Chapter 1

3065 Words
marjhshsdo Bayani's POV Kamusta? Ang pangalan ko ay Bayani. Bayani ang ipinangalan sa akin dahil sa kanilang paniniwalang ako ang makakaligtas sa aming bansa kapag kami ay nagkaroon ng sakuna. Ako ay nakatira sa isang bansang napaka tahimik, walang away, lahat nagbibigayan, walang labanan, at ang lahat ng tao ay mabait at mapagbigay. Ang bansang ito ay ang Friedlich. Dito sa Friedlich, halos lahat ng tao ay mayaman sa pagmamahalan at lahat ay hindi maghihirap. Ang aking ama ay namumuno o Hari sa bansang ito.  "Mahal na hari mayroon po kaming handog na mga ginto para sa inyo." ani ng namumuno sa minahan. "Ipamigay ang mga iyan sa mga nangangailangan, ngayon na!" utos ng aking ama sa kaniyang mga kawal. Agad na tumayo at binuhat ng mga kawal ang mga ginto upang ibigay sa mga tao. Sila ay naghanda na at umalis sa pamamagitan ng mga kabayo. Nang sila ay nakaalis, lumapit ako sa ama ko habang nakangiti. "Ama, gusto ko ring matulungan ang mga nangangailangan." natutuwang sabi ko. "Kapag ang bansa natin ay nagkaroon ng suliranin, alam kong ikaw ang makakalutas nito mahal kong anak." saad ng aking ama habang tinatapik ang aking braso. Ngumiti lang ako kay ama at umupo na sa aking trono.  Maya-maya, naisipan kong makipaglaro sa mga bata sa labas. "Ama, maaari po ba akong humayo't makipaglaro sa mga bata sa labas ng palasyo?" tanong ko. "Maaari, mag-ingat ka lamang anak ko." sagot ni ama at lumabas na ako. "Mahal na prinsipe!" tawag sa akin ng isang batang lalaki. Ang batang lalaking iyon ay ang aking matalik na kaibigan na si Ernesto. "Kamusta aking kaibigan?" nagagalak na tanong ko sa kaniya. "Mabuti! Napaka saya ko at maaari akong makipaglaro sa iyo ngayon." masayang sagot niya at kami ay nagtawanan. "Mayroon pala akong ipapakilala sa iyo." dagdag pa niya. "Sino naman?" nagtatakang tanong ko. Hinila niya ako dahilan para ako ay maguluhan at magulat. Nang makarating kami sa isang batang babae, si Ernesto ay huminto. "Ito nga pala si Haraya, prinsipe Bayani." pagpapakilala niya sa babae. Ngumiti siya at inabot ang kaniyang kamay upang makipagkamay. Inabot ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kaniya. "Kamusta ka prinsipe Bayani?" tanong niya sa akin. "Mabuti naman, ikaw ba?" sagot ko. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.  Habang naglalaro kami, biglang nagyaya si Ernesto na kami ay maglakad-lakad. "Bayani, maaari ka bang sumama sa amin? Kami ay maglakad-lakad." pagyaya ni Ernesto. "Oo naman, pero kailangang samahan tayo ng dalawa naming kawal." sagot ko. Kinayawan ko ang dalawang kawal na nakabantay sa akin at yumuko sila bilang sagot. Nagsimula na kaming maglakad.  "Dadaan ang mahal na prinsipe!" sigaw ng isang mamamayan. Lahat ay tumigil sa kanilang ginagawa at nagbigay ng daan sa akin. Nakayuko sila bilang galang sa akin. "Mahal kong mga mamamayan, tayo ay pantay-pantay lang at hindi niyo ako puriin o sambahin dahil ako ay simpleng tao lang din." malakas na sabi ko. Agad silang umayos at bumalik sa ginagawa nila habang kami ay nagpatuloy na sa paglalakad. "Bakit hindi mo sila hinayaang nakayuko lang at nagbibigay galang sa iyo?" nagtatakang tanong ni Haraya. Nginitian ko sita bago sumagot, "Ako ay simpleng bata lang at wala akong gusto kundi ang mapayapa na buhay. Hindi ba't ganoon din ang gusto ng ating mga mamamayan? Doon natin masasabing ako ay inyong kapantay, tayo ay pantay-pantay." sagot ko. Ngumiti lang si Haraya at hindi na umimik pa.  "Prinsipe Bayani!" tawag sa akin ng isang istranghero. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay dahilan para ang mga kawal ay mag handa. "Ang kamay na ito ang magliligtas sa ating bansa pag dating ng panahon." saad ng istranghero habang seryosong nakatingin sa aking mga palad. "Paano niyo po nasabi?" tanong ko. "Napanaginipan ko, hindi maliwanag ang aking panaginip ngunit alam kong ikaw ang nag sagip sa ating bansa." sagot niya. Tinulak ng mga kawal ang istranghero at hinarangan ako mula sa kaniya. "Gusto ko siyang makausap sa palasyo." utos ko sa mga kawal. s*******n nila itong hinila kaya ako ay nagalit. "Sasama siya nang maayos! Hindi naman niya ako sinaktan." galit na sabi ko. Tumango ang mga kawal at binitawan ang istranghero.  Nang kami ay makarating sa palasyo, dali-dali akong pumunta sa aking ama. "Ama! Mayroon pong istranghero na tila ay nahulaan ang mangyayari sa ating bansa." saad ko habang papalapit sa aking ama. "Dalhin siya sa akin" utos niya at pumasok ang istranghero. "Ipahayag mo ang nahulaan mo" utos pa ng aking ama. "Mahal na Hari, napanaginipan ko po ito. Lahat ng tao ay nagpapatayan, naging magulo ang ating bayan!" kwento niya. Lahat ng nasa palasyo ay nagulat. "Mahal na Hari tanging ang prinsipe ang nakaligtas sa ating lahat at wala nang iba pa!" sigaw niya. "Alam mo ba ang dahilan ng p*****n?" tanong ng aking ama. "Hindi po, mahal na Hari." sagor ng istranghero habang nakayuko. "Kung ganoon, kung mapanaginipan mo pa ang mga susunod na mangyayari inaasahan kong pumunta ka dito sa aming palasyo." ani ng aking ama at lumabas na ng palasyo ang istranghero. Naging usap-usapan ang kwento ng istranghero na iyon sa buong bansa, mayroon pang mga diyaryo tungkol dito. "Mahal kong anak" tawag sa akin ng aking ama. "Bakit po ama?" tanong ko. "Ilang taon na lang at kakailanganin ko nang ibigay sa iyo ang trono't korona ko." sagot niya. "Matagal pa po iyong aking ama." sabi ko. "Tumatanda na ako, anak ko" nalulungkot na sabi niya. "Magaling po kayong Hari at mamumuno, mahal na mahal kita ama " nakangiting sabi ko. Nginitian ako ni ama at ako'y niyakap. "O siya, pumunta ka na sa iyong kwarto at ikaw ay matulog na." utos ng aking ama. "Matulog kayo nang mahimbing ama." paalam ko sa kaniya bago pumunta sa sarili kong kwarto.  Kinabukasan, ako ay nagulat dahil walang gintong dumating. "Ama, bakit po walang ginto ngayon?" nagtatakang tanong ko. "Hindi ko alam anak, baka nagmimina pa lang sila ngayon." sagot ng aking ama. Tumango na ako at hindi na nagtanong muli. Maya-maya pa ay tinawag na kami upang kumain ng umagahan. "Mahal na hari at mahal na prinsipe, nakahanda na po ang hapag-kainan upang kayo ay mag agahan." tawag ng aming taga-luto. Nagtungo na kami sa hapagkainan at lahat kami ay kumain na.  Habang kami ay kumakain, ang istranghero kahapon ay dumating. "Mahal na Hari may napanaginipan pi ako kagabi!" natatakot na sabi nito. Lahat kami ay napatigil sa pag kain. "Mahal na Hari kayo raw po ay mamamatay." dagdag pa ng istranghero dahila upang lahat kami ay magulat. "Ano?!" gulat na sigaw ng aking ama. "Mga kawal simula ngayon mas higpitan ninyo ang pagbabantay!" utos niya sa mga kawal. "Ituloy mo ang kwento pagkatapos naming kumain." utos niya naman sa istranghero. Lumabas na sa kusina ang istranghero at naghintay sa labas. Nang kami ay natapos, umupo na kami sa trono at kinuwento na ng istranghero ang nangyari sa kaniyang panaginip. "Hindi ko po alam ang petsa, maha na Hari ngunit mayroong susugod sa inyong palasyo at kayo at gigitilan ng buhay." kwento ng istranghero. Lahat ay nagulat at natakot, lalo na ang aking ama. "Ano bang pangalan mo, ginoo?" tanong ni ama sa istranghero. "Ang pangalan ko po ay Juan." sagot ng istranghero. "Kung maaari ay dito ka muna mag tigil Juan." yaya ni ama sa kaniya. "Hindi po maaari, mayroon po akong trabaho at pamilya." sagot ni Juan.  Nag-isip si ama ng paraan upang dito muna magtigil si Juan. Habang siya ay nag-iisip, dumating naman ang namumuno sa minahan. "Mahal na Hari, mayroon po kaming masamang balita." saad nito habang papalapit sa amin. "Ano iyon?" dismayadong tanong ni ama. "Wala po kaming nahanap na ginto." sagot ng namumuno sa minahan. Habang sila ay nag-uusap dumating din ang mga mangingisda. "Mahal na Hari, kami ay walang nahuling isda." ani ng mga mangingisda. Si ama ay wala nang nagawa pa kundi ang madismaya at malungkot. Nakahawak siya sa kaniyang noo habang nakayuko. Sunod namang dumating ang mga magsasaka. "Hindi po sapat ang napitas naming mga prutas at gulay, mahal na Hari." malungkot na sabi nila. Napaiyak na lang ang aking ama dahil sa mga nangyayari. Agad akong tumayo at siya'y niyakap nang makita ko siyang umiyak. "Ama, huwag ka pong panghinaan ng loob." saad ko. "Anak ko, hindi ko na alam ang aking gagawin." sabi ng aking ama habang humahagulgol. "Maghahanap po ako ng paraan, ama." saad ko sa kaniya. Hindi na nagsalita pa si ama dahil sa sobrang kalungkutan. Kinagabihan, si ama ay hindi makatulog at oras-oras siyang umiiyak. Ako ay sobrang naaawa sa kaniya ngunit hindi ko alan kung ano ang gagawin. Lumabas ako upang magpahangin, nagulat ako nang makitang may sumusugod sa amin. "Mga kawal ihanda ang mga sandata!" utos ng namumuno sa mga kawal. "Mahal na prinsipe hindi ka ligtas dito sa labas." nag-aalalang sabi ng isang kawal. Dinala niya ako sa loob, lahat ay nakahanda at nakabantay sa ami. "Dito na ba matatapos ang lahat, anak?" tanong ni ama. "Lalaban po tayo!" galit na sabi ko habang kinukuha ang aking espada. "Ikaw nga talaga ang bayani ng ating bansa." nakangiting sabi ni ama. Ngumiti na lang din ako dahil ngumiti na siya ulit.  Rinig sa labas ang away at rambulan ng mga kawal at mga sumugod sa amin. Ang ama ko ay naghanda na at kumuha na ng mga armas. "Mamamatay na ang haring takwil!" malakas na sigaw mula sa labas. Ako ay nagtaka ngunit ito'y hindi ko na lamang pinansin. Maya-maya pa ay natapos na ang digmaan. Napakaraming sugatan na mga kawal at kalaban. Malungkot ako dahil nabawasan kami ngunit natutuwa rin akong walang nangyaring masama sa aking ama. "Ayos ka lang ba prinsipe?" tanong ng isang lalaking tila isang prinsipe rin. "Wala naman pong nangyari sa akin." sagot ko. Tumango siya at tumakbo palapit sa Hari, aking ama. "Ama, wala po bang nangyari sa inyo?" nag-aalalang tanong nito kay ama. Nagulat ako nang tawagin niyang ama ang Hari, lahat ng nasa palasyo ay nagulat. "Maayos ang pakiramdam ko at walang nangyari sa akin. Kaya mas alalahanin niyo an gmga kawal at guwardiyang nasugatan." sagot ni ama. Niyakap niya ang aking ama habang ako ay nanonood lang sa kanila dahil naguguluhan ako.  "Bakit mo siya tinawag na ama?" tanong ko. "Siya ay naging ama na sa akin." sagot ng lalaki. "Kung hindi mo pa ako kilala mahal na prinsipe, ang aking pangalan ay Heron." pagpapakilala niya. "Bago ako maging hari, si Heron ay aking inalagaan." sabat ng aking ama. "Hindi po ba kayo naging prinsipe dati?" nagtatakang tanong ko pa rin. Hindi na nakapag salita ang dalawa at iniba na ang usapan.  Gulong-g**o pa rin ako at nararamdaman kong may mali o may dapat akong malaman kaya napagpasiyahan kong pumunta sa aking kaibigan na si Ernesto. "Mahal na prinsipe!" pagbati ng ina ni Ernesto sabay yuko bilang galang. "Huwag na po kayong yumuko, masanay na po kayo sa pagdalaw ko sa inyong anak palagi." saad ko habang nakangiti. "Maaari ko po bang makausap si Ernesto'" tanong ko. "Naroon siya sa unang kwarto mahal na prinsipe." sagot ng ina ni Ernesto. Pumunta ako sa unang kwarto at bumungad sa akin si Ernesto na nagbabasa ng libro. Kumatok ako bago pumasok kaya napalingon siya sa akin. "Narito ka pala aking kaibigan." gulat ngunit nakangiting sabi ni Ernesto. "Mayroon akong gustong alamin at sasamahan mo ako, kung maaari lamang." saad ko. "Maaari, kailan ba iyan at ano ang aalamin natin?" tanong niya. "Mayroong istrangherong lalaki na dumating sa amin at tinawag niya si ama ng "ama", nagulat ako dahil dito at..." kinuwento ko sa kaniya ang buong pangyayari. "Gusto kong malaman kung kapatid ko siya o kung totoo ang dahilan niya sa akin." seryosong sabi ko. "Paano kung totoo ang dahilan nung lalaki?" tanong ni Ernesto. "Posibleng oo ngunit hindi tatahimik ang loob ko hangga't ang katotohanan ay hindi ko nalalaman." sagot ko. Tumango siya at nag-isip na kami ng paraan upang malaman. "Pwede nating alamin muna ang kaniyang tirahan!" mungkahi ni Ernesto. Sumang-ayon ako sa mungkahi niya at patuloy na kmaing nag-isip ng mga gagawin namin. Kinagabihan, hindi pa ako natutulog dahil pinag-iisipan ko pa ang aming plano. Nakadungaw lang ako sa aking bintana at pinapanood ang mga ibong natutulog. Iniisip ko rin ang mukha ng lalaki dahil kung kami ay magkapatid kami ay magkakamukha.  Sumapit ang araw na kami ay kikilos na. Ang tila prinsipeng lalaki na si Heron ay dumating sa palasyo upang maghatid ng sulat. Nakakapagtakang hindi ito binasa nang malakas ni ama at agad lang itong itinago. Pagkatapos noon ay lumabas na si Heron kaya sinundan na siya ni Ernesto.  Ernesto's POV Lumabas na ang lalaki kaya sinundan ko na ito. Hindi ganoon karami ang taong dumadaan kaya hindi ako nalilito. Napatigil ako nang nakita ko siyang tumigil sa isang tindahan, akma akong lalapit nang dahan-dahan ngunit nakita ako nito. "Kamusta, kaibigan? tanong niya. "A-ayos lang naman!" kinakabahan at gulat kong sabi. "Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong pa nito. "Wala naman" sagot ko at tumakbo papalayo. Lumayo ako ngunit nakikita ko pa rin ang lalaki, halatang gulat siya at nagtataka dahil sa akin. Pagkatapos niyang tumigil sa isang tindahan upang bumili, umuwi na siya sa kanilang bahay. Agad kong kinuha ang papel ko at iginuhit ang bahay niya at ang aming dinaanan upang makapunta kami ni Bayani dito. Nang matapos ko na ang ginuguhit ko, pumunta na ako sa lugar na pagkikitaan namin ni Bayani. Bayani's POV Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin dito si Ernesto. Nahuli kaya siya? Palpak kaya ang plano namin? Habang iniisp ko ang mga 'yan biglang may kumalabit sa aking likod. "Prinsipe! Nakita ko na ang kaniyang bahay." nagagalak na sabi ni Ernesto. Natuwa ako at kinuha sa kaniya ang papel na ginuhit niya. "Ang laki ng bahay nila, parang isang palasyo." namamangha na sabi ni Ernesto. "Parang palasyo? Saan naman sila nakakuha ng ganoong karaming pera kung walang taga-silbing kapamilya si Heron sa palasyo?" nagtatakang tanong ko. "Baka binigyan ng mahal na Hari, saad niya na inalaagan niya dati si Heron noong hindi pa siya hari, hindi ba?" sagot ni Ernesto. Mas naguluhan pa ako ngunit gagawin na namin ang susunod na plano. "Ngayon gagawin na natin ang susunod na plano." seryosong sabi ko kay Ernesto. Binulong ko sa kaniya ang aming gagawin at umalis na kami. Pumunta kami sa palasyo para pumunta sa aming aklatan. "Hanapin mo ang diksyonaryong tagalog sa ingles." utos ko kay Ernesto. Tumungo siya tsaka nag simulang mag hanap. Sinimulan ko na ring mag hanap at nakita ko ito. "Nahanap ko na!" natutuwang saad ko. Dali-dali kaming umupo at binuksan ang diksyonaryo. "Ano bang hahanapin natin?" tanong ni Ernesto. "Ani ng aking guro, ang "hero" raw ay isang Ingles na salita kaya nais kong malaman ang kahulugan nito sa tagalog." sagot ko. Hinanap namin ang kahulugan ng salitang "Hero" sa ingles. "Hero - Bayani" basa ni Ernesto. Nagulat ako at hindi alam ang mararamdaman dahil dito. "Bayani? Isa rin ba siya sa makakapag ligtas ng ating bansa?" naguguluhan kong tanong. "Siguro mas magandang tanungin mo na lang ang mahal na hari tungkol diyan." payo ni Ernesto at siya na ay nagpaalam. Siguro nga tama si Ernesto, dapat tinanong ko na lang sa aking ama. Kaya pumunta agad ako sa aking ama upang kakusapin siya.  "Ama?" tawag ko sa aking ama. "May kailangan ka ba?" tanong niya. "Maaari po ba akong mag tanong?" tanong ko sa kaniya. "Maaari, ano ang tanong mo?" "Mayroon po kasing bumabagabag sa aking isip, may anak po ba kayong iba?" tanong ko. Nagulat si ama at bago siya sumagot ay natahimik muna siya. "Bakit mo naman natanong iyan?" nagtatakang tanong niya. "Nalaman ko pong ang salitang "Hero" sa ingles ay "Bayani" sa tagalog, at ang pangalan po ng lalaking inalagaan niyo ay Heron." sagor ko. "Anak, hindi ka dapat nag-iisip ng ganiyan, tara na at maghapunan na tayo." ani niya at hindi na ako nagsalita. Mas lalo lamang akong nagkaroon ng hinala na anak niya rin si Heron. Kinagabihan, dumating na naman si Heron ngunit wala itong dalang sulat o kahit ano. Siya ay umiiyak at malungkot. Umiyak din ang aking ama sa hindi ko alam na dahilan. Hindi nila alam na nakikinig ako sa kanilang usapan. "Wala na si inay, ama!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Heron. "Ang mahal kong asawa, wala na." mangiyak-ngiyak din na sabi ng aking ama. Nagulat ako at nagalit. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman dahil sa aking narinig. Umiyak ako dahil sa galit hanggang sa nakatulog na pala ako. "Anak umaga na, mayroon tayong pupuntahang lamay." pag gising sa akin ni ama. Gumising na ako at tumayo, hindi ko kinausap si ama dahil sa galit ko. Nagsipilyo na ako ng ngipin, naligo at nagbihis. "Sinong paglalamayan, ama?" tanong ko na kunyaring hindi alam. "Ina ni Heron, matalik kaming magkaibigan." nauutal-utal na sabi ni ama. "Sus, magka-ibigan kamo." bulong ko. "Ano iyon anak?" tanong ni ama. Umiling lang ako at sinabing "Wala po" sagot ko. Pumasok na kami sa aming kalesa at umandar na ito. Hindi ganoon kalayo ang bahay nila at ganito mga ang nakita ko sa guhit ni Ernesto. "Nandito na ang mahal na Hari." malakas na sabi ng isang kawal. Lahat ay nagbigay galang sa pamamagitan ng pag yuko sa amin. Lumakad kami papasok sa parang palasyong bahay at agad na nakuha ang aking atensyon ng isang painting. Tumigil ako upang tignan ito, ito ay si ama at heron, may hawak silang mga armas at bata pa diro si Heron. Pagkatapos ito tignan ay sumunod ako kay ama. Nakita ko siyang umiiyak habang nakatingin sa kabaong ng ina ni Heron o kaniyang asawa. Tahimik lang ako dahil sa galit na nadarama ko sa kaniya. Nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Heorn at kinausap ako. "Mabuti bang ama ang mahal na hari?" tanong niya. "Opo, siguro." sagot ko. "Bakit parang malungkot ka?" tanong niya. "Wala po, may nalaman lang po ako kagabi." sagot ko pa. Lumaki ang mata niya na tila siya ay nagulat. "Alam mo na bang ama ko-" hindi natulot ang kaniyang sinasabi dahil tumayo ako upang uminom ng tubig. Rinig kong huminga siya nang malalim. Salamat po sa pagbabasa, sisiguraduhin ko pong magugustuhan ninyo ang susunod pang mangyayari dito sa "Eye of the Dragon". Salamat po muli sa pagbabasa at sana ang araw niyo ay maganda. Ang susunod pong chapter ay magagawa within 2-4 days. Magandang araw po, salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD