Nandito sa isang malaking silid ang mga Assassins na siyang kasa-kasama ng kanilang lider na walang iba kundi si Framiyo. Dala ang isang maliit ngunit pambihirang supot na kanyang hawak-hawak ay hindi niya na papatagalin kung ano ang laman ng mga ito. "Buksan niyo na boss!" Malakas na sambit ng isa sa mga Assassins na atat na atat ng malaman ang laman ng supot na hawak ng kanilang Itinuturing na boss o lider. " Oo nga boss!" Dagdag pa ng isa pang assassins. Agad na tiningnan ni Framiyo ang lahat ng mga Assassins at pawang mga tango lamang ang kanilang itinugon na siyang ipinaaalam kung ano ang laman ng pambihirang supot na hawak ng kanilang lider na si Framiyo. Sige, kung yan din ang kagustuhan niyo!" Galak na pagkakasabi ni Framiyo na kahit siya ay may kuryusidad na alamin ang laman n

