ok na ba kayo ni kuya Jake?" masaya niyang tanong.
"Ah oo, nagkausap na kami, kaya nandito ako ngayon" Medyo awkward ang dating sakin. Hindi ako sanay na may ibang nakaka alam ng tungkol samin ni Jake.
"Masaya ako para sa inyo kuya, sana all. haha" pabiro niyang sabi.
"Asus ikaw pa eh diba nga sabi mo madaming nagkakagusto sayo sa school" sabi ni Jake habang nagbibihis.
"Wala naman akong gusto sa kanila kuya, isa pa sabi ni Papa wag daw muna akong makipagrelasyon habang nag aaral" ani Gino.
"Pustahan tayo dimo matitiis na hindi magkajowa habang nasa college. Parang hindi kita kilala eh isa ka ring malibog eh" sabi ni Jake. "Alam mo ba babe first day of school may dinalang babae dito yang si Gino. Ayun inabutan ko dito naghaharutan. Pambihira" dagdag pa ni Jake.
Culture shock ang dating sakin ng mga naririnig ko. Hindi ko alam na ganito pala ka open si Gino pagdating sa third s*x. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nagbibihis din ako.
"Wag kang maniwala diyan kay kuya Jake. Hindi totoong dinala ko yung babaeng yun dito. Sinundan lang ako nun, lakas kasi ng tama sakin ng babaeng yun eh" nagkatawana sila habang ako ay nakangiti lang habang nakikinig sa usapan nila. "Isa pa wala namang nangyari samin kase focus ako sa pagreport kay kuya kung anong ginagawa mo sa school. hehe"
Si Gino nga pala ang mata ni Jake sa school ko kaya pala alam niya kung anong mga ginagawa ko nung hindi pa kami nagkikita.
"Ganun ba. Pero bakit di kita nakikita sa school? At saka pano mo nalalaman kung nasan ako o kung ano ang ginagawa ko" Tanong ko kay Gino.
"Oops sikretong malupit kuya, diskarte ko na yun" napahgalpak siya ng tawa. Tiningnan ko si Jake at binato siya ng tinging nagtatanong.
Ngumiti lang siya sakin sabay pukol ng kadudadudang kindat. Bumalik siya sa banyo para isabit ang mga tuwlayang ginamit namin.
"Nga pala kuya, tamang tama pwede tayong mag inuman since andito ka. Miss na kitang kainuman"
"Hep hep, anong inuman? Akala ko ba kaya ka lumuwas agad para sa project niyo. Walang iinom" parang kuyang sumasaway si Jake kay Gino. Halata mo talagang close silang dalawa. Para silang magkapatid sa unang tingin.
"Sige na kuya minsan lang naman. Parang celebration na rin since nagkabalikan na kayo ni kuya Francis" Pagmamaka awa ni Gino.
Bumaling sakin si Gino at ako naman ang kinulit niya. "Kuya Francis sige na, tagal ko na kayang hindi umiinom"
"Ako ok lang sakin" nginitian ko siya tanda ng pagsang ayon.
"O kuya ok lang daw kay kuya Francis" tiningnan lang ng masama ni Jake si Gino. "Sige na kuya kahit ngayon lang"
"O siya. pero konti lang ah. Mukhang alak na alak ka ah" kinuha ni Jake ang wallet niya at inabutan siya ng pambili.
"Yes yahoo, ayos" masayang lumabas si Gino para bumili ng maiinom.
"Konti lang bilhin mo ah, bumili ka na rin ng manok diyan sa may andoks" pahabol ni Jake.
"Oo kuya" at tuluyan nang naglaho si Gino sa aming paningin.
"Nga pala hinahanap ka sakin ng barkada, may plano silang reunion daw ngayong sem break" baling sakin ni Jake. Sinimulan naming ayusin ang mesang pag iinuman namin.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Hindi pa ako nagko confirm since wala pa akong maibalita tungkol sayo"
Mula nang magtapos kami ng High School ay kinumbinsi ako ng barkada na makituloy muna sa borading housee ni Jake since ako nga ang less fortunate samin at si Jake naman ang medyo rich kid samin. Ganun sila kabait sakin bilang alam nila ang aking kwento. Walang nasasandalang pamilya maliban sa kanila.
"Hindi mo ba sinabi sa kanilang umalis ako?" tanong ko.
"Bat ko naman sasabihin sa kanila edi nagkagulo yung mga yun, baka awayin pa nila ako"
"Bakit ka naman nila aawayin, wala ka namang obligasyon sakin" usisa ko.
"Ang totoo sakin ka nila ipinagkatiwala" natigilan siya para mag isip. "Or sabihin na nating nagprisinta ako to look after you after high school"
Napatda ako sa aking narinig mula kay Jake. Hindi ko akalain na ganun pala ako ka swerte sa mga naging barkada ko. Wala naman akong maipagmamalaki kung tutuusin para pag ukulan nila ng pagpapahalaga. Para na kaming isang pamilya. Ngayon ko lang narealized na may mga tao pa lang mag aalala sakin kapag nalaman nilang umalis ako sa poder ni Jake.
"Bakit di mo sinabi sakin" di ko alam kung maiiyak ako, sobrang na touch ako sa mga narinig ko sa kaniya.
"Pag sinabi ko ba sayo magbabago ba ang naging desisyon mo noon na iwan ako?"
"Ewan ko, hindi ko alam" Napayuko ako sa sobrang hiya. "Baka nga nagdalawang isip akong umalis noon kung alam ko lang"
Lumapit sakin si Jake at niyakap ako. "Ano kaba kalimutan mo na yun, ang mahalaga ay magkasama na ulit tayo"
Himas himas niya ang likod ko para aluin ako. Ito rin siguro ang dahilan kaya payag siyang nasa ilalim pa rin ang ng pagkukopkop ng seaman. Kung tutuusin ay pwede niyang ipilit na hiwalayan ko na ang seaman para naman masolo niya na ako.
Naputol ang iniisip ko nang bigla akong siilin ng halik ni Jake. Wala na akong nagawa kundi gumanti, although worried ako baka biglang dumating si Gino at makita kami sa ganitong tagpo.
"Wag kang mag aalala, aalagaan kita mahal ko"
"Maraming salamat babe" tugon ko.
Muli niya sana akong hahalikan ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gino.
"Mga kuya mamaya na yan, mag inuman muna tayo wooh" masiglang bungad ni Gino.
"Andami naman niyan sabi ko konti lang eh" sigaw ni Jake.
"Hayaan mo na minsan lang naman to eh" awat ko kay Jake.
"Kuya tama si Kuya Francis, isa pa kelangan nga nating i celebrate ang pagkakabalikan niyo diba" nilapag ni Gino ang mga alak at pulutan sa mesa.
Inihanda ni Gino ang mga baso at yelo sa mesa habang binubuksan naman ni Jake ang isang mucho.
Tinanggal ko naman sa plastik ang manok mula sa andoks at inilagay sa plato. Halatang excited si Gino sa inuman namin. Mas natutuwa pa siya na nagkabalikan na kami ni Jake