Chapter 04: Pranks

1445 Words
Adrian Evans' POV "Sabing ibalik mo sa akin yan eh!" Ma awtoridad na sigaw ko sa isa sa mga kaklase ko ngayon. Nakakabadtrip! Wala bang magawa tong mga lokong to at ako na naman nakitang pagtripan? "Abutin mo lang. Kung makakaya mo." Nakakaasar. Kanina pa ako nakikipaghabulan sa kanya para lang makuha yung pinag-aaralan kong past lessons ng history subject. Tang*na talaga. At nagtanga-tangahan naman akong dito pa talaga mag-aral sa classroom. Muntik ko nang nakalimutan na mga kagwang ang namamahay dito. Nakakaasar! Siyempre paano ko makukuha ang papel na yun kung sa height palang kinulang na ako? Iwanagayway pa talaga niya sa ere at tinataas pa ang kanyang kamay para di ko maabot. Tang*na namang buhay to! Kapag minamalas ka nga naman mapabilang sa section na puro kagagohan. "Iiyak na ba ang bottom namin?" Nakanguso pa siya na nagtutunog bata magsalita. Aba'y hayup tong kagwang! "Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Pagkasabi pa niya nun ay kumuros pa tong iba kong mga kaklase ng ganun. Kaunti nalang talaga. Sobrang kaunti nalang. Napupuno na ako sa mga lalaking to dito. Tang*na gusto kong lumipat ng ibang section. Parang hindi ako makakafocus dito sa pag-aaral pag nakapaligid tong mga lokong to sakin. Tsk. Sa ilang araw kong pamamalagi dito, wala ng ibang gawin tong mga kaklase kung di ang gawin ang kahit ano-anong mga pranks sakin. To the point na gusto ko na talaga silang labanan lahat pero tang*na baka mamaya pagtulungan pa nila ako. Uuwi talaga akong may blackeye. "Pagod ka na ba, bottom namin?" I just glared at the guy who's still holding the paper. Again with the bottom. Bakit ba nila akong tinatawag na bottom? Nang dahil sa sagot ko last time? Tsk. "Kung gusto mo ibigay ko sa'yo to, kiss muna." Nilapit pa talaga niya sakin ang pisngi niya. Kagwang to! Ano akala niya sakin, Bakla? "That's enough, Akihiro." Sita pa sa kanya nung isa sa mga kaklase kong nakapamulsa. "Here." Hinablot pa niya yung papel na nasa kamay ni Akihiro at inabot sakin. Tinignan ko pa siya ng diritso sa mata. Baka gagagohin lang din ako nito kung aabotin ko yung papel. Pero hindi naman siya mukhang gago, loko lang. "Salamat." Sabi ko at kinuha ko rin yung papel sa kanya. "Kill joy mo naman, Jake. Ikikiss na sana ako eh," Reklamo pa ni Akihiro na napakamot pa sa kanyang batok. Asa siya. At sino bang straight na lalaking kagaya ko ang hahalik sa kanya? Tsk. F*ck him! I'm not gay! "Dream on, Akihiro." Huling banggit ni Jake bago siya umalis sa harapan namin. Naglakad na siya sa likuran papunta sa kung saan nagkumpulan ang mga ibang kaklase namin. That Jake guy is that same pink haired dude na kasama ni Gomez last time. Yung mga pinagtanungan ko kung saan ang Section namin. He might have helped me right now pero f*ck no way! I still hate them. Kakabalik ko lang sa classroomgaling banyo dahil tinawag ang diwa ko ng kalikasan. Panay tawanan at hagikhik na naman ang mga loko dito sa classroom pero di ko na sila pinansin. Kung ano na naman yang mga kalokohan na ginagawa nila, bahala sila. Basta wag nila akong isali. For god's sake lang. Pero nagiging alerto naman ako sa bawat actions nila. Baka pagbatuhin na naman ako ng mga water balloons p*ta. Nagsusulat pa ako ngayon ng mga notes sa discussion ni Miss Gonzaga, teacher namin sa Math. Kagaya ng ibang teachers ay binigyan niya rin ako ng copy ng mga lessons na namiss ko. Well, math is my favorite subject and mataas ang grades ko dun. Not a problem for me. I have brains you know. Nasa kalagitnaan ng discussion nang may kung sinong demonyo na naman ang sumusundot sa likuran ko. Wala akong panahon para makipaglokohan kaya hindi ko ito pinansin. Baka nagloloko na naman ang mga kagwang. "Tang*na ayaw niyo talaga akong tantanan!?" F*ck! Hindi ko namalayan na napalakas ang sigaw ko. Partida nagmura pa ako. P*ta. Hindi kasi tumitigil ang sumusundot sakin pero paglingon ko naman sa likuran wala namang tao dun. Patay malisya pa tong mga lokong to na kunyari nakikinig sa lesson kahit hindi naman. Tang*na niyong lahat. "Mr. Evans, you have something to tell in the class?" Nakataas pa yung kilay ni Miss habang nakahalukipkip. "Do you want to share us something?" Dagdag niya pa. "W-Wala po, Miss. Sorry po nabigla lang." F*ck you all! Rinig ko pa ang mga maliliit nilang mga tawa. Makakaganti lang ako sa inyong mga kagwang kayo. Mga lalaking to walang magawa sa buhay. Tsk. Kakatapos lang ng panghuling subject namin sa umaga at usual, hindi ako pupunta ng cafeteria para bibili. Tipid ang motto ko tol'. Kailangan tipirin pag wala kang maraming pera. Busy ako nagbabasa pa rin sa mga past lessons nila nang biglang may umuyog ng upuan ko. Tang*na ano na naman bang problema nila para pagtripan ako. P*ta. "Wag ka na kasing mag-aral. Bobo naman tayong lahat dito." Sabi pa nung kung sino ang umuyog. Tang*na niyo. Kung mga bobo kayo, ako hindi. Halos para pang duyan tong upuan ko sa pagalaw at napakapit nalang talaga ako arm placer nito. Napupuno na talaga ako! "Bottom namin!" Sambit pa nung Akihiro at hinablot na naman sakin ang copies ko. Pist*ng to! Hindi ba nila ako tatantanan?! "Pabobohan na tayong lahat dito, bottom!" Buong klase nagtatawanan pa talaga sa mga pinagagawa nila sakin. Ano bang problema nila at kailangan talaga nila akong abusohin ng ganito? Mga wala sa tamang pag-iisip na mga loko. Bakit ba ako napabilang sa section na hindi naman ka bagay-bagay sa isang matalinong scholar student na kagaya ko. Tang*na buhay! "Tigilan niyo ako mga hayop kayo!" Sigaw ko pa sa kanila pero parang wala namang nakikinig. Yung Akihiro nagsasayaw pa ng parang tanga habang pinagtatapon pa sa ere ang mga copies ko. F*ck! F*ck! "Kunti nalang talaga--Ah!" Napadaing ako sa sakit nang tumama ang pwet ko sa sahig. Kakayugyog ng kaklase ko sa aking upuan nahulog tuloy ako. Pist*ng to! Tinignan ko siya ng masama. "Bottom, makatitig ka parang papatayin mo na ako ah," Talagang papatayin kitang kagwang ka. Napakuyom lang ako sa mga kamao ko at kanina ko pa talaga gustong suntokin tong mga kaklase kong walang tigil sa pagtawa. Pati sina Jacobbes at Trescious nakikisabay rin sa tawanan. Wala man lang tumulong sakin dito para pigilan sila. Napupuno na ako. Punong puno na. Kunti nalang at sasabog na ang bomba sa katawan ko. Sige pa, paglokohin niyo pa ako mga hayop kayong lahat. F*ck, Adrian evans! Bakit ka nagmamahina? Kung hindi pa lang talaga sa scholarship program, binugbog ko na silang lahat. Kailangan kong panatilihin ang magandang reputasyon ko sa paaralan nato para hindi mapatalsik sa program. Kailangang... kailangan ko. "Ano bang problema niyo sa akin ha?!" F*ck! Kahit na hindi ko gustong umiyak ay hindi ko nalang mapigilan ang mga luha ko. "Sawang-sawa na ako sa mga pinagagawa niyo sakin. Ano bang kailangan gawin ko para tigilan niyo na ako ha?! Lalaki ako mga tol' pero tao rin ako. Nasasaktan din ako. Hindi niyo alam yun? Tao ako na may emosyon rin." Halos di ko na talagang mapigilan ang sarili ko na wag isigaw sa kanila ang gusto kong sabihin. Ayokong kimkimin ang mga nararamdaman ko. Kung sinasabi ng iba na babae lang ang pwedeng umiyak, then they're dumb. Crying is for everyone mapa babae man o mapa lalaki. Pantay pantay tayong lahat. Tao tayo may mga emosyon. Nakakasakit lang isipin na sa tinakasan kong nakaraan ay mararanasan ko rin dito sa Goodsman. Laging nasasaktan sa mga abuso. Sadyang pinaglalaruan na ako ng tadhana. Iyak at paghikbi lang ang nagawa ko habang nakaupo sa sahig. Nawala na naman din ang mga tawa ng lahat ng mga kaklase ko pero andun pa rin yung sakit na ginagawa nila sakin. "Sagotin niyo ko!" Maawtoridad na sigaw ko sa kanilang lahat. "Ano bang kailangan kong gawin para tantanan niyo na ako sa pangbubully sakin!?" "J-Joke lang naman yun, bottom ano ka ba?" Nagkakandautal na sabi pa ni Akihiro sabay lagay ulit sa copies ko sa itaas ng aking armchair. "Oo nga, joke lang naman yun." "Sorry, bottom. Joke lang talaga yun." F*ck with your unsincere apologies. "Joke? Then f*ck you, All!" Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko sa sahig at agad na kumaripas ng takbo palabas sa classroom. I freaking hate this section. Section T is the worst of all the worst! --The Only Bottom At Section Top--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD