NAHARA POV
Nanlamig ako.
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makapaniwala.
“Sir, first day ko pa lang po.”
“I don't care.”
“Sir, please...”
“I said I don't care!”
Tumalikod siya.
“Security.”
Parang huminto ang t***k ng puso ko.
“Escort her out.”
At sa unang araw ko sa Dela Roca Enterprises...
natapos agad ang pangarap ko.
Pero nagmakaawa ako.
"Sir, please... can you give me a chance?"
Nanginginig na ang boses ko.
Hindi ko na alam kung dahil sa hiya o takot.
Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko.
Isang pagkakataon para itama ang maliit na pagkakamali.
Pero imbes na maawa, mas lalo pang tumalim ang mukha ni Sir Marius.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
Ang mga mata niya ay parang yelo.
"Are you defying my words?"
Natigilan ako.
"Sir, hindi po. Ang akin lang po—"
"I said you're fired."
Malamig. Mariin. Parang hatol.
Tahimik ang buong conference room.
Walang nangahas magsalita.
Walang nagtangkang dumepensa para sa akin.
Parang lahat sila sanay nang makakita ng ganito.
O baka takot din sila.
"People who can't follow standards don't belong in this company."
Napakurap ako.
Parang may humampas sa dibdib ko.
"Sir, kaya ko naman pong ayusin—"
"Enough!"
Muli niya akong pinutol.
"Morons don't have a place here."
Nanlaki ang mga mata ko.
Parang may kung anong napunit sa dibdib ko.
Aray ko!
Kanina pa ako nagpapakumbaba.
Kanina pa ako nagmamakaawa.
Pero hindi niya man lang ako binigyan ng kahit katiting na respeto o pang-unawa man lang sana.
Grabe siya. Moron talaga.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Grabe naman po kayo, sir."
Natigilan ang buong silid.
May ilang empleyadong napatingin agad sa akin.
Parang hindi sila makapaniwalang sumagot ako.
Tumingin si Sir Marius sa akin.
Mabagal. Mapanganib na titig.
"Ano'ng sinabi mo?"
Huminga ako nang malalim.
Punong-puno na ang bigat sa dibdib ko.
"Ang sakit n'yo pong magsalita."
Tahimik.
Pero wala na akong pakialam.
"Wala naman po akong ginawang krimen. Para i-fired niyo ako kaagad."
Nararamdaman ko ang pag-init ng mga mata ko.
Pero hindi na ako umatras.
"Nagkamali lang po ako."
"One small mistake."
"First day ko pa lang."
"Pero kung tratuhin n'yo ako parang wala akong kwentang tao."
Tumalim ang panga niya.
Ramdam ko ang galit na unti-unting umaakyat sa kanya.
Pero ngayon, ako naman ang hindi umatras.
"Wala ba kayong puso?"
Parang huminto ang buong conference room.
May nahulog na ballpen sa sahig.
Walang yumuko para pulutin.
Lahat nakatingin lang sa amin.
Kay Sir Marius.
At sa akin.
Unti-unting nagdilim ang mukha ng CEO.
Parang bagyong malapit nang sumabog.
"Wala akong puso?" malamig niyang ulit.
Mas nakakatakot.
Mahina ang boses niya ng magsalita.
"Miss Valencia."
Humakbang siya palapit.
Hanggang halos hindi na ako makahinga.
"If that's what you think..."
Bahagya siyang yumuko para magpantay ang tingin namin.
"Then let me prove how heartless I can be."
"Now get out of my sight."
At sa unang pagkakataon sa buhay ko... nakaramdam ako ng galit na mas matindi pa sa hiya.
Nagsilabasan na ang mga tao sa conference room.
Unti-unti silang nag-alisan.
Na parang walang nangyari.
Parang normal lang na makita ang isang tao na durugin sa harap ng lahat.
Ako na lang ang naiwan.
At ang pinsan kong si Aliza.
Nakangisi ito habang papalapit sa akin.
"Sabi ko na sa'yo."
Napayuko ako.
Hindi ko kayang tingnan siya.
"Hindi ka magtatagal dito."
May tuwa sa boses niya.
"One day pa lang fired ka na. At ang mas masakit ang CEO pa mismo ang nag-fired sa iyo."
Tumawa siya nang mahina. "So, hindi na ako mag-eeffort para matalsik ka rito."
Binangga niya ang balikat ko.
Mahina lang.
Pero sapat para maramdaman ko ang pangmamaliit niya.
"Good luck finding another job."
At tuluyan siyang umalis.
Naiwan akong mag-isa sa conference room.
Tahimik.
At doon ko na tuluyang hindi napigilan ang pagpatak ng luha ko.
Sa unang araw ko sa Dela Roca Enterprises...
nawala ang trabahong pinangarap ko.
At hindi ko pa alam...
na iyon pa lang ang simula ng bangungot na ihahandog sa akin ni Marius Maximus Dela Roca.
Parang ayaw ko ng umalis sa kinatatayuan ko.
Gusto ko nang mabuwal rito.
Gusto ko kainin nalang ano ng lupa. Gusto ko na lang maglaho.
Tumulo ang luha ko.
Dahan-dajan akong kumilos.
Parang ayaw kong makalikha ng ingay o kalauskos man lang.
Ayaw kong makita nila akong bagsak.
Parang gusto ko na lang manatili roon hanggang mawala ang lahat ng taong nakakita sa kahihiyan ko.
Pero wala naman akong pagpipilian.
Kaya dahan-dahan akong lumakad palabas.
Nanlabo na ang paningin ko dahil sa mga luha.
Nang makarating ako sa may pintuan ng conference room, may narinig akong mahinang boses.
"Miss Valencia."
Napahinto ako.
Paglingon ko, nakita ko ang secretary ni Sir Marius.
Si Miss Sofia.
Siya rin ang unang kumausap sa akin pagdating ko kaninang umaga.
At siya din nagbigay ng task ko.
Ngayon...
parang nahihirapan siyang tumingin sa akin.
May hawak siyang puting sobre.
At alam ko kaagad kung ano iyon.
Lalong nanikip ang dibdib ko.
Huminto siya sa harap ko.
Ilang segundo siyang hindi nagsalita.
Parang naghahanap ng tamang salita.
"Miss Valencia..."
Mahina ang boses niya.
"These are your termination papers."
Parang may humampas na naman sa dibdib ko.
Termination papers na agad. Hindi pa nga uminit ang pwet ko sa working station ko.
Hindi ko agad inabot ang sobre.
Nakatingin lang ako rito.
Parang umaasa akong mawawala iyon kapag hindi ko tiningnan.
Pero hindi nangyari.
Dahan-dahan niya iyong iniabot sa akin.
Napansin kong bahagya siyang napabuntong-hininga.
"Pasensya ka na."
"Actually, nagustuhan kita kanina."
Napakurap ako.
"Bihira kasi akong makakita ng bagong empleyadong ganoon ka-eager matuto."
Napabuntong-hininga siya.
"Kaya nanghihinayang din ako."
Napatingin ako sa kanya.
Agad siyang umiling.
"Alam kong hindi ako makapag-decide rito."
Saglit siyang tumingin sa conference room bago muling bumalik sa akin ang tingin niya.
Napakagat ako sa labi.
Napayuko.
Pakiramdam ko ito na ang magandang buhay ko.
At ngayon...
parang isang iglap lang nawala lahat.
"Thank you po."
Pilit kong sinabi kahit paos na ang boses ko.
Tumango siya.
May lungkot sa mga mata niya.
Pero bilang empleyado, wala rin siyang magagawa.
"Ingat."
At iyon lang.
Wala nang ibang salita.
Kinuha ko ang sobre.
Humigpit ang hawak ko rito.
Pagkatapos ay muli akong naglakad papunta sa labas.
Alam kong pinagtitinginan ako ng ibang empleyado.
At ang pinsan kong si Aliza ay nakangiti.
Deretso lang ako hanggang makarating na ako sa elevator.
Habang pababa ang elevator...
nakatingin lang ako sa papel na may nakasulat na pangalan ko.
At sa unang pagkakataon...
naramdaman kong wala akong ideya kung saan ako magsisimulang muli.
Ding.
Bumukas ang elevator.
Pero ilang segundo muna akong hindi kumilos.
Parang ayaw kong lumabas.
Parang kapag lumabas ako rito, magiging totoo na ang lahat.
Mawawala na ang natitira kong pag-asa na baka panaginip lang ito.
"Excuse me?"
Napakurap ako.
Napatingin ako sa lalaking nasa labas ng elevator.
Isa sa mga empleyado.
Mukhang naghihintay makasakay.
Agad akong tumabi.
"S-sorry."
Lumabas ako.
Pakiramdam ko wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.
Mahigpit kong niyakap ang envelope.
Parang iyon na lang ang ebidensya na minsan, naging empleyado ako ng Dela Roca Enterprises.
Kahit wala pang isang araw.
Pagdating ko sa lobby, mas lalo akong nanliit.
Kanina lang...
sobrang saya kong pumasok dito.
Parang ang laki ng mundo.
Parang ang daming posibilidad.
Parang sa wakas, nagsisimula na ang buhay na pinaghirapan ko.
Pero hindi na pareho ang pakiramdam.
Mas mabigat.
Mas masakit.
Durog.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa exit.
Napansin ko pa ang malaking logo ng Dela Roca Enterprises.
Kanina, proud na proud akong tinitingnan iyon.
Ngayon...
parang gusto kong iwasan.
Dahil sa tuwing makikita ko iyon, naaalala ko ang malamig na mukha ni Marius Maximus Dela Roca.
"Morons don't have a place here."
Napahinto ako.
Parang muling umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi niya.
Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko.
Unti-unting napalitan ng galit ang sakit sa dibdib ko.
Hindi.
Hindi ako moron. Hindi ako bobo o ano pa man.
Nag-aral ako nang mabuti.
Nagtrabaho ako habang nag-aaral.
Ilang taon akong nagpuyat.
Ilang taon akong nagsakripisyo.
Hindi ako naging c*m Laude dahil bobo ako.
At lalong hindi ako walang kwenta.
Tumulo ulit ang luha ko.
Pero ngayon, may kasamang galit.
Galit sa kanya.
Galit sa sarili ko.
Galit sa araw na ito.
Paglabas ko ng building, sinalubong ako ng mainit na hangin ng hapon.
Kabaligtaran ng lamig na iniwan ko sa loob.
Huminto ako sa gilid ng kalsada.
Hindi ko alam kung saan pupunta.
Wala naman akong dapat uwian agad.
Wala ring naghihintay sa akin.
At lalong wala akong magandang balitang maibibigay sa sarili ko.
Naupo ako sa isang bakanteng bangko malapit sa waiting shed.
Tahimik akong nakatingin sa mga dumadaang sasakyan.
Habang hawak pa rin ang termination papers.
Hanggang sa hindi ko namalayang tumulo na naman ang mga luha ko.
Sunod-sunod.
Walang hikbi.
Muli akong napayuko.
At doon ko napagtanto ang pinakamasakit sa lahat.
Hindi iyong pagkawala ng trabaho.
Kundi iyong pang-iinsulto ni Marius.
Parang wala akong halaga.
Si Marius Maximus Dela Roca.
May isang empleyadong naglakas-loob tumingin sa kanya sa mata at tanungin siya ng...
"Wala ba kayong puso?"
Napatawa ako nang mahina.
Mapait.
Dahil ngayong iniisip ko...
alam ko na ang sagot.
Wala.
Wala siyang puso.
At kung mayroon man...
sigurado akong hindi iyon para sa mga taong tulad ko.
Hindi ko pa alam...
na iyon ang pinakamalaking pagkakamaling paniniwalaan ko sa buong buhay ko.