" Kailangan na po nating ayusin ang buhok mo Lady Siri. " Sabi ng babae na kakapasok lang ng kwartong kinaroroonan ko, which is kwarto ng katawan na ngayon ay katawan ko. Yes I know, ang gulo ko.
Walang salita na lumalabas sa bibig ko, tahimik lang ako habang nakatingin sa malaking salamin na nasa harap ko, nakaupo ako sa halatang mamahalin na upuan habang inaayos ng babae ang buhok ko.
Kailangan kong malaman kung sino ang mga tao na malapit sa Lady Siri na may ari ng katawan na ito, pati narin ang mga nakatakdang mangyayari sa buhay ng babaeng ito tulad nalang ng kasal.
Kailangan kong magimbistiga kung anong nangyare at kailangan nyang magpakasal sa prinsipe na halatang may galit naman sa kanya. I need to know how she end up on this situation, I need to know every detail na may kinalaman sa buhay ni Lady Siriarty na kapangalan ko pa talaga.
Ang malaking problema ko ay hindi ko alam kung paano magsalita at gumalaw si Lady Siriarty, tiyak na malalaman ang pagpapanggap ko kung lalabas ako ng kwarto at umakto sa paraan na gusto ko, hindi ko rin kilala kung sino ang mga taong malapit sa kanya, kaya masasabi ko na mahirap talaga ang sitwasyon na kinakaharap ko ngayon.
Napabuga na lamang ako ng hininga dahil sa mga inisip ko, napagbigyan nga akong mabuhay ulit pero nasa delikadong posisyon naman ako. This is not the rebirth or reincarnation that I've always longing for.
Lalaki ako sa mundong pinanggalingan ko--well as I can see, nasa parallel world ako o kabaliktarang mundo kaya naman babae ako-- at talagang nakatakda pang ikasal sa isang prinsipe na galit sa akin.
F*ck, where the hell should I start?
Hmm let's see, I think I should start practicing on how to act like a woman first. But how the f*ck? I'm a fan of action comics not romance.
" Uhm...Lady Siri? " Napukaw ng babae ang atensyon ko, ramdam ko sa boses nya na nahihiya sya kaya naman ngumiti ako habang tinitignan ang repleksyon nya sa salamin.
" Yes? "
" Galit ka po ba sa akin? May nagawa po ba akong kasalanan? H-hindi nyo po kasi ako kinakausap tulad ng p-palagi mong gi-ginagawa. "
Woah...What a nice timing!
Hinawakan ko ang nuo ko saka umarte na sumasakit ang ulo ko.
" No...wait--hindi ako galit...I...Actually, may nangyare ba bago ako mawalan ng malay? " Kinakabahan ngunit normal kong tanong sa kanya.
Nahinto sya sa pagaayos ng buhok ko bago nag salita.
" Nahulog po kayo mula sa mataas na puno...Lady Siri. "
Napayuko ako at malawak na ngumiti, this is good! I now have a reason.
"So that's why... " May kahinaang sabi ko.
" Po? "
" I... Wala akong maalala, I also can't remember who am I. " Kunwari ay malungkot kong sabi.
Damn! Buti nalang ay kasama ako sa theater club nuong nasa 11th grade ako!
Napatakip ito sa bibig nya, kitang kita ko ang gulat at pagaalala na bumalatay sa mukha nya.
" Kaya po pala iba ang inaakto nyo! Hala, paano na ito! Siguradong magiinit ang ulo ng prinsipe kapag--- "
Hinawakan ko ang kamay nya dahilab para kumalma sya.
I smiled bitterly. " Sigurado akong babalik rin ang mga ala-ala ko... I just, I just need to know who am I and the situation that I'm in. Hindi mo rin kailangang sabihin pa sa Prinsipe ang tungkol sa kondisyon ko.
I...I want you to help me so I can put my act and be my old self again. "
Kita ko ang pagaalala sa mukha nya.
She sighed saka inalalayan akong tumayo, tapos nya na ring ayusin ang buhok ko, naka braid ang taas na parte habang nakalugay naman ang ibaba.
She smiled at me. " Upo tayo doon sa sofa, Lady Siri. " Suhesiyon nya na sinangayunan ko naman. Komportable akong nakakalakad ngayon dahil sa simpleng dress lang ang suot ko--I think night dress kung tawagin ng mga babae.
Nakaupo na kami ngayon sa sofa magkaharap kami at nasa tabi ko sya.
Hindi man sanay ngunit hawak ko ang kamay nya habang nakaupo na nakasarado ang dalawang binti. Ang hirap maging babae!
" Ako po si Aria, ako ang personal na taga-pagsilbi nyo, mula pagkabata ay magkakilala na tayo dahil galing din ako sa Vanarva Kingdom kung saan nakatayo ang Avierra Palace, Which is tahanan nyo Lady Siri. "
" Masasabi ko pong magkababata tayo dahil bata palang ay pinagsisilbihan na kita, alam at saksi din po ako sa mga pagsubok na pinagdaanan mo bilang bunso at nagiisang anak na babae ng Duke at Duchess, kaya tiyak akong malaki ang maitutulong ko sa inyo ngayon. "
Malawak na ngiti ang lumitaw sa labi ko, kahit papano ay hindi na talaga ako maghihirap sa pagkalap mg impormasyon.Thank God!
" Salamat naman! Can you please tell me about my self hanggang sa kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito? "
" Oo naman po! " Masiglang sagot nya habang malawak na nakangiti.
" Ang buong pangalan mo ay Siriarty Briana ng Avierra Palace, you're 19 years old at magkaedad po tayo. Ikaw ang bunso sa tatlong anak nina Duke Bravor at Duchess Silvannia ng Avierra Family, lalaki ang mga nakatatandang kapatid mo. Si Sevirian Avierra ang unang lalaki at panganay na kapatid mo, he's 25 year's old with a title of Marquess or ang Heir ng pamilya nyo.Then your second brother is Lord Brion Avierra he's 22 years old. "
" Sa ngayon ay umaalis ng palasyo ang Marquess, tanging si Lord Brion lamang ang naiwan na kasama ng Duke at Duchess dahil sa halos lahat din ng royal guards at dinala ng Marquess sa pupuntahan nito. Hindi ko alam ang ibang detalye dahil halos 2 months na rin mula ng umalis tayo sa Vanarva Kingdom. Btw, ang Vanarva kingdom ay nasa matatagpuan sa West Region. "
" Paano tayo napunta dito? I mean bakit ikakasal ako sa prinsipe na halatang may galit sa akin? " Curious na tanong ko.
" Sa pagkakaalam ko ay ang Hari ang pumili sayo, Lady Siri. Nalaman kasi ng hari na nakikipag make-out lang ang prinsipe sa kung sino sinong babae, matanda at nanghihina narin ang Hari kaya napagdesisyonan nilang dalawa ng Reyna na hanapan na ng mapapangasawa ang Prinsipe. "
Halos manlaki ang mata ko sa nalaman.
" So ibig mong sabihin ay namili lang sila ng mapapangasawa ng prinsipe galing sa iba't ibang kaharian? "
Bahagya syang natawa saka tumango.
" Opo, ganun dapat ang mangyayare, pero naalala ka ng Reyna. "
Kumunot ang nuo ko at akmang magtatanong na ng ituloy nya ang pagpapaliwanag.
" Narinig ko na matalik na magkaibigan daw si Duchess Silvania at ang Reyna ng Rostial Kingdom. Kung nasaan tayo ngayon, hindi ko man maalala pero mukhang nagkita na kayo dati ng prinsipe at nagkaroon na ng lihim na kasunduan ang dalawa, ngayon ay bumisa ang kasunduan pero pinalabas ng Hari at Reyna na pinili ka nila dahil sa ikaw mo ang sinang-ayunan na ginawa nila"
Halos malaglag ang panga ko after kong marinig ang salitang raffle...Woah...Just woah! Uso pala ang raffle dito?!
Kaya naman pala ganoon nalang ang galit ng Prinsipe kay Lady Siri, eh mahilig naman palang mambabae! Ayaw sigurong makadena sa iisang babae.
" Kailan ang kasal? "
" Wala pang nakatakdang date ngunit 1 linggo matapos raw bumagsak ng nyebe."
" Nyebe? As in Snow? " Nanlaki ang mga mata ko ng tumango sya. Sh*t ! May snow! Haha! Makakaranas ako ng snow!
" Anong season ba ngayon? " Nakangiting tanong ko.
" Spring season po, Lady Siri. "
I nodded.
" Ilang season ang mayroon dito? "
" 4 season po, Spring, Summer, Fall and Winter. "
Muli akong tumango, may halos isang taon pa bago mangyare ang kasalan.
Mahabang pagtitis pa ang gagawin ko.
Pero bakit naman sa Winter Season nakatakda ang kasal? Hindi ba mas maganda kung Summer or Spring? but no! Tama na rin na sa Winter...Makakapaghanda pa ako.
Halos apat na oras kaming magkausap ni Aria marami syang sinabi at pinaliwanag kaya naman marami rami narin ang nalalaman ko. Kilala ko na rin ang iba sa mga taong may papel sa buhay ni Lady Siri.
Pasalampak akong nahiga sa kama, nakinig lang ako pero napagod ako, paano ba kaya si Aria na halos limang oras na nagsasalita?
May mga bago din akong nalaman at mas naintindihan
Ang Kingdom ay isang bansa na pinamumunuan ng Hari at Reyna.
Ang Castle naman ay mga istablisimentong nakatayo sa loob ng matataas at malalawak na pader.
Habang ang Palace naman ay ang tirahan ng mga namumuno ng Kaharian.
So sa ngayon ay nasa loob ako ng Tiar Palace, ang tirahan ng Hari, Reyna at Prinsipe ng Rostial Kingdom.
Base sa sinabi ni Aria nakatira daw si Lady Siri sa Avierra Palace, so ibig sabihin ay ang Duke at Duchess ang namumuno ng Vanarva Kingdom which is mga magulang ko--ni Lady Siri...Pero bakit Duke at Duchess lang ang title nila kung sila naman ang namumuno sa Vanarva Kingdom?
Hindi ba dapat King and Queen?
Napabuntong hininga na lamang ako saka ipinikit ang mga mata ko...Napagusapan namin ni Aria na igagala nya ako sa buong palasyo.
So I need to gain lots of energy, para makatagal ako.
...
Tulad nga ng napagusapan namin ay narito na kami aa labas, simpleng turtle neck na dress lang ang suot ko. Hindi ko kayang magsuot ng ilang mga sapaw ng kung ano ano noh! Napakainit!
" Ayun ang garden. " Turo nya sa nasa harap namin, malayo palang ay kitang kita ko na ang iba ibang kulay at magagandang bulaklak. Ngunit naagaw ng isang malaking puno ng cherry blossom and atensyon ko.
" Aria! Doon tayo! " Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya, dali dali akong tumakbo papasok na garden-- habang nakatingin parin sa malaking puno ng cherry blossom o Sakura kung tawagin ng mga Japanese sa mundong pinanggalingan ko.
Tuluyan na akong nakalapit dito, talagang napakalaki nito. At napakaganda!
Kitang kita na Spring season talaga dahil sa bago ang mga halaman nito.
Umakyat ako sa simentong nakapalibot dito saka tumapak sa lupa para lapitan at hawak ang katawan nito.
This one of the most beautiful living thing that I have ever seen in my life!
Dati ay nakikita ko lamang ito sa isa sa mga comics o manga na binabasa ko, pero ngayon ay nasa harap ko na ito.
Lumakad ako papunta sa kabilang bahagi ng puno pero halos naistatwa ang buong katawan ko ng makita kung sino ang nasa likod nito.
It's the Prince... At may kahalikan syang babae!
Tahimik akong bumaba at mabilis na tumakbo palayo sa puno, hindi pa ako handang harapin ang prinsipe! At isa pa--- hindi kaaya-aya ang mga nakita ko!
Sandali akong huminto dahil sa hindi ko na alam ang daan palabas. Sa puno kasi nakatuon ang atensyon ko kanina kaya nagawa kong makalapit dito.
I took a deep breathe saka akmang tatakbo ulit ng mabunggo ako sa isang pader--no! Sa isang katawan.
Ramdam ko ang paglakas ng t***k ng puso ko, pamilyar sa akin ang amoy nito...Dahil naamoy ko na ito kahapon!
Wtf Siriarty Branux, kumalma ka! Lalaki ka diba?!
Nakayuko akong lumakad paatras para lumayo sa kanya.
" S-sorry. " Kinakabahang sambit ko habang nakayuko parin.
" What did you see? "
Unti unti kong inangat ang ulo ko ngunit sa ibang dereksyon parin nakatingin.
" Puno..." Sagot ko na ikinahakbang nya palapit sa akin.
Hinawakan nya ang baba ko saka iniangat dahilan para magkatitigan kami.
His cold deep blue eyes welcomed me.
"I have sharp folding knife here, and it really love to cut a liar's tongue, wanna try it? " Malamig na sambit nya dahilan para mapalunok ako.
" Ikaw...I saw you kissing...S-someone! "
Pahagis nyang binitawan ang baba ko dahilan para magalaw ako sa kinatatayuan ko.
" Don't you dare to tell the King about it..I'll hunt and kill you my self if you do. "
Tanging ang likod nya nalang at ang itim na kapa na suot nya ang nakita ko.
He's the soon to be husband of Siri.
The Crowned Prince, Prince Liebe Xion Rostial.
Makakatagal ba ako sayo? Oh the heck Am I asking, I'll make sure to leave this place as soon as I can.