"Hanggang sa muli, kaibigan!" Tanging nasambit ni Van Grego sa kanyang isipan. May lungkot na nararamdaman si Van Grego sa paglisan ng kaniyang kaisa-isang kaibigan ngunit alam niyang para iyon sa kabutihan ni Nexus Gallo. Ang karagatan ay hindi ligtas para sa kanila lalong lalo na kay Nexus Gallo, lalo pa't isa ng ganap na Cultivator ito, ang pagsali o pagbulabog sa natural na sistema ng karagatang ito maging ang natural na pamumuhay sa kalikasan ay hindi pwedeng sirain lalo pa't magiging dahilan lamang ito ng kawakasan sa sinuman. Kahit na may ideolohiyang karaniwang sistema ng kagubatan ay hindi pa rin dapat labagin ang mga prinsipyo o batas maging ng karagatang ito lalong lalo na ng kalangitan nangangahulugan lamang ito ng paglaban sa batas ng Cultivation World. Ramdam ni Van Greg

