Chapter 010: Slave

2169 Words
Title:The Only Bottom At Section Top | BxB Written by: Hikahikahikarichi Chapter 010: Slave Adrian Evans' POV "Adrian," Sa pisngi ko. Pati sa labi ko. Tang*na. Lahat ng mga first kisses ko galing sa mga lalaki. P*ta. Una si Gomez nahalikan ako sa labi ko tapos ngayon si Trescious naman nahalikan ako sa pisngi ko. Tarantado talaga tong mga kagwang na to. Ano nalang ang maiisip ng magiging girlfriend ko soon pag kwinento ko sa kanya na mga lalaki ang unang nakahalik sakin? Na bakla ako?! Tang*na! Straight pa ako sa noodles. Why did they even f*cking kissed me? I swear na may kung anong pumapasok na kalokohan sa mga utak ng mga kagwang na to. P*ta talaga. "Adrian," Napapangiwi nalang ako kakaisip sa mga labi nilang nilapit sa pisngi at labi ko. F*ck this sh*t. I just can't handle this. Nararamdaman ko pang umiinit ang mukha ko. Just why is this even happening? Pati yung puso ko ang lakas ng kabog. Kulang nalang talaga ata ng megaphone para marinig ng lahat kung gaano ito tumibok ng mabilis na para pang nakipagkarerahan sa isang kuneho. Abnormal na ba ako nito? F*ck! F*ck! "Adrian!" Nabalik ako sa reyalidad nang tapikin ako ni Akihiro sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya at kunot-noo pa niya akong tiningnan pabalik. Sh*t. Dahil to sa mga kakaisip ko ng ganito muntikan ko nang nakalimutan na nagmemeeting pala kami ngayon para sa roleplay namin sa ESP. Nagtataka ding tiningnan ako ni Trescious at ni Jacobbes. Wala lang namang pakialam si Gomez. Bahala siya. "Are you okay, Adrian? You seems so out of the blue. Something up?" Ani Jacobbes at iniling ko lang naman ang ulo ko. "And bakit ang pula mo. Do you have a fever?" Sh*t. He noticed--No. They noticed! Is it really obvious that I am tomato red right now? F*ck! "Want me to take you to the clinic, Adrian?" Nanlaki pa ang mga mata ko nang biglang abutin ni Trescious ang noo ko para hawakan ito. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. "I'm okay." Tipid na sagot ko pa. F*ck! Bakit ako naiilang? Bakit ako nagkakaganito? Ni hindi ko nga matingnan ng diritso sina Gomez at Trescious. I need to man up. I am sure that what they did was just their jokes being played on me. I mean kung hindi yung joke na hinalikan nila ako then what?! Hindi rin naman sila mga bakla para sa paningin ko. And hindi rin naman ako bakla. I am straight! They are straight. Yes, kalokohan lang ang mga ginawa nila last time. Yep. This is the only logical explanation that I can only think of. "Hmmm by any chance, Adrian," Napalingon pa ako kay Akihiro na nakahalukipkip pa at nakakaloko akong tinitingnan. Ngumisi pa ang kagwang. Ano na naman kaya ang iniisip ng isang to? "What?" "Are you blushing?" Halos kulang nalang talaga ng ilang inches ang pagitan ng mga mukha namin at magkahalikan na kami. G*go tong kagwang na to. Nilapit pa talaga niya ang mukha niya sakin. "N-No. Let's just go back discussing." Pagdipensa ko pa. What a lame comeback, Adrian. Good job. "Crush mo ba ako, Adrian?" Napangiwi pa ako sa pinagsasabi ni Akihiro. Gag*ng to. Hindi ako bakla bat ako magkakacrush sa kanya na kapwa ko lalaki? Tang*na talaga. At kahit babae pa ako, di ako magkakagusto sa tarantadong kagwang na to. Puro kahanginan lang ang alam. "Dream on, Akihiro our boy." Natatawang sabi pa ni Jacobbes. Tumawa rin naman si Trescious. Wala rin pala akong paki kay Gomez kung anong reaksyon niya. Bahala nga siya. "Top ako, Adrian--" Di ko na pinatapos si Akihiro sa pagsasalita. Baka walang patutunguhan pa tong discussion namin kung puro nonsense na mga bagay lang binabanggit namin. Why I am even in this group to begin with? Tsk. Natapos na rin ang panghuling subject namin sa umaga para sa araw na'to. It was already lunch break at kagaya ng dati nandito pa rin ako sa classroom nanatili para nalang din makatipid. May baon naman akong sandwich na ginawa ko kaninang umaga kaya ito nalang din ang lunch ko. Pansin ko pa na walang lumalabas na kahit ni isang kaklase ko para pumunta ng cafeteria. Weird. Pero bahala sila. It's not my business to know what they want to do. Because f*ck them. Kakagat pa sana ako sa sandwich ko nang huminto si Gomez sa harapan ko. Tang*nang lalaking to. Ano na naman ba ang kailangan niya? Kagwang talaga. Taas kilay ko lang siyang tinignan habang siya naman ay nakahalukipkip at nandun pa rin yung iconic ngisi niyang nakakasira ng araw. "What do you want?" Walang ganang bungad ko sa kanya. Napaatras pa ako sa kinauupuan ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sakin. Gag* bat ang hilig kasi nilang ilapit ang mga pagmumukha nila sakin? Kumag na mga kagwang talaga. Tsk. "Your body." What the f*ck?! "Siguro'y nakakalimutan mo, but you agreed with our deal, right?" What is he even talking about--Deal? He mean yung maging bottom nila sa Section 'T' na deal? "I don't forget because I keep my words. So?" Palaban pa talaga yang mga tono ko sa pagsasalita. Pero sa totoo lang, I don't even know what a freaking bottom is for them. Pero dahil lang talaga sa Roleplay namin napa-Oo ako sa deal niya nang walang oras. Just what is a freaking bottom? And position for what?! He flashed a grin. "Good," With that looks on his face, nababasa ko na talaga ang isang kalokohang iniisip ng isang kagwang. F*ck, Adrian. Just what did you enter?! I never signed up to buy someone's lunch in the first place para lang makicooperate ang isang kagwang sa discussion sa activity namin. This is by far the stupidiest, dumbest and the f*cking idea that they are doing. This is even considered as bullying. Tang*na niyong lahat na mga taga Section 'T'. F*ck you all! Bakit kailangan kong magtiis sa mga kalokohan nila? I don't deserve this. I don't deserve to be part in that Section. That class is filled with demons at pati yung kagwang na yun na Gomez si Satanas. Tang*na talaga! No one told me that by agreeing with that stupid deal that f*cking Gomez made, magiging utusan ako ng buong Section 'T'. At ako naman si tanga, na walang alam kung anong klaseng deal yun, umagree pa talaga. Sh*t. Kaya pala sabi ng Gomez na yun na katawan ko ang kailangan to make this Deal. They are using my body as their personal slave. Tang*na talaga! Nandito ako ngayon sa cafeteria nakapila habang bitbit ang listahan ng mga pinapabili ng mga kagwang na yun. Humanda lang talaga sakin ang mga kagwang na mga kumag na yun. Mga tang*na! Kung ano-ano nalang ang pinagagawa sa akin. F*ck them so much! Anyways, wala na naman din akong magagawa. Tutal andito na naman ako sa cafeteria, bibilhin ko nalang ang mga pinabili nila sakin. Kunyari nagmabuting loob ako sa kanila. Muli kong binasa ang listahan nang malapit na ako sa may cashier. P*ta. Totoo ba to? Ano bang napasok sa mga utak nila at lahat ng ito pinapabili sa akin? Sa tingin ba nila ako si Four arms para madala ko to lahat? Tsk. Kakasakit nilang lahat sa ulo. Tang*nang Section 'T'. Mabuti na nga lang binigay nila sa akin mga pambayad nila dahil kung umasa rin sila sa kunting perang meron ako para pagbilhan sila ng kanilang makakain. Aba'y magkakamatayan na talaga kami. Mga animal. "Sure ka na ba talaga dito, Hijo?" Di makapaniwalang tanong ng kasera nung binasa niya ang listahan ng mga gustong kainin ng kagwang. Tumango lang naman ako at pumilit na ngumiti. Pati si Manang nagtataka sa mga bibilhin ko. Yes, I know. Ganyan kasi katakaw ang mga kagwang na taga Section 'T'. Binigyan pa ako ng isang tingin ng kasera bago niya inasikaso ang order ko--order nila pala. Naghihintay ako ngayon sa mga order na maibigay sa akin nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante dito sa cafeteria. Napakunot noo pa ako. Is there something wrong with my face? May dumi ba? Ba't ganyan sila makatingin sakin? Yung tipong parang gulat pa sila. Hindi ko nalang sila pinansin at pinatuloy ang paghihintay sa mga orders ko. It's not really my thing to care what people thinks about me. Bahala na sila. Tsk. "Kaya mo bang dalhin lahat ng to', Hijo?" Nakangangang tiningnan ko pa yung apat na mga box na nilapag ng kasera sa isang table dito sa cafeteria. P*ta? Ganyan talaga kadami? Totoo ba to? Tsk. F*ck this! "K-Kaya ko naman po," Hindi talaga. "Thank you po, Ate." Nginitian ko nalang si Manang at kaagad na rin siyang bumalik sa may cashier station. Takteng to. Paano ko mabubuhat lahat ng mga to? Okay lang sana kung maliliit tong mga boxes pero tang*na hindi. May mga kalakihan din siya. What the f*ck? Bahala na nga. Mamaya nalang akong magrereklamo sa mga kagwang na yun pag nakabalik na ako sa classroom namin. Tang*na nilang lahat. Napahinga pa ako ng malalim at akmang bubuhatin ko na sana ang mga box nang merong isang lalaking dumampot sa dalawa sa mga box. Kunot noo kong tinignan ang pamilyar na pigura ng lalaking to. Matangkad siya--Hey, wait. I know him. "Need some help?" Hindi na ako nakatanggi dahil nagsimula na din siyang maglakad. Nagtataka man ay agad ko nalang din binuhat pa yung dalawang natitirang mga boxes at sinundan siya. If I remember correctly, siya yung isa pa sa mga kasama ng Gomez kagwang na yun during my first day of school here. Sila yung rason kung bakit para akong tangang naglilibot sa Goodsman Boys High para hanapin ang Section 'T'. Magkaklase lang naman pala kami all along. Mga loko talaga. "Alexis nga pala." Nakangiting pagpapakilala pa niya sakin. "I know your name is Adrian. No need to introduce yourself." Ngumiti pa siya. Siyempre alam niya pangalan ko. Pinagloloko nga nila ako eh. Pero sa totoo lang, ang tangkad niya. Kailangan ko pa talagang iangat ang ulo ko para tignan siya. Ramdam ko talaga na isa lang akong nawawalang kabute pag magkatabi kami. Tsk. "Pasensiya ka na ah?" Bigla pang nagsalita si Alexis sa paglalakad namin. "Pasensiya saan?" "For making things hard for you kahit bago ka pa lang sa Section natin. Gusto kong humingi ng pasensiya in their place. Lalong lalo na kay Audi, I'm sorry." Aba'y ang swerte naman ng Gomez na yun. May nagsosorry para sa kanya. Kapal talaga ng mukha ng kagwang na yun. Sarap iuntog sa pader. Even so, I can feel that Alexis is being real in every words he said. Napailing ako sa ulo ko at ngumiti. "Okay lang." Tipid na sagot ko. Kung titingnan mo talaga siya ng mabuti, I can feel and see that he is really a nice person. Guess I can give him a chance? Pero bakit siya ang nag sorry para sa kanilang lahat? Weird but okay. Pero di ko pa rin sila mapapatawad sa mga kalokohan nila. Nakaabot na kami sa huling palapag ng building namin at napatigil si Alexis sa paglalakad at agad akong hinarap. "Hanggang dito lang ako, Adrian ah? Baka makita pa nila akong tinulungan ka. I might get in trouble." Tugon pa niya at sabay nilagay ang dalawang box na dala niya sa ibabaw ng mga boxes na dala ko. Kaagad din siyang naglakad ng mabilis patungo sa classroom namin. Ang weird naman ng Alexis na yun. He did helped me pero ba't naiwan pa ako dito? Anyways, bahala na nga. Weird naman talaga ang mga kagwang na naninirahan sa classroom namin. And why would he get in trouble pag nakita nilang tinutulungan ako? "Oh, how amazing. You did very well on your first day worshipping us, Bottom," Kaagad pa talagang bumungad ang mukha ni Gomez nang makapasok ako sa classroom. Worship mo mukha mo. F*ck him. Sarap niyang suntukin sa mukha. Gag*ng to. Walang ganang nilagpasan ko lang siya at dumiritso sa teacher's table para ilapag ang mga box. Itapon ko pa to sa mga mukha niyong mga kagwang kayo. Bumalik pa ako kay Gomez na nakangisi pa rin ng nakakaloko at binigay sa kanya ang sukli nila. Masama ko siyang tinignan. "Oh ayan, sukli niyo. Bigay mo nalang sa kanila, kung wala kang plano isauli yan, ikupit mo nalang." Diin na pamimilosopo ko sa kanya. Inis na inis ako sa pagmumukha nito. Tang*nang yan. "You should have kept the change, Bottom." "Sana. Nahiya lang ako sa mga pitaka niyo." Di ko na siya pinakialaman kung ano pang gagawin niya. Bahala yang Gomez na yan. Diritso na akong nagtungo sa upuan ko at kaagad na tinapos ang kinakain kong sandwich kanina. Animal kayo. Gutom na gutom na ako. Tang*na. Kita ko pang nagsisipag-agawan yung mga kagwang sa mga box na para pa silang mga asong nagmamadali sa pagkukuha sa mga pagkain. Takteng Section 'T' na to. May mga paa at mga kamay ako pa talaga ang ginawang alalay. F*ck that stupid deal. F*ck you, Gomez! --The Only Bottom At Section Top--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD