Volume 1 Chapter 30 Mabilis na bumulusok si Van Grego na makikita mo ang kanyang kalunos- lunos na sinapit ng makatagpo ang isa sa mababagsik na mga Black Sparrow Birds na walang awa siyang pinagtutulungan upang sana'y patayin at kainin ngunit nahuli sila. Ito'y isang napakakakaibang pangyayari lalo pa't bihira lamang ang mangyaring may makaligtas sa kanilang estratehiya sa p**********p sa biktima at sa huli ay hindi nila makakain. Sa katangiang taglay ng mabagsik na mga halimaw na ibong ito ay napakaswerte ni Van Grego lalo pa't nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan. Kahit na hinang-hina na si Van Grego at hindi na niya maramdaman ang kanyang katawan ay marami pa rin siyang naiisip ukol sa kalagayan niya ngayon at sa hinaharap. Ang mga ito ay kung makakatakas nga ba siya sa kamat

