“Ano ba namang pagkain to? Lasang panis na at may insekto pa!” Agad kong nilapitan ang isang may edad na babae nag complain sa kinain niyang goto. “Ma'am, may problema po ba?” tanong ko ngunit itinapon niya sa akin ang mainit pang pagkain. Mabuti na lang at maliban sa damit ko ay nakasuot ako ng apron. “Nagtatanong ka pang babae ka! Hayan ang goto mo! Ikaw ang kumain habang pinupulot mong lahat!” asik ng babae sa akin. Mukha naman siyang maayos at ito ang unang beses na nakita ko siya dito sa tindahan ko. “Ano ho ba ang problema? Hindi niyo ho ba nagustuhan ang lasa?” magalang ko pa rin na tanong. “Talagang hindi ko nagustuhan! Paano mo naatim na magserved ng panis na pagkain? Lasang-lasa ang panis na ang goto na binigay mo tapos tatanungin mo kung anong problema? Kung sumakit ang ti

