Sa isang iglap ay nawala na parang bula si Framiyo na walang bakas na iniwan maging sa kung paano ito nakaalis sa kakaibang silid na kanyang kinalalagyan. "Medyo nakaramdam si Framiyo ng kakaibang pangyayari lalo na sa pagbabago ng atmospera ng kanyang paligid. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata upang tingnan kung nakaalis ba siya o hindi. Nakatayo siya ngayon na siyang kaibahan kanina na nakaupo siya. Nang minulat niya ang kanyang pares na kulay dilaw na mata ay halos hindi siya makapaniwala lalo pa't nasa tapat na siya ng tarangkahan maging ang mga posas na nakakabit sa kaya ay wala rin. Ngayon ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng matandang si Mr. V. Na pambihira ang abilidad ng kakaibang bato na tinatawag na Wrap Stone. Napangiti siya ngunit agad rin siyang napangiwi dahil

