Bandang tanghali ay kinatok ako ni Dad sa kwarto para magtanghalian. Pagkatapos naming mag almusal kanina ay nagpaalam ako kay Hans na magpapahinga rin gawa ng pagod sa napakahabang biyahe. Kasabay na naming kumain sila Manang at Ambe bilang wala namang iba pang tao sa bahay at kasya naman kaming lahat sa mesa. Nakita ko na si Ambe kanina pagdating namin. Sa tantya ko ay halos magkasing edad lang sila ni Hans bagamat mas matangkad siya ng konti kay Hans. Moreno ang kulay niya at halatang batak ang katawan sa mabibigat na trabahong pang probinsya. Hindi naman naikukwento sakin ni Dad ang mga taong nakakasalamuha niya dito sa Bicol kaya naman ang tanging nagagawa ko lang ay tantyahin ang kanilang mga pagkatao. Marahil ay anak ni Manag si Ambe at sila ang pangunahing katuwang ng pamilya

