CHAPTER 32 "Stop shooting daggers at her." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Autumn na kasalukuyan kong katabi sa isang bench. Napapagitnaan namin siya ni Wynd. Nakatingin kami kay Ice na kasalukuyang kausap si Olivia na sumasalit ang tingin mula sa nang-aakit kay Ice at smug na tingin sa’kin. You'll see the difference. "Sweetie it’s not daggers. Mas tama siguro kung bomba ang binabato ni Summer kay Ice." Sabi ni Wynd. "Hindi kayo nakakatulong na dalawa. Gusto niyo kayo ang ibato ko sa kanila?" "Uhm? Hindi, si Autumn na lang." "Pakiulit nga." Napalunok si Wynd at alanganing ngumiti siya ng tumingin sa asawa niyang kasalukuyang masama ang tingin sa kaniya. "H-Ha? Sabi ko ako na lang. Ikaw Summer ang bingi mo ha." Napailing na lang ako. Under. "Pumasok na nga kayong mag-asawa sa loob.

