Episode 28

1602 Words

Napapansin talaga na parang ang tahimik ng bahay kapag narito kami lahat ng mga anak ko. Tahimik naman talaga kami pero iba ang katahimikan. Alam ko may pinagdadaanan ang kambal at alam ko rin na tungkol ito sa pagkatao nila. Si Camilla ay walang masyadong kibo hindi tulad ng dati na marami siyang kwento tungkol sa mga nanyari sa paaralan nila. Si Cholo ay hindi naman talaga palakibo pero dama ko na may nag-iba rin sa kanya. Wala sila ngayon dahil pinayagan ko silang magsimba kasama ang iba nilang mga kamag-aral. Dala ang plastic ng mga basura ay lumabas ako ng gate para itapon dahil maya-maya ay darating na ang truck na maghahakot nito. “Cherry.” Natigil ang pag-aayos ko ng mga basura ng may tumawag sa aking pangalan. Kahit hindi ako lumingon at kahit ilang taon na ang nakakalipa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD