Adrian Evans' POV
Isang panibagong araw na naman ang sasagupain ko sa kagwang na Section T nila na to. Oo, nila lang.
In the first place, never kong inaccept yang section na yan. Kung hindi palang talaga sana sa scholarship ko, matagal na akong lumayas sa f*cking classroom na to. But what can I do? Tiis-tiis muna ang gagawin ko dito. Kahit na ang hirap pakisamahan ng mga kagwang kong kaklase dito.
Anyways, these past few days naging matahimik tong mga kagwang na mga kaklase ko. They didn't even make fun of me as usual which I found weird. But whatever.
At least ngayon unti-unti nang tumahimik tong pananatili ko dito. And I don't care about these people.
Ang tangi lang namang hindi matahimik sa classroom na'to ay si Akihiro na ngayon ay nakatabi na sa akin. Ewan ko ba kung kailan niya napagpasiyahan na tabihan ako pero kusa nalang nangyari.
At kagaya last time na pag-uusap namin, daldal pa rin siya tungkol sa outer space. F*ck! Ang ingay niya tang*na. Still, unlike before na lagi akong pinagloloko ng lalaking to. Kaso nga lang, ang dami niyang kung ano-anong satsat hindi naman singtalino ko. Tsk.
"Tapos alam mo ba sabi nila umuulan ng diamonds sa saturn--" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang lingonin ko siya at tinignan ng masama.
"Look, Akihiro. That is common knowledge, okay?" Sambit ko pa sa kanya. Para matahimik na tong lalaking to. At bakit ba kasi ako yung papangaralin niya? I already know such thing.
"Ako nalang ang tatapos sa sinasabi mo," Humalukipkip pa ako. "Saturn's intense atmospheric pressure squeezes carbon into diamond or graphite projectiles that zip around like bullets in the wind. The reason for that is--Why am I explaining again to you?" Wala ako sa lugar para magsabi-sabi ng kung ano sa lalaking to. Tsk.
Tinalikuran ko nalang siya at binalik ang atensyon ko sa pag-aaral sa mga copies ko. Like I said, common knowledge na yan para sa akin ang tungkol sa Saturn and all things related to outer space.
Bakit ba kasi tumabi sa akin ang isang idiot na kagwang? Kasakit sa ulo. Sige na nga lang, at least kahit papaano may isa pang tao dito sa klaseng ito na kumakausap sakin.
Si Jacobbes at Trescious? Ewan. Patagal ng patagal akong nananatili dito sa Section T, para pa nila akong tinuturing na ere.
Dito sa classroom lang naman nila ako hindi kinakausap, pero pag nasa labas kami doon pa nila ako dinaldal which I found weird. Still, I don't really care. I'll just let them do what they want to do in their lives.
"Adrian, Adrian," Sinusundot-sundot pa ako sa tagiliran ng kagwang na Akihiro.
"Ano na naman ba? Ang kulit mo!" Sambit ko pa sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Ang kulit eh.
"Magtatanong lang naman sana ako eh," Nakangusong sabi pa niya.
I sighed. "You have five seconds to ask me what you want." Walang ganang suhestiyon ko sa kanya. Lumawak din naman ang ngiting nakakurba sa kanyang labi.
"Dala mo ba ang P.E. Uniform mo?"
Nandito kaming lahat ngayon na taga Section T sa gymnasium. Urgh! How I hate to say na kabilang ako sa section kagwang na yun pero ano ba magagawa ko? Whether I exclude myself in that class, kahit saang subjects at kung saan sila mapupunta basta class hours masasama talaga ako. F*ck them all!
At kapag minamalas ka nga naman. Sa dalawang linggo kong pag-aaral dito sa Goodsman Boys High, hindi pa nila nabibigay yung uniform ko.
Sabi ng registrar na mukukuha ko daw yung uniform ko sa IMDC office during first day of school ko pero sabi naman nila wala. Sinubukan kong kunin noong isang araw pero wala pa rin. Kaya sinukuan ko nalang din. I'll just wear casual clothes if they don't give it to me, then. Tsk.
Nandito lang ako sa bleachers ngayon nakaupo dahil hindi ako pinayagan ng P.E teacher namin na makisali sa activity pag walang P.E uniform. What a great day, isn't it?
Tinatanaw ko nalang silang pinapakinggan ang mga sinasabi ng teacher namin doon sa gitna ng gymnasium. Para nalang din magkaideya ako kung anong klaseng ganap ng P.E ang meron sila dito.
"Hey?" Napalingon pa ako sa kung sinong lalaking tumapik sa balikat ko. "Adrian, right?" Tanong niya.
He looks familiar--Ay takte! Kaklase ko din pala to. Kung maalala ko ng mabuti, isa din siya sa mga nakausap ko nung first day of school na kasama nila Gomez kagwang.
Siya yung lalaking may hawak na fidget spinner.
"Yes, why?" Malamig na sagot ko pa. Aba'y isa din siya sa mga nakipagsabayan sa Gomez na yun. Kaya bakit ako makikipagtungo ng mabuti sa lalaking to?
"Anong ginagawa mo dito?" Obvious ba? Wala akong uniform?
"Ikaw ano ginagawa mo dito?" Balik na tanong ko pa sa kanya habang ang atensyon ko pa rin ay nasa ibang Section T na nasa gitna ng gym nakikinig.
"Just because." Tipid niyang sagot.
Just because, huh? Wala na naman akong maidadagdag pa kung ganung sagot lang ang ibibigay niya sakin. Nanatili nalang akong tahimik at hindi siya pinansin. Wala din ako sa mood mamansin ng isang kagwang.
"By the way, Zeke nga pala." Nakangiting bungad niya pa. Tumango lang ako bilang sagot ko. Oo, ganyan ako ka cold makitungo sa mga tao pag hindi ko nagustuhan ang mga ginawa nila sakin.
Call me mean, but I rather have my alone time right now rather than talking with anyone. Especially, my classmates na nasa Section kagwang 'T'.
Bigla ko namang naramdaman ang tawag ng kalikasan kaya agad din akong lumabas ng gym para magpunta sa cr. Pagkabalik ko pa ng gym ay wala na ang teacher namin sa P.E. pero ano pa bang ginagawa ng mga kagwang ko na mga kaklase dito?
Nagtatawanan at naghahagikhikan na naman ang mga kurimaw pero di ko na sila pinansin. Babalik na rin sana ako sa bleacher na kinauupuan ko kanina nang may humila sa damit ko mula sa likuran. Muntik pa talaga akong masubsob sa sahig tang*nang nanghila.
"Ano ba?!" Masama na tinignan ko pa kung sino yung taong humila sa akin. Sino? Aba'y ang kagwang na Gomez! "Nababaliw ka na ba ha?!" Sigaw ko pa sa kanya na pilit pa hinihila ko ang damit ko palayo sa kamay niya. F*ck him!
"Not yet. But partner up with me." Maawtoridad niyang bulalas. Kapal ng mukha ng lalaking to.
"For what?"
"Be my partner sa Dodgeball activity natin ngayon," Tugon pa niya sabay bigay sa akin ng isang kulay asul na bola. Kunot noo ko pa siyang tinignan.
"Ayaw ko." Malamig na pagtanggi ko sa kanya.
Maliban sa hindi ako makakasali sa P.E. Activities nila dahil wala pa akong P.E. uniform, mukha nakalimutan yata ng kagwang na to kung anong mga kababuyang bagay ang ginawa niya sa akin. Tang*na mo Gomez!
Binato ko pa pabalik sa kanya ang bola. "I don't partner up with people like you." Mariing dagdag ko sa kanya. I know that my words are harsh but he deserved it anyway.
After all, di naman matino ang lalaking to. Kaya sasagutin ko rin siya ng walang katinuan.
"I see." Huling rinig ko na sabi niya bago ko siya tinalikuran. Nakahalukipkip pa akong naglakad pabalik sa bleachers.
Kahit kailan, ayaw kong magbait-baitan sa lalaking yun--No. Sa lahat ng estudyante sa Section 'T' na yun. Wala silang ibang ginawa sa akin kung di ang lagi lang nila akong abusohin. Kagaya lang naman pala sila ng mga abusado kong mga magulang.
They dont deserve an inch of my respect.
"Hoy bottom!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko sakin nang makaupo ako sa bleacher. Di ko pinansin kung sino man yun. Wala akong pake sa inyo.
Halos kulang nalang ata para masira ang bungo ko sa ulo nang may maramdaman akong isang bilog na bagay na tumama sa ulo ko. Ampu*a? Napahimas pa ako sa aking ulo at tinignan kung paano mag bounce yung bola pabalik dun kay Gomez. Tinapakan pa niya ito gamit ang isang paa niya.
"Ano bang problema mo ga*go ka!?" Tang*nang lalaking to. Ano na namang problema niya sakin?!
"Nothing. I just found you annoying to be part in our Section." Ngumisi pa talaga siya ng nakakaloko. As if gusto ko namang mapabilang sa section niyo kagwang lalaking ka.
"As far as I want na umalis sa section niyo, wala akong ibang magagawa dahil in the first place I am just nothing but a scholar here," Tila'y parang nagtaka pa siya sa nasabi ko.
"The school decides which section I should be in. Sa tingin mo ba makakaalis lang ako sa section niyo ng ganun-ganun lang?!" Dagdag ko pa sa kanya na nakahimas pa rin sa ulo ko ang aking kamay. Tang*na ang sakit talaga.
"Hmm.. A scholar, huh? Interesting." Nilagay pa niya ang kanyang hinlalaki at hintuturo sa baba niya. What the heck is this guy trying to imply anyway? "Anyways, should we start?" Napakunot noo ako. Ano ibig niyang sabihin?
"Top boys, fire! Start the Dodgeball bottom target!" Tila'y para pang nasisiyahan sa mga hiyawan nila ang mga kagwang. What the f*ck?! I feel that something bad is about to happen to me right now--
Hindi nga ako nagkamali. Tang*na nilang lahat! Pinagbabato nilang lahat sa direksyon ko ang mga bola na hawak nilang lahat. F*ck! F*ck! Why are they even doing this to me?!
Nagtatawanan pa talaga ang lahat ng mga kagwang. P*ta kayo! Gusto kong manlaban pero ang dami nila para palagan ko pa. Tsaka nagtatamaan na sa iba't-ibang parte ng katawan ko ang mga bolang binabato nila sakin. Tang*na niyong lahat.
Pwinesto ko pa talaga sa harapan ko ang dalawang kamay ko para man lang madipensahan ko ang sarili ko. Pero tang*na! Ang sakit-sakit ng mga bolang binabato nila sakin. Natatamaan pa ako sa likuran, sa harapan, sa ulo at sa ibang parte pa.
Para pang nakakabasag talaga ng bungo ang bawat bolang tinatama nila sa akin dahil sa sobrang lakas ng pagbabato nila nito. F*ck you all! Sh*t! I hate how I feel so abused again. I hate this life. I f*cking hate you all!
Lagi nalang akong inaapi. Tang*na.
"Ipasa mo sakin ang bola mo, bro!"
"More! Patumbahin ang bottom na yan haha!"
"Diba sabi dodgeball? Bakit ayaw mong ilagan bobo haha!"
Kung ano-ano pa ang mga sinasabi nila na hindi ko na naman pinakinggan. This is hell. My life is a freaking living hell. I can ever hear the voices of my parents sa mga pinagagawa nila. Wala na akong ibang magawa. I hate this. I hate myself for being so weak.
Napaupo nalang ako sa sahig na nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa aking harapan. Ang hina ko na, pinagtake advantage pa talaga. What's wrong with this world?
Unti-unti nang tumulo ang mga luha saking mata. I can't anymore. I am out of strength. Patayin niyo nalang ako kung ganito lang pala ang itatrato niyong lahat sakin. Sh*t.
"Stop this now you idiots!" May bigla pang sumigaw mula sa di kalayuan. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagpigil ng mga bolang pinagbabato sakin.
Kita ko pang naglakad palapit sakin si.. Trescious?
"Hey, Are you okay?" Inalalayan pa niya akong makatayo. Wala akong masagot dahil hindi pa rin ako nakakamove on sa nangyari. Tulo ng tulo lang ang mga luha ko.
"Shh nandito lang ako. No need to cry now, Adrian. Shh." Naramdaman ko pang pinunasan ni Trescious ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.
Somehow for the first time I felt protected. I feel safe. But what is even this feeling? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?
"Tsk. You mess with my mood." Ani Gomez nang lumapit din siya samin at tinapik ang balikat ni Trescious.
I will really never forgive them. Especially Gomez. I will hate this guy to death.
--The Only Bottom At Section Top--