Hindi naging madali ang unang dalawang taon ko sa school. I'm moving on to third year na and this time ay hindi na ako ireg. Mas madali kase imanage ang sched pag regular student.
Paalis na ulit si dad and this time as mas matatagalan siya sa barko bago makababa ulit. During the time na magkasama kami sa condo ay lalong lumalim ang feelings ko sa kaniya. Syempre bukod sa masarap siyang kasama sa kama ay hindi niya ako pinababayaan.
Siguro kung di dahil sa kaniya ay mas lalong mahirap para sakin ang buhay estudyante. Hindi ako nahihirapan sa pinansyal na aspeto. May ibubuga naman ako kung talino ang pag uusapan. Yun nga lang until now ay binabagabag pa rin ako ng aking konsensiya dahil sa ginawa kong pag iwan kay Jake.
Nung nauso ang f*******: ay gumawa ako ng account para tingnan kung makikita ko si Jake. Dummy account lang ang ginawa ko at hindi ko tunay na pangalan ang linagay ko sa account. Pero bigo akong mahanap siya.
Kahit dummy account lang ang ginawa ko ay nagpost ako ng mga picture ko knowing na wala namang makakakilala or makakahanap sakin since ibang pangalan ang gamit ko.
Maraming nag add sakin dahil nga sa may itsura ako kaya medyo nagulat ako kapag nakakareceive ako ng message at nag aaya ng s*x. Karamihan ay mga bakla o kaya naman ay poser.
May mga inaadd din ako na mga random user. Naghahanap lang ng kaibigan or para kapag bored ako ay makikipag chat ako. Hanggang chat lang naman ang ginagawa ko sa sss. Pinanindigan ko ang pagiging loyal at faithful ko kay dad.
Dito ko nadiskubre na marami palang tulad ko sa social media. Mga tago ang pagkatao, at higit sa lahat ay may kinikimkim na kapilyuhan.
Isang araw habang naka online ako ay tiningnan ko ang friendlist ko. May napansin akong isang account na may cute na profile pic. Medyo famous siya base sa dami ng nasa friendlist niya na halos lahat ay famous din. Naalala kong isa siya sa mga inadd ko dati. Itago natin siya sa pangalang "Author"
So I started chatting him. Nag reply naman siya at mukhang mabait. Nagkapalitan kami ng number at nagkausap sa phone medyo napa wow ako sa ganda ng boses niya sa phone. Medyo nakakalibog, pang bedroom voice kumbaga.
Sa kaniya ko natutunan ang s*x on phone. Sobrang galing niya at masarap siyang umungol. Pero after non ay kwentuhan nalang kami tungkol sa buhay buhay. Tinanong niya ako kung bakit daw ako naging bi. Sabi ko hindi naman talaga ako bi, napagsamantalahan lang ng isang seaman.
Na amaze siya sa kwento ko at parang hindi pa siya naniniwala. Hindi siya makapaniwalang may karelasyon akong seaman at hindi lang basta seaman kundi pamilyadong seaman pa. Masarap siya kausap, may sense kumbaga. Di tulad ng iba na puro kalibugan lang ang laman ng utak.
Minsan mas masarap mag open sa taong hindi mo pa talaga kilala. Niyaya ko siya gumala pero sabi niya ay busy din daw siya. Kinukwento ko sa kaniya ang mga naging experience ko kay dad.
Hindi ako basta basta nagi entertain ng mga chat. Usually ako ang unang chinachat. Pag feeling ko interesting ang isang tao tulad ni author ay ako ang unang nagchachat.
Uso na rin ang messenger at paminsan minsan ay dun ako nagrereply ng mga random messages. Mga taong hindi ko naman talaga kilala in person.
Habang nagbobrowse ay napadpad ako sa message requests. Sobrang dami ng mga messages doon na diko pa nababasa or nabubuksan man lang. Usually ay hi or hello ang bungad ng mga random chatter pero may isang message na an unang bungad sakin ay "musta na, asan ka". Nakuha niya ang atensyon ko at binuksan ko ang account niya para makita kung sino siya.
Hindi ko siya mamukhan kase nakatakip ng cap ang kalahati ng mukha niya na ang kita lang ay ang bibig. Parang pamilyar sakin ang mga labing yon.
Nag reply ako pero hindi ko sinagot ang pangalawang tanong niya.
me- ayos lang.
siya- asan ka?
me- sa bahay
siya- location mo?
me- secret
siya- san ka nag aaral?
Nagsimula akong kutuban sa mga tanong niya. Baka naman kilala niya ako. Real pic ko pa man din ang nakalagay sa sss ko. Shet...
me- secret
siya- can I get your number?
me- sure 0905xxxxxxx
Kampante akong ibigay ang number ko. Kadalasan naman sa mga nanghihingi ay hindi naman nagsisipagtext. Si author lang ang hiningan ko ng number as far as I can remember.
siya- thanks.
me- welcum
Tapos hindi na siya nag reply. Later on ay nag ring ang phone ko from unknown number. Nung sasagutin ko sana ay biglang naputol. Missed call lang I guess.
Then may nareceive akong text.
siya- hi
me- hello
siya- busy ka ba?
me- hindi naman.
siya- alam ko na kung san ka nag aaral
me- pano mo nalaman
siya- secret
me- ows?
siya- na miss kita.
Tangina kinabahan ako. Agad kong tiningnan yung profile ko and pak, nakabuyang-yang sa info ko yung pangalan ng school ko. Tangina naman. Pero pwede ko namang i deny yun kung sakali. Hindi naman lahat ng nasa internet ay totoo. Yung iba nga sa crusty crab nagwowork eh. Yung iba naman nakatira sa "Edi sa puso mo" at kung ano ano pang kajologan sa social media.
Pero napa isip talaga ako. Tang ina sino kaya to?