" Argh! Bakit ba ako natakot?! Napaka kapal naman ng mukha ng lalaking iyon! " Talaga namang ramdam ko ang pag init ng buong mukha ko dahil sa inis, mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naiinis din ako sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung bakit nanlalambot ako sa harapan nya--eh pusong lalaki na naman ako?!
Inis na nag marcha ako papunta sa daang tinahak nya kanina.
Ngayon ko lang naramdaman na ang init pala ng suot ko, bakit naman kasing kailangan na laging naka formal attire ang mga Royalty?! Ang aarte! Mayayaman naman sila kaya meron naman sigurong simpleng shirt at jeans diba?
" Oh c'mon Branux, alam mong isa ka sa nakakaalam sa mga bagay na ganito, sa dami ba naman ng mga action at fantasy genre na mga novels ang nabasa mo--Impossibleng hindi mo alam kung ano ang dahilan at palaging naka formal attire ang mga. " Mahinang bulong na pagkausap ko sa sarili.
Nakasimangot akong naglakad palabas ng hardin, hindi ko man lang na enjoy ang kagandahan nito dahil sa nakakainis na lalaking iyon!
Hah! Hindi por'que babae ang katawang toh e babae narin ang ugali't pagiisip ko---dahil lalaki ako! Nabuhay ako ng 19 years bilang isang lalaki! Lalaking mainitin ang ulo, kahit ako hindi ako sigurado kung matitiis ko ba na hindi patulan ang ugali ng Prinsipe'ng iyon!
" Lady Siri! "
" Aria! " Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko sya, ok din pala na may tao kang naaasahan at tutulong sayo. And I'm sure that Lady Siri is glad to have Aria.
She took a deep breathe " I'm sorry! Ang bilis mo po kasing tumakbo at noong susunod na ako sayo papuntang hardin ay nagsi-pasok ang magagandang karwahe sa entrance ng palasyo. " Paliwanag nya na ikinakunot ng noo ko.
" May dumating? "
" Opo! Kakarating lang ng Hari at Reyna at--"
" At? " Salubong na kilay na sabi ko ng huminto sya sa pagsasalita.
Itinapat nya ang hintuturong daliri nya sa bibig nya bilang sign na tumahimik ako. Hindi na sya nagsalita pa at kina usap na lamang ako gamit ang mga mata nya. Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa tapat ng tiyan nya, nanlalaki pa ang mga mata nya habang ngumingiti sa akin.
I mouthed ahh ng makuha ko ang ibig nyang mangyari---gusto nyang gayahin ko sya. Kaya kahit nagaalangan ay ginawa ko rin.
Muli nya akong sinenyasan gamit ang mga mata nya--gusto nyang pumihit ako paharap sa kung saan sya nakaharap, which is sa likod ko. At kahit na nagtataka ay ginawa ko naman ang pinapagawa nya.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang Prinsipe--tsk, may kausap syang lalake na naka formal attire rin katulad nya. Nagalalakad sila papunta sa dereskyong kinaroroonan namin, nasa tapat namin ang main door ng palasyo. Pilit akong ngumiti ng magtama ang paningin namin ng Prinsipe pero walang gana nya lang akong tinignan saka tumingin sa kausap nya.
Hah! Ganon ba talaga ang hindi nya pagkagusto sa akin para tignan nya ako na tila isang walang ka gana-ganang tignan na tao?! May araw karin sa akin! Nakakainis ka Prinsipe Liebe! Mas nakakainis ka pa sa mga housemate ko!
" HAHAHAHA, right?! Napaka engot ng dahilan nya eh halata naman na kasalanan nya! HAHAHAHHAHA. "
Nagsalubong ulit ang dalawa kong kilay dahil sa lakas ng boses at tawa ng kasama ni Prinsipe Liebe, sino naman kaya yan?
Tumatawa parin ito habang naglalakad ngunit napatigil rin ng makita ako. Pilit ulit akong ngumiti at sa pagkakataong ito ay ngumiti ang nginitian ko. Hindi tulad ng isa dyan!
Tuluyan na silang nakalapit sa amin at ganun na lamang ang gulat ko ng walang sabi nitong kinuha nya ang isang kamay ko saka nakangiting hinalikan ang likod nito.
Gusto kong sumigaw at magwala dahil sa nangyari. This is unacceptable! Lalaki ako!---no i mean isip at puso ko--damn it!
" Greetings, Mi Lady ! I'm Prince Michael Ale Tievano Swez Uno Nieve from Nieve Kingdom of North Region. "
Pakilala nya na halos ikasabog ng ulo ko. Michael Ale Tivarro what?!! Ang haba naman!
" Ah..HAHAHA? " Naiilang na tawa ko.
Napansin nya sigurong naguluhan ako sa pangalan nya kaya naman muli syang nagsalita.
" Oh! I apologize, you can call me Matsu! HAHHAHHA my name is so damn short. " Tumatawang sabi nya magpapakilala rim sana ako bilang respeto, ngunit may tao lang talagang galit sa mundo at hinatak na si Prinsipe Matsu papasok ng palasyo.
Ano na naman ba'ng problema non!?
Tsk, hindi man lang ako nakapagpakilala.
" Tara na Aria. "
" A-ah...Opo! "
Tamihik lang kaming naglakad sa hallway, tanging tunog lang ng yapak namin ang naririnig ko at talagang ume-echo pa! Napakalawak kasi ng palasyon , pero halos walang katao tao...Na saan naman kaya ang mga maids?
...
"Ahh! Ang sama talaga ng ugali ng lalakeng iyon!" Nang-gigil na sigaw ko ng maupo ako sa dulo ng kama. Isinara muna ni Aria ang pinto saka pumasok sa walk in closet.
Nanlilisik ang mata sa inis na napatitig ako sa hangin, hindi ko masikmura na makaharap ang lalakeng iyon! Buti nalang at kahit papaano hindi ako kasing sama ng ugali nya hindi ko rin kayang pakasalan yun!--Teka nga?! Makakabalik pa naman ako sa mundo ko bago ung kasal kaya ok lang naman siguro na hindi ko na isipin at problemahin pa ang relasyon namin--nila ni Lady Siri.
" Lady Siri. " Nabaling ang atensyon ko kay Aria, may hawak syang Dress na spaghetti strap---Kanino ko nalaman ang tawag doon? Tsk, edi kay Anna!
Rinig na rinig ko kasi ang boses nya sa tuwing sisigaw sigaw sya kung ano ba ang susuotin nya, magkatabi kasi ang kwarto namin at manipis lang ang pader na pagitan. Sisigaw sigaw muna sya bago lalabas ng kwarto para bulabugin ako! Tatanungin kung anong mas maganda-- etoh ba oh etoh. Ginawa pa akong bading!
Napaigtad ako ng makita ang mukha ni Aria na ilang inches nalang ang layo sa mukha ko, mukhang napansin nya ang pagkatulala ko.
" A-ah, akin na. " Sabi ko saka kinuha ang dress na hawak nya. Pumasok ako sa loob ng walk in closet na kasing lawak at laki ng kwarto ko sa mundo ko.
Pareha nga kami ng pangalan pero magka-ibang tao talaga kami. Halatang alagang alaga sya sa katawan--which is natural lang naman dahil sa babae sya. Malambot ang balat at ang mahabang buhok nya.
Inilapit ko ang mukha ko sa salamin, walang eyebugs, dark circles at pimples! Mapula at malambot na labi, kulay light brown ang bilugang mga mata atsaka manipis ngunit mahahabang pilik mata.
" Ah ahhh~ " Malambot at mahinhin na boses---tsk! Never kong ma aachive ang ganitong klase ng katawan if ever na babae ako sa mundo ko.
Ilang sandali pa akong nakatitig lang sa katawan ni Lady Siriarty bago ko tulayang hinubad ang mga suot ko maliban sa undergarments.
Halos mapaso ang kamay ko ng hawakan ko ang pisngi ko, talagang naginit ang buong mukha ko!
Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan at sitwasyon ako unang makakakita ng halos hubad na katawan babae!
Pilit ko ding tinignan ang katawan sa salamin. S-sexy! Katamtamang dibdib, thick legs, collar bone, makinis na balat.
" Ang katawan ng ideal girlfriend ko. "
Bakit naman kasi sa katawang ng babae pa ako napunta? Pwede namang sa katawan ng lalaki nalang, kahit hindi na maharlika atleast lalaki! Pero ano pa nga ba'ng magagawa ko? Eh nangyare na.
I sighed saka isinuot ang spaghetti strap na dress. Hanggang taas tuhod ang haba nito at hindi balot masyado ang ibang parte ng katawan ko kaya naman nabawasan ang init na nararamdam ko.
Nakangiti akong lumabas ng pinto, ngunit agad ding nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang lalaking naka crossed arm na nakatayo at nakasandal sa pader na malapit sa pinto. Malamig ang mga titig nito na pinaresan ng kulay abo at magulo nyang buhok.
Agad na naginit ang ulo ko ng mag salubong ang paningin namin.
" At anong ginagawa nyan dito Aria?! "
Malakas na sigaw ko para ipakitang galit ako sa kanya at ayaw ko sya! Malay natin ipatigil nya ang kasal.
" As if I wanted to be here too. " Malamig na sabi ng Prinsipeng walang ganang tinitignan ang kabuuan ko.
Tumingin ako sa antique na orasan, it's 12 noon.
Salubong ang kilay na tinignan ko sya.
" Then what are yah doing here? Alam mo ba na naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo? Napaka sama ng ugali mo---"
" Are you done talking? "
" Tanga ka ba?! Alam mo naman na nagsasalita pa ako pero nagsalita ka! Kaya malamang ay hindi pa ako tapos--- "
" Hindi ko ginustong makita rin ang pagmumukha mo. I'm only here 'coz the Queen ordered me to tell you, that there's a dinner banquet at the castle later. I'm also here to tell you, that you should keep that bullsh*t mouth of yours closed and use that airhead of yours if one of them ask you a question. Don't you dare to embarrass me infront of the guests. "
Hindi na ako nakasagot pa, nakamaang ko na lamang syang pinagmasdan na lumabas ng kwarto. I dont what to say this, but he's obviously looking down on me---I mean Lady Siri. Ano ba kasi ang nangyari at ganoon nalang kalaki ang galit nya? Well yeah, maaari ngang galit sya dahil ayaw nyang ikasal at matali sa iisang babae---but bruh. Are'nt Kings have the right to have a concubine to satisfy their desires? Pwede nya namang gawin yun diba? Nakakainis sya!
" Argh! Narinig mo ang mga sinabi nya Aria?! Ano ba ang ginawa ko at ganun nalang kung magalit sa akin iyon? " Pilit kalmadong sabi ko, well hindi ko rin alam kung bakit nagagalit ako eh hindi ko naman talaga katauhan ito. Pero nakakainis parin!
Hindi sumagot si Aria. Lumabas lang sya ng pinto ng walang sinasabi ngunit hinayaan ko na lang sya. Nabigla siguro sya, pero ilang minuto pa man din ang nakalipas ay muli syang pumasok ng kwarto, may dala syang kumikintab na tray na may lamang...Tea and cookies?
Tumayo ako at sumunod sa kanya, inilapag nya ito sa maliit ngunit mamahaling lamesa, what do I expect?
" Pag-pasensyahan mo nalang po ang Prinsipe, Lady Siri. " Sabi nya saka ako inabutan ng tsaa.
" Pero hindi ko kasi gusto ang paraan ng pagtrato nya sa akin. " Pagmamatigas ko.
She sighed. " Makakahalata sya kapag nagpatuloy ka sa inaakto mo. Ano kasi...Uhm, you're supposed to be shy and afraid infront of him, but because of your memory lost ay nagkaganyan ka...Baka makahalata sya kapag..." Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi nya.
" Makakahalata sya kapag nagpatuloy ka sa inaakto mo. Ano kasi...Uhm, you're supposed to be shy and afraid infront of him, but because of your memory lost ay nagkaganyan ka...Baka makahalata sya kapag..."
" Makakahalata sya kapag nagpatuloy ka sa inaakto mo. Ano kasi...Uhm, you're supposed to be shy and afraid infront of him, but because of your memory lost ay nagkaganyan ka...Baka makahalata sya kapag..."
" Makakahalata sya kapag nagpatuloy ka sa inaakto mo. Ano kasi...Uhm, you're supposed to be shy and afraid infront of him, but because of your memory lost ay nagkaganyan ka...Baka makahalata sya kapag..."
Nagmistulang sirang plaka na umulit ulit sa utak ko ang mga sinabi nya. Tila magising ako sa katotohanan! Ang tanga tanga ko! Umakto na naman ako ng naaayon sa gusto ko! Nakalimutan kong may sekreto nga pala ako!
" Lady Siri! "
" Uh- huh? " Takang tanong ko.
" Limang beses na po kitang tinawag pero mukhang malalim ang iniisip mo at hindi mo na narinig ang iba ko pang sinabi? " Nag aalalang sabi nya.
" Kinakabahan kasi ako...Hindi ko alam ang gagawin ko mamaya. " Pagdadahilan ko.
" Wala ako mamaya para tabihan ka, but please, just be your self! Sarili mo lang ang makakatulong sayo sa sitwasyon na kakaharapin mo mamaya, pero pilitin mong kumalma ok? " Nakangiting sabi nya.
Kumunot ang noo ko. " Why? Saan ka pupunta? "
" Ah--maid is not allowed to be there Lady Siri. I think it's a dinner for Royalties---only, dahil sa Rostial Castle gaganapin. And I'm sure na andoon si Lord Brion kaya siguro akong na magiging ok ka. "
" Lord Brion? Her---my brother? "
Tumango naman sya na mas lalong ikinakaba ko , hindi ko alam kung kakayanin ko bang makipagusap ng normal sa kanila. Baka lamunin ako ng takot at kaba!
" Edi hindi lang pala talaga ang Hari, Reyna at Prinsipe ang makakasama ko? "
" Opo, kung family dinner lang kasi ay dito lang sa Palasyo gaganapin, pero dahil sa Rostial Castle ang venue ay sigurado ako na may meeting na mangyayare sa pagitan ng 3 kaharian. " Paliwanag nya na tinanguan ko nalang.
" Wag kang mag alala! Bago tayo dumeresto sa Rostial Castle ay igagala muna kita sa Royal Capital Lady Siri. " Nakangiti at tila excited na sabi nya.
" Royal Capital? "
" Opo! Nasa loob iyon ng pader ng Rostial Castle iyon ang lugar kung saan nakatira ang mga nobles ng Rostial Kingdom. "
Tumango at bago muling nagtanong. " Wala ba tayo sa loob ng pader ng Rostial Castle? "
" Opo, nasa labas tayo ng sakop kastilyo, gusto kasi ng Prinsipe na nakahiwalay ang Palasyo sa Kastilyo. "
Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko, kaya naman hindi na ako nagtanong pa. Ibang bagay na lamang ang pinagusap namin, tulad ng mga hilig gawin ni Lady Siri...Mga hilig nyang gawin na kasalungat ng mga hilig kong gawin. I'm seriously f*cked up.
.
.
.
" AHHHH! Bakit naman kasi hindi mo ako ginising?! " Naiiritang tanong ko kay Aria.
" Eh k-kasi po ang himbing ng tulog mo, at kakabalik ko lang din po para bilhin ang mga uri ng kasuotan na sinabi mo na nais mong suotin kanina. " Naiiyak na paliwanang nya.
Kinuha ko na
Hindi na ko sumagot pa at naupo nalang sa dulo ng kama para suotin ang leather boots na white---yes,black and white ang tema ko...and yes, hindi formal ang attire ko.
" Suklayan mo na lang ang buhok ko para mabilis. " Sabi ko na sinang-ayunan nya naman.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin kami kaya naman tumayo ako at inayos ang black highwaist jeans na suot ko na pinaresan ko ng white sando, ito ang mga pinabili ko kay Aria. At talaga namang comfortable dahil sa mamahaling tela ang ginamit!
" Ilang minuto na akong late? " Tanong ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
" T-thirty minutes, Lady Siri. "
Hindi na ako magtataka kung umuusok na ang ilong ni Prince Liebe dahil sa galit. HAHAHAH
Sumakay na kami karwahe. Napatingin ako sa black coat na hawak ni Aria. Mahaba iyon kaya naman bagay sa sando at jeans.
Woah...Hindi ko alam na may sense of fashion pala ako. Thanks to Anna--nagkaroon din ng kwenta ang isa sa pangungulit nya.
Halos twenty minutes din ang byahe namin, hindi ko na nagawang tumingin pa sa labas ng bintana dahil kinakabahan ako.
" A-Aria..." Nanginginig ang labi na tawag ko sa pangalan nya ng bumaba na kami.
" Napaka ganda nyo po talaga! Natural na natural ang ganda byo Lady Siri. " Nakangiting sabi nya para palakasin ang loob ko.
Bilang isang lalaki na mainitin ang ulo at may problema sa pakikihalubilo sa mga tao ay talaga namang kinakabahan ako! Sobra!!!
Tumango nalang ako saka nya naman ipinatong sa magkabilaang balikat ko ang coat. Hindi ko na nagawang igala pa ang paningin ko sa loob ng kastilyo. Deretso lang ang tingin ko sa likod ng mga guard na ngayon ay iginagaya ako papunta sa kung nasaan ang iba. Wala na rin sa likod ko si Aria dahil naiwan sya sa kung hanggang saan lamang ang limit ng mga Maid na tulad nya.
May mga hadgan kaming inakyat kaya naman masasabi kong sa rooftop? Rooftop pa ba ang tawag kung sa taas ng kastilyo? HAHAHAH
Rinig na rinig ko ang tunog ng bawat pintig ng puso ko. Nasa harap ko na ang isang malaking pinto na nakabukas ang kalahati.
May lalaking nakaabang doon atsaka ngumiti ng makita ako.
" Lady Siriarty Brianna Avierra has arrived. " Malakas na sabi ng lalaki bago binuksang tuluyan ang buong pinto.
Napalunok ako saka inilibot ang paningin ko. Mayroong mahabang lamesa, maraming pagkain.
Tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko dahil ng dumako ang paningin ko sa mga nakaupo, ay ang malamig at kulay asul nyang mga mata ang sumalubong sa paningin ko.