May bagyo kaya hindi ako nakapagtinda. Malakas ang hangin at dalang tubig ulan kaya mas minabuti kong unahin ang mga pangunahing pangangailangan sa bahay dahil hindi ko naman alam kung kailan aalis ang bagyo at kung wala na itong kasunod pa. Pero dahil mas lalong lumalakas ang ulan ay hindi ko maiwasan na kabahan. Luma na ang bahay namin at panay tulo na rin ang bubong. Ginawa ang kalsada at mas mataas na sa lupa kaysa sa bakuran namin. Nag-aalala ako na baka mamaya ay bumaha ng malala at pasukin na ang loob ng bahay. “Mga anak, mas mabuti na ihatid ko muna kayo sa kabilang bahay hanggat may bagyo,” ani ko sa mga anak ko na nasa sala. “Bakit po kami lang, Ma? Bakit hindi kayo kasama?” si Cholo. “Walang tao ang bahay natin, nak. Ihahatid ko kayo sa bahay ng Papa niyo dahil mas matib

