"Patawad po sa aking ginawang atake Ginoong V!" Maikli ngunit makahulugang sambit ni Roco dahil sa kanyang kapangahasan ngunit hindi niya rin maiiwasang di magalit sa matandang si Framiyo lalo pa't alam niyang hindi siya sasantuhin nito sa oras na maging mahina siya. "Ngunit mali pa rin ang ginawa mo Roco, tandaan mo na mayroong patakaran sa ating Asosasyon maging sa inyong Departamento." Sambit ni Mr. V sa nakayukong binata na si Roco. "O siya, umalis na tayo rito lalo pa't may kasalanan rin ako dahil di ko kayo pinigilan ng mas maaga, ngubit masasabi kong malaki ang naging progreso ng iyong Cultivation rank at ang iyong karanasan sa pakikipaglaban." Malumanay na sambit ni Mr. V kay Roco. Nang marinig ito ni Roco ay nasiyahan siya sa mga sinabi sa kanya ng matanda na siyang Founder ng

