Bago maganap ang napakalaking komosyon sa labas... Maraming mga Cultivator na siyang mabilis na naglalakad palabas ng teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't hindi na sila kabilang pa sa maaaring maging kasosyo o kaibigan ng nasabing mga angkan. Hindi maiiwasan ng mga iba na malungkot at manghinayang ngunit nakagawa na sila ng padalos-dalos na desisyon. Huli na ng mapagtanto nilang hindi nila napag-isip-isip ang kanilang mga naging desisyon lalo pa't malaki ang benepisyong nakukuha nila sa Asosasyong ito ngunit nahikayat sila ng mababang Opisyales ng isang maliit na angkan, ang Grego Clan. Halos lahat ay nakalabas na at nasa harap na mismo ng Nasabing gate ng Alchemy Powerhouse Association ng may hindi nakakatuwang pangyayari ang kanilang nararamdamang presensiya. Ang masas

