Naglalakihan ang mga mata ng mga Martial Beast na nakatira sa karagatan lalo na sa mga saksi. Hindi maitatangging ang kanilang mga nasaksihan ay napakaimposibleng bagay lalo pa't naanalisa nila na ang pagpunta sa karagatan ng isang Cultivator sa teritoryo ng mga Martial Beast ay napakadelikado idagdag mo pa na likas na agresibo ang mga ito kung kaya't parang ang sitwasyon ay bumaliktad ngayon. Ang binatang nasa harap nila ay mas nakakatakot pa kaysa sa kanila na ang awrang pumapalibot ay lubhang napakakapal at napakalakas maging ang ipinakita nitong pag-atake sa Martial Doom Fish Beast ay nagpamangha sa kanila ngunit naghatid din ito ng takot sa kanila. Tanging ang tunog ng paggalaw lamang ng agos ng tubig maging ang pressure nito ang maririnig sa pinangyarihan ng laban. Lahat ay tikom

