Nakabalik na kami ng Maynila ni Jake. Kitang kita ko sa mukha niya ang sobrang kasiyahan sa naging bakasyon namin sa Baguio.
Pagdating sa dorm ay agad na humilata si Jake. Sa sobrang pagod siguro. Buong biyahe ay siya lang ang nagmaneho. GUstuhin ko mang palitan siya ay wala akong magawa, hindi naman ako marunong magmaneho.
Nang matiyak kong mahimbing na ang tulog niya ay saka ako mabilis na nag impake. Konting damit at gamit lang dala ko, kasya lang sa isang back pack. Pagkatapos ay nag iwan ako ng isang sulat sa study table niya.
Ganito ang nilalaman ng sulat.
Jake,
Gusto kong magpasalamat sayo sa lahat ng naitulong mo sakin. Simula nang mabuo yung tropa ay ikaw na ang naging sanggang dikit ko. Wala akong matutumbas sa lahat ng kabutihan mo sakin. Salamat talaga ng napakarami.
Sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo ng personal. Sana maintindihan mo ang naging pasya ko. Ayokong masira ang kinabukasan mo ng dahil sakin. Wag kang mag alala sakin, magiging ayos lang ako. Kelangan ko ring tumayo sa sarili kong mga paa nang hindi umaasa sayo.
Ayokong saktan ka Jake, mahal na mahal din kita, pero kelangan kong lumayo para mabuo ko rin ang sarili ko. Para mahanap ko rin ang kinabukasan ko.
Babalikan kita Jake, pangako ko yan. Pag may maipagmamalaki na ako sa mga tao, pag may maipagmamalaki na ako sayo- babalikan kita.
-Francis
Hindi ko mapigilang maiyak habang sinusulat ko to. Pagkatupi ko sa sulat ay lumapit ako kay Jake para pagmasdan siya sa huling pagkakataon. Hindi ako sigurado kung talagang makakabalik pa ako. Bahala na.
Tulad ng dati ay napaka amo pa rin ng mukha niya habang natutulog. Inosenteng inosente. Napaka guwapo talaga ni Jake. Pero langit siya at lupa ako. Hindi kami ang para sa isat isa.
Ginawaran ko siya ng maingat na halik sa noo. Bahagya ko ring hinagod ang buhok niya. Inayos ko rin ang kumot niya. Tumayo ako at sinulyapan siya for the last time, na may mabigat na loob.
Takipsilim na nang lumbas ako ng boarding house. Halos lakad takbo ang ginawa ko papalayo sa boarding house namin ni Jake. Pag dating ko sa may eskinita ay diko na napigilang humagulgol. Sumandal ako sa pader, sa may madilim na bahagi. Buti walang tao sa paligid.
Hinayaan kong umagos ang mga luha sa aking mga pisngi. Sisinghap singhap ako sa may gilid ng daan. Makalipas ang ilang minuto ay inayos ko ang sarili ko. Nag text ako sa Sea man para sabihing naka alis na ako.
Dito na magsisimula ang bagong kabanata ng aking buhay.
-=-
Maganda ang condo ng sea man. Maaliwalas at fully furnished. Up and down and unit niya. Nasa taas ang dalawang kwarto pero hindi ginagamit ang isa. Tinuro niya sakin ang magiging kwarto naming dalawa.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa kaniya. Bagamat nabiyak niya na ako noon.
"Ok ka lang ba?" Usisa niya nang mapansin niya ang pananahimik ko.
"Ok lang po ako" hindi ko maintindihan kung bakit ko pa siya pinopo. Siguro sanay lang talaga akong gumalang sa mga nakatatanda.
"Napag isipan mo na ba kung san ka mag aaral?" tanong ulit niya.
"Hi-hindi pa po" pakiramdam koy natutuyuan ako ng lalamunan. Ano bang nangyayari sakin.
"Itabi moto" inabutan niya ako ng card. ATM card? Tapos kapirasong papel. "Yan yung password, bahala ka na diyan. Diyan mo kunin yung panggastos mo sa school.. at pati lahat ng kailangan mo"
Nag alangan akong tanggapin. Kung tutuusin ito naman talaga ang dahilan kung bat ako pumayag na sumama sa kaniya.
Kinuha niya ang kamay ko para iabot yung card.
"Ilagay mo na yang dala mo sa kwarto, kumain ka na ba?" masuyo niyang tanong.
Umiling lang ako.
"Lakad na, sabay na tayo kumain."
Mabigat pa rin ang loob ko habang paakyat ng kwarto. Parang naiwan sa borading house ni Jake ang pusot isip ko.
De bale na masasanay din ako siguro.
-=-
Tahimik lang ako habang kumakain. Tinutugon ko lang ang bawat tanong niya. Sa pagkaka alala koy Henry and pangalan niya. Nakalagay sa calling card na binigay niya sakin sa pinapasukan kong fast food chain.
Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta akong ako na ang maghuhugas. Ayaw sana niya pero nagpumilit ako. Tutal ito rin naman ang magiging gawain ko dito kung sakali.
Napapa isip ako sa magiging papel ko sa buhay niya. Magiging dakilang kabit ako. Para matustusan ko yung kinabukasan koy magiging kabit ako ng isang sea man.