Giselle's POV
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAAAAAAYYYY, HAPPY BIRTHDAY GISELLE!"
"BLOW YOUR CANDLE NA BABY." Ani ni mama
"Make a wish first my princess." Ani ni papa
Ito ang aking pang 17th birthday, kumpleto ang aking pamilya at nandito ang aking matalik na kaibigan. Salamat po panginoong diyos at binigyan ninyo ako ng panibagong taon, bigyan nyo pa po ako ng maraming taon.
'Makamit ko ang pagiging doktor.'
Iyan ang aking wish, ang makamit ang pagiging doktor kahit na alam ko marami pa akong lalakbayin.
"Ano nanamang wish mo? Ang pangarap mo nanaman?" Taas kilay na tanong ni Maxine ang aking Bestfriend.
"Hahahaha ano pa ba hihilingin ko?" tumatawang sagot ko sa kanya
"Aba humiling ka naman ng jowa, Sa sunod isipin ko type mo talaga ako!" Pabiro niyang ani.
"Hep-Hep! Kikilatisin ko muna ang mang liligaw sayo, ipakilala mo sakin." Seryosong tugon ni kuya tristan.
"Kuya naman, wala naman po akong manliligaw" nakalabi kong sagot sa kanya
Ganyan ang kuya ko para ko ng papa kunsabagay bunso kasi ako babae pa, Isa sa mga dahilan kung bakit walang nag aatubili na ligawan ako dahil na din sa kanya. Kilala sya sa school palibhasa'y Campus Crush pero hanggang ngayon wala pa rin Girlfriend.
"Kaya nga pag meron na, Ipakilala mo saminng kuya mo ng Maitak ko."Pabirong sabat ni papa.
Nanlaki naman ang mata ko sa gulat ng dahil sa sinabi niya.
O__O
"Hahahahaha!" Tawanan nilang lahat
"Hahahahaha! Hoy tigilan nyo na nga ang unica iha ko, baka hindi na mag boyfriend ang isang yan. Hindi na nya maenjoy ang kanyang teenage life ng dahil sa puro aral niya." Ani mama
"Ang sabihin mo tita, Crush ako ng unica iha niyo. Hahahahaha!" Sagot ni Maxine kay mama.
"Hoy! Maxine babae ang unica iha ko, sya tigilan na natin ito. Nag aantay ang pagkain."
"Mama lead the prayer first."Seryosong tugon ni kuya.
Yan si kuya loko loko pero nasa loob ang diyos.
"Lord God, Heavenly Father, bless us and these Thy gifts which we receive from Thy bountiful goodness, through Jesus Christ, our Lord..." Taimtim na pagdafasal ni mama
"Amen." Sabay sabay naming sabi.
"LET'S EAT!!"Pasigaw na wika ni papa
At nagsimula na kami g kumain ng masaya, Nung matapos namin kumain umuwi na si Maxine. Maaga pa kasi ang pasok namin bukas kaya umakyat nadin ako at advance reading saglet di ko namalayan nakatulog na pala ako.
ZzzzzZzzzzzzzzZzzzz*
~Kring~Kringggggg~Kring~Kringggggg~Kring~Kringggggg~
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko, Bumangon na ako at nagpunta sa banyo, inumpisahan ko ng asikasuhin ang sarili ko ng matapos ay bumaba na ako para mag agahan,Nakita ko naman si Mama at Kuya na nag aalmusal na.
"Nasaan si papa?" Agad na tanong ko.
"Umalis na, hindi kana inantay. Maaga daw sya sa trabaho ngayon." saad ni mama
"Ahh, Good Morning po!"Masayang bati ko
"Mm, Good Morning." Sabay na bati nila mama at kuya.
Kumain na ako at agad na hinanap ang Hot Choco ko nung matapos kong kumain tinignan ko si kuya kung tapos na siya. Nagpipipindot na sya sa cellphone nya at nakangiti pa sino kaya kausap nito? Sinilip ko naman ang celphone nya at di ko naman makita kung sino.
"Kuya! Halika na baka malate tayo. Sino ba iyang kausap mo at nangingiti ka pa dyan?"panggugulo ko sa kanya
"Wala, Halika na." Tugon nito at nagpamauna nakong sumakay sa kotse niya sumunod naman sya at swabeng pinaandar ito.
Pagkarating sa Domuschola International School agad akong nag punta sa room, pang 2 linggo palang ng klase kaya nagkikilanlan palang kami ng mga kaklase ko Grade 11 na ako, kaya naman medyo seryoso na sa buhay yun nga lang walang boyfriend hehe.
Pag karating ko sa room agad akong sinalubong ni Maxine
"Girl, may transferee daw na lalaki. Gwapo daw girllll, kyahhhh!" Kinikilig na sabi ni maxine
"Sino naman daw? Paano mo nasabing gwapo? Nakita mona ba?" Tanong ko sa kanya.
"Easy girl, mamaya tignan natin sa cafeteria okay? For now let's aral aral muna first okay?" Maarteng tugon nito sabay hila sa akin papunta sa upuan ko.
Pagkaupong pagkaupo ko dumating na ang Bio Lec namin.
"Good Morning class!" Panimula ni Miss Ferrer
"Good Morning Miss Ferrer!"
"Okay class! Our lesson for this week is about Biochemistry and the Cell. May I ask you a few questions first. What are genes?"
Nakalahad ang kanang kamay na wika ni mam.
Nang walang mag taas ng kamay tumaas naman ang kilay niya.
"Anyone? Yes Miss Lee."tugon nito nung mag taas ako ng kamay.
"Genes are small units of DNA, which contain instructions for how to make proteins. A chromosome contains many genes Miss."sagot ko.
"Mm, Very Good. Class nilesson na ito nung junior high kayo! What are mutations?" Taas kilay na wika ni miss.
Nagtaas naman ng kamay si maxine.
"Yes, Miss Smith?" Nakangiting tanong ni mam kay maxine.
"Mutations are permanent changes to the DNA. While some mutations cause disease, many other mutations do not impact health Miss." Taas noong sagot ni maxine at natuwa naman ako sa kanya hahahaha.
"Mm,Very good! What is recombination?"
Grabe sunod sunod magtanong si miss walang preno.
Nagtaas naman so Leila ng kamay nya ang pinakamaarte sa klase.
"Yes, Miss Valdez?"
"May I go out Miss?"Maarteng tugon ni Leila.
Tumaas naman ng hard ang kilay ni Miss hahahaha.
"Answer my question first and you will go out."Masungit na ani ni miss.
"Aghhh, I don't know the answer miss. Let me out please my pee is going to out anytime!" Maarte pa ring tugon ni Leila at nag deretso palabas ng room, hindi na nya inantay ang sagot ni miss.
Kaya wala ng nagawa si miss hinayaan nalang nya si Leila.
"Anyone can Answer my easy Question?"
Naiinis na tugon ni miss kaya wala nanaman akongmagawa kundi mag taas ng kamay tinanguan naman niya ako.
"Recombination is an important process that can help repair broken DNA, and help shuffle the DNA when making eggs and sperm Miss." Nahihiyang tugon ko.
"Very Good! Ayan class saksi kayo dadalawa lang ang estudyante ko ha? Kakaumpisa palang ng klase wala na kayong maisagot. Mag advance reading kayo! Dahil mga grade 11 na kayo ayus ayusin nyo na ang buhay nyo lalo na sa college napakahirap doon!" Panenermon ni Miss.
At nag simula na syang mag discuss
~DISCUSS~DISCUSS~DISCUSS~
"Okay class, I've expected you all to advance reading and revier our lessons for today mag papa recitation ako tommorow, understood? Dismiss." Seryosong sagot ni mam at lumabas na.
Dumatin naman ang pre-calculus naming teacher.
"Good Morning class we will be having sa short quiz tommorow so make sure you will listen to me now."nakangiting tugon ni
Mr. Matarlo
~DISCUSS~DISCUSS~DISCUSS~
"Class as I've said we have short quiz tommorow okay? So I expected you all to review our lessons for today. Dismiss!" Nakangiting paalam ni Sir.
Chill lang si sir grabe, di pa dumadating ang sunod naming teacher kaya nag chikahan muna kami ni Maxine.
"Girl grabe sila noh? Buti kamo nag advance reading ako sa bio kagabi."bulong ni maxine
"Karapatan natin mag basa maxine kahit hindi nila sabihin dapat nag babasa tayo."
"Edi kayo na matatalino girl!" Gulat kami sa biglang pag sulpot ni Leila, nakataas na ang kilayniya nagmamaldita nanaman.
"Thankyou! We know right." Nakangiting tugon ni maxine kay Leila nangaasar hahahaha.
"Aghhh you rat! By the way, Hi Giselle can you introduce me to your brother?"nag babait baitang tanong ni leila siguro kung hindi ko kapatid si kuya tristan binully nako nito dahil first day of school binully na talaga niya ako.
"Hmmm, sige." Sagot ko sa kanya.
Nagniningning naman ang mata ni Leila at natawa naman ako.
"Kyaahhh! Are you sure?" Hawak pisngin tugon niya.
"Sige, pagiisipan ko." Pigil tawang wika ko sa kanya.
"Aghhh! You b***h, whatever." Pinaikot nya pa ang mata nya samin bago sya umalis.
"Hahahahahahaha" sabay naming tawa ni maxine.
Ngunit naputol ito ng dumating ang sunod naming lec.
~DISCUSS~DISCUSS~DISCUSS~
"Dismiss!"
Kalalabas palang ni Miss sumunod na pumasok agad ang panibago naming lec.
~DISCUSS~DISCUSS~DISCUSS~
"Okay class you may have you afternoon lunch. See you tommorow."
*Yawn*
"Grabe nakakagutom at nakakaantok mag aral!" Pasigaw kong tugon.
"Girl! Bilisan mo dyan." Wika ni maxin na tinulungan na akong isalansan ang mga gamit ko sa bag.
"Bakit ba madaling madali ka?"tanong ko sa kanya
"Titignan natin yung transferees remember?"nakangiting tugon niya
"Bakit ba? Crush mo ba yun?"tanong ko sa kanya at nagulat naman sya
"Of course not! Kilala mo naman si chito my loves lang ang crush ko tignan lang natin dali!" At walana akong nagawa kundi mag pahila sa kanya pag dating namin sa cafeteria may mga nag bubulungan na.
"Grabe ang pogi nya talaga noh?"
"Ano ba name niya?"
"Grabe kasama sya nila tristan at close na close sila."
"Sino kaya sya?"
"Baka close friends nila."
"Oo alam mo ba kanina pag pasokniya sinalubong agad sya nila tristan."
"Talaga?"
"Oo at sabi sa kanya hoy grabe namiss kita ha. Kinamusta pa nga sya nila nathan at tristan eh."
"Close friend nga nila."
Nagkatinginan naman kami ni Maxine at kinindatan nya naman ako Anong ikinikindat
kindat neting babaeng to?
Nagulat nalang ako ng hilain nya ang kamay ko papunta sa table nila kuya tristan.
"Hello kuya tristan pasabay kami ni giselle." Parang batang pakiusap ni maxine kay kuya tristan nag papacute pa.
Tinignan naman sya ni kuya na tumatawa pati narin nila chito.
"Sure Maxine, Come sit beside me." Ani chito
Gulat na gulat naman ang gaga kaya naka nganga syang umupo sa tabi ni chito. Hahahahaha
O__O - MAXINE
Tinawanan naman sya ni chito sa itsura nya hahaha obvious naman kasing may gusto sya kay chito hahaha nahalata tuloy pati ni chito. Gulat nalang ako ng naglahad si kuya ng kamay sakin tinanggap ko naman iyo at hinila nya ako patabi sa kanya.
"Umorder na si Nathan at Michael susundan kolang para padagdagan. Ano ang gusto nyo giselle at maxine?"
"Chicken halang halang nalang kuya!" Sabay na tugon namin ni maxine.
Natawa naman si kuya sa amin nakatayo na sya ng tignan ko at nag tinignan nya pa ako bago mag punta sa line.
"Ahh c-chito?" Utal na tawag ni maxine kay chito hahahaha
"Bakit max?" Takang tanong ni chito sa kanya
"Hmm, s-sino ba yung b-bago nyong kasama? Narinig kasi namin sa bulungan ng mga students kanina."tanong ni maxine sa kanya
Nagulat kami ng biglan sumulpot si nathan at
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
Sino to bakit ganto puso ko? Sino ka ba?
Tinignan ko sya ay tinititigan ko sya, Ang Gwapo. Matangkad, maputi, singkit, tangos ng ilong at katamtamang labi. Base sa tingin ko medyo may pagka payat sya dahil na rin siguro sa katangkaran nya. At halata sa pananamit nito ang estado ng buhay
"Don't stare at me like that miss." Kaswal na tugon ng lalaking kasama ni nathan
"A-a-ahh! stare your face!" Pataray kong bulong at iniiwas ko ang paningin ko sa kanya grabe sino ba sya pogi nga mayabang naman. Narinig ko naman ang bungisngis nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Gulat ako ng dumating si kuya tristan hawak ang tray na may 4 na kanin at chicken halang halang.
"Woww! Thankyou kuyaa tristan." Tuwang tuwa kong tugon.
"Thankyou kuya tristan!" masayang sigaw ni Maxine.
"Oh Michael, bat nakatayo kapa?" tanong ni kuya sa lalaking masungit ah Michael pala pangalan mong stare ka!
"Ah before I forgot, this is my sister Giselle Lee and this is her bestfriend Maxine Smith and this is My Bestfriend Michael Williams." Nakangiting pag papakilala ni kuya samin.
Kailan pa nag ka bestfriend si kuya, ngayon ko lang to nakilala ah. Atsaka kung bestfriend nya pala bat close nila nathan at chito?
"Hi! Im Michael Williams." Pormal na pakilala nito at inilahad ang kamay kay maxine.
"Maxine Smith, Nice meeting you." Nakangiting tugon dito ni maxine at nakipagkamay sa kanya.
"Nice to meet you too."tugon din nito sa kanya at binitawan ang kamay ni maxine.
Sunod naman syang bumaling sakin.
"So, Hi Giselle, Im Michael nice to meet you." Ngiting ngiting pagpapakilala nya at inilahad naman niya ang kamay nya sakin.
"Nice to meet you too." Nakangiti ring tugon ko at inabot ang kamay nya.
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
Grabe dumadagundong ang puso ko.
Nakangiting nagkamay naman kami. Nagulat nalang ako ng kunin ni kuya ang kamay ko at sinamaan ng tingin si michael.
"Woah! Grabe ka naman Tristan Lee." Natatawang tugon ni michael kay kuya.
"You know your limits mike."Nagbabantang tinig ni kuya.
'Ano ba pinaguusapan nila?'
"Let's eat?" Malambing na tanong ni kuya sakin at tinanguan ko naman ito.
"Lead the prayer Lee."mahinang tugon ni Michael kaya nagkatinginan kami ni kuya atsaka kami tumingin kay michael na nagtatanong dalawa kaming lee dito sino ang tinutukoy niya?
"What? Okay sorry I forgot. Giselle Lee lead the prayer please?" Tugon nito.
Gulat naman akong tumingin sa kanya pero naka recover din agad.
""Lord God, Heavenly Father, bless us and these Thy gifts which we receive from Thy bountiful goodness, through Jesus Christ, our Lord..." taos puso kong pagdadasal.
"Amen." Sabay sabay na sagot namin.
At kumain na inuna ko munang lagyan ng kanin ang plato ko at kukuha na ko ng ulam ng mahawakan kona ang sandok ng gulat akong napatingin sa kamay na nasa taas ng kamay ko atnagkatinginan kami ni michael dahil dun kamay nya kasi ang nasa taas ng kamay ko.
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
What happened to you my heart!!!
"Ahh, sige iba nalang uulamin ko."kaswal na tugon ni michael.
Kumuha naman na akong nang ulam at tahimik na sinimulan ang pagkain.
"After class, san tayo?" tanong ni nathan.
"Malay ko sa inyo, Saan nyo ba gusto?" sagot ni chito.
"We can go to the mall if you want." Nakangiting tugon ni kuya sa mga ito.
anong gagawin nila sa mall? shopping hahahahaha
"What are you smiling at?" Gulat akong napatingin kay michael ng sabihin niya iyo sa mismong harap ko.
"ahh I just remember something." iiling iling na pagpapalusot ko pa at mukhang kumagat naman sa kanya nagtuloy nalang ako sa pagkain habang nakikinig sa mga usapan nila.
"What now guys? What are we going to do in the mall?" Nathan asked.
"Kaklase nyo rin ba si Michael?" Biglang tanong ni Maxine
"Oo, stem din ang kinuha nya. Sayang nga lang ahead kami ng 1 year sa inyo." Nanghihinayang na sagot ni chito.
"What about Arcades?" Kaswal na tanong ni Michael habang kumakain pa rin.
'Bakit na punta sa arcades ang usapan? Hahahaha g**o nila mag si usap bahala sila dyan.'
"Oo, Mag arcades tayo namiss ko rin mag Arcades." Natutuwang sagot ni chito.
"Can we come? Namiss ko rin mag arcades, what do you think girl?" Gulat akong napalingon kay Maxine ng itanong niya iyo ano bang pumapasok sa kukote neto.
"A-ahmm baka kasi may A-assignments tayo." Utal kong sagot, please maxine kumagat ka sakin. Ayoko sumama please lang!!
"Ha? Wala pa naman tayong assignment ah?" Tugon nya na may kadamang kindat pa.
"Ah yeah if ever you don't have homeworks you can come right tristan?" Natutuwang tanong ni michael kay kuya.
"Yeah, right. Don't stress too much yourself bunsoyou must be chilling sometimes." seryosong tugon ni kuya.
"Tapos kana ba kumain?" Tanong ni maxine na tinanguan ko naman.
"Ano pa hinihintay mo? Let's go na, mag papalit pa tayo ng gamit. So guys see ya later!!" Nauna ng lumakad si Maxine gagang to diman lang ako inantay tatayo palang ako eh.
"A-ahh Im hoping to see you later giselle, bye." Kaswal na tugon ni michael ng hindi tumitingin sa akin.
'Anong isasagot ko sa kanya? Paano kung may assignments kami? Bakit ba ako nag woworry ha'
"Ah yeah, pag wala kaming home works, bye." Pilit pag papa kaswal na tugon ko sa kanya.
Masyado syang kaswal kung magtanong.
Naglakad nako pasunod kay Maxine, nasa locker na kami ng mag salita sya.
"Ang gwapo ni michael girl noh?" bulong nya na kinikilig pa.
"Eh a-ano naman kung g-gwapo sya?" Takang tanong ko sa kanya, taka naman syang tumingin sakin.
"Girl, pa speach therapy kana. Nauutal ka pag si Michael ang usapan hahahaha."nanunuksong tugon nito.
"Hoy! ikaw babaita ka wala akong gusto don napaka kaswal non magsalita noh saka di ako magugustuhan non!" Pasegaw kong bulong sa kanya sabay irap ng mata.
Binilisan ko ang pagpapalit ng gamit ko at nauna na ako sakanya papuntang room.
Nanunuksong tingin ang ibinigay sa akin ni Maxine nung makarating sya dito sa eoom sakto naman pag upo nya sa tabi ko eh dumating na ang lecturer namin sa Oral comm. Hayan ng di kana makadaldal hahahaha.
"Good Afternoon class!" Pormal na bati ni miss pippin.
"Gooood Afteenooonnn Misss Pipiiinn!"
Mahabang bati namin hahahaha.
"Okay, class sitdown. Next time that you all will great me can you make it short? Your ah Senior High now, dapat alam nyo na ang tamang pagbati, para kayong mga primary kung bumati." Pormal pero may awtoridad na wika ni miss.
Napatungo naman lahat ng kaklase namin.
"By the way, Im your lecturer for oral communication. Please define communication anyone?" Shkk grabe ang bilis nya mag tanong ha.
Nagtaas naman ng kamay yung kaklase namin.
"Yes Mr.Desalisa?"
.
"Communication is to communicate to other people, So that you two can know how do you do. Communication is have a sender and receiver."
"Hmmm, Good anyone else? Yes Mr. Torres?"
"Communication is the act or process of using words, sounds, signs, or behaviors to express or exchange information or to express your ideas, thoughts, feelings, etc., to someone else. formal a message that is given to someone a letter, telephone call, etc. The ways of sending information to people by using technology Miss." Sagot ni torres
"Hmm, Very good so now we will discuss about communication."
DISCUSS ~ DISCUSS ~ DISCUSS
"So we will be having a 1-10 quiz now."
QUIZ QUIZ QUIZ.
"Okay class, Mag advance reading kayo okay? Dismiss."
Paglabas ni miss syang sunod ng panibago naming lecturer hanggang matapos ang klase.
"Ready kana ba girl? Kyiiieee Ano kayang mangyayari? Na eexcite ako kay chito. " Maihi ihi pang sabi ni maxine.
"Hahahaha ewan ko sayo!" Pataray kong tugon sa kaniya
* Brizzzzkkk Brizzzzkkk Brizzzkkk *
Tinignan ko muna si maxine saka ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko
~ POGI KONG KUYA CALLING ~
"Sino yan?" Maxine asked.
"Si kuya, baka hinahanap na tayo." Walang gana kong tugon.
"Sagutin mo na baka hindi tayo matuloy."
"Hello, bakit ba ang tagal mo sagutin?" Inis na sabi ni kuya.
"Katatapos lang ho kasi ng klase namin, bakit ka napatawag?"
"Nandito na kami sa mall ni Nathan si Michael at chito naiwan antayin daw kayo para may kasabay kayo."
"Nasaan ba sila?" Tanong ko
"Parking lot."
"Paano kami magkikita nyan wala naman kaming contact."
"Andyan naman si Maxine. Sige na papa reserve na kami dito sa steak house."
"Gesi, bye." Paalam ko saka ko binaba ang tawag.
"Anong sabi ni kuya tris?" Chismosa talaga ang maxine
"Can you call chito? He's waiting for us."
"Taray girl, englesh. Okera I will call him po."
Ani maxine at saka nag pipipindot sa cellphone.
Naglakad naman na ko papunta sa locker at kinuha lahat ng mga gamit ko para may reviewers ako pag uwi. Naririnig ko na ang boses ni maxine nakikipag usap pa rin sa cellphone.