CHAPTER 4
ALEJA’S
‘’Mrs. Referenco kindly drop by on the dean’s office. Hinahanap ka ng Dean’’
Tumango na lamang ako sa proffesor ko. Hindi ko makalimutan ang mga galit na mata ni Kidlat.
Nakakatakot.nakakakilabot at nakakapanghina ang titig nya kanina.
Alam kong galit sya saakin at hindi ko alam kung papano haharap sakanya mamaya paguwi.
Lunch Break na pero wala naman akong gana, naghahanap ako or nagiisip ng paraan kung paano ko matatakasan yung mapagmatyag na tingin ni Thunder.
Hindi ko talaga makalimutan yung tingin nyang may bahid ng galit.
Dire-diretso kong nilakad ang pasilyo patungo sa office ng dean namin.
I breathed heavily before knocking on the dean’s door.
Ewan iniisip ko yung nangyari kagabi atsaka yung galit ni Kidlat na ikinababahala ko, Hyast Theresa may Exam ka pa mamaya arghhh!
‘’Come in’’
Pumasok ako ng walang pagaalinlangan at isinara ang pinto, nagtataka din ako kung bakit ako ipinatawag eh.
‘’Ipinatawag nyo raw ho ako Sir?, May problema ho ba?’’ Wala sa sariling tanong ko.
‘’Come have a sit Mrs. Rferenco’’
Kumilos naman ako at naupo sa visitorschair na kaharap ng Table ng Dean.
‘’Ipinatawag nga kita, wala namang problema hija. Tumawag kasi ang sekretarya ng asawa mo’’
Gulat akong napatingin kay Dean. Secretary ni Thunder?, anong mayroon.
‘’Bakit daw ho Sir?’’
Ngumiti sya bago sumagot.
‘’Ipapasundo ka ng Asawa mo hija, magpunta ka na lamang sa back parking lot.’’
‘’Ho?, May exam pa po ako Dean.’’
Dire-diretsong sagot ko, syempre importante ang exam, candidate ako for magna c*m laude ayoko namang mawala doon.
‘’Naku Hija, Napagusapan na namin iyan ni Mr. Referenco, bibigyan na lamang kita ng especialized test. Hala sige na. Baka magalit pa ang asawa mo kapag nalate ka’’
Ngatataka man ay tumayo na lamang ako at lumabas. Dire-diretso akong naglakad papuntsa back parking lot,agad ko namang nakit ang magsusundong kotse saakin.
Nagaalinlangan man ay sumakay na lamang ako.
Hindi daan patungo sa Mansyon ang tinahak ng driver kaya sa tingin ko ay sa office ni Thunder ang punta namin
At hindi nga ako nagkmali dahil nakita kong pumasok kami sa parking lot ng REFERENCO ENTERPRISES.
Sunod-sunod ang pinakakawalan kong buntong hininga habang nakikipagtanguan at batian sa mga empleyadong makasasalubong ko, Mukhang alam nilang asawa ako ng may-ari.
Sunod lamang ako ng sunod sa Chaffuer at Secretary nu Thunder. Ano pa nga bang magagawa ko diba?
‘’Ma’am, Hanggang dito lang ho kaming mga empleyado kelangan nyo hong tahakin magisa ang elevator na ito, 50th floor ho ang office ni Sir.’’
‘’Ha?, Bakit naman?. Hindi ko kabisado itong building eh’’
Nagtatakanag tanong ko dun sa secretary. Nagkatinginan pa sila nung Chaffuer na si Mang Robert bago sumagot.
‘’Ma’am, Private spot ho kasi ni Sir ang office nya. Bawal ho ang bisita o empleyado.Ang pwede lang po ay malapit na kaibigan ni Sir at kayo pong asawa nya.’’
Napatango na lamang ako bago pumasok sa Grande Elevator, Yun ang nakalagay eh.
Nakita ko pa ang pag Bow nung Chaffuer tsaka nung secretary na si Joan bago sumara ang pintuan ng elevator.
Kinakabahan kong pinindot ang 50th floor, pakiramdam ko ay lutang padin ako. Andaming nangyari sa loob ng ilang araw.
Una ay kinasal ako, Pangalawa ay nung may nangyari saaming dalawa ng asawa ko, Pangatlo ang pagpapasundo nya saakin..
Hay ewan pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang ganitong buhay.
Huminga ako ng malamim ng marinig kong tumunog ang elevator, hudyat na nasa 50th floor na ako.
Humugot ako ng hininga ng bumukas iyon at tumambad ang Tatlong pintuan. Ang isa ay fiber glass at kita ang nasa loob.
Ang isang pinto naman na nasa kaliwa na tingin ko’y kahoy, Ang isa pa na nasa kanan ko ay Tinted na pintuang salamin.
‘’Looking for me?’’
Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Kidlat sa aking likod. Prente syang nakaupo sa isang mahabang sofa na mukhang para sa mga bisita.
May salamin na lamesa din roon sa kabilang banda ay may isa ding mahabang sofa at may salaming lamesa din sa harap non.
Napapagitnaan ng dalawang malalaking sofa ang Elavator.
Tumayo si kidlat at kinuha ang shoulder bag sa kamay ko.
Pigil ko ang hininga ng maramdaman ko ang kuryenteng bigla na lamang dumaloy saakin ng hilain nya ang kamay ko papasok sa pintuang fiber glass, Tingin ko ay ito ang opisina nya.
Bumunot ako ng isang malakas na hininga bago nagpahila sakanya, Iginiya nya ako hanggang sa makaupo ako sa pang isahang sofa.
Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakasigurado akong ito ang opisina nya ng makita ang nakasalansang papeles sa isang wooden table at ang isang laptop na naroon.
Nakita ko din ang dalawang book shelf at isang cabinet na tingin ko ay lagayan ng mga papeles ngunit isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.
Isang singhap ang nagawa ko ng makita ang isang malaking wedding picture namin sa likod ng wooden table.
‘’Mayroon ka pala non?’’ Inginuso ko ang wedding picture namin. Tinignan nya naman ang tinuturo ko at tumango.
‘’Yeah, pinagawa ko. I also have a frame of that’’
Tumango nalang ako bilang sagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
‘’Ahh, Bakit mo nga pala ako pinasundo?. May exam pa ako eh’’
‘’I know na may exam ka pa, I wanna have lunch with you kaya kita ipinasundo’’
Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko kaya naman ay umiwas ako ng tingin sakanya, Nkakahiya!.
‘’Ahh ganoon ba?’’
Tumango sya at tumayo papunta sa lamesa nya, Mukhang tatawag sa intercome para magpakuha ng pagkain.
Tss! Akala ko pa naman ay sa labas kami kakain.Hindi marunong mageffort ang damuhong toh!, Kainis!.
Napatuwid ako ng upo ng humarap sya saakin at naglakad patungo sa pwesto ko, Halos maputol ko ang aking hininga ng bigla nya akong halikan sa aking pisngi.
‘’Stop eyeing me’’
Hindi ako agad na kaimik kaya naman ay nagbaba ako ng tingin.
Nahugot ko ang aking hiniga ng maramdaman ko ang kamay nya sa baba ko at bahagyang itinaas ang aking muka, His fierced eyes pierced though me.
Gahibla na lamang ang pagitan ng mukha namin ng biglang may tumunog na kung ano.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni kidlat bago umayos ng tayo at tumalikod patungo sa isang gilid ng office nya.
Akala ko kung anong gagawin nya ngunit ng makita kong may maliit na parang pintuan syang binuksan roon ay hindi na ako umimik.
‘’Ano yan?’’
Takang tanong ko habang pinapanood syang may kinukuha na kung ano sa loob nuong maliit na pintuan.
‘’Food’’
Napatango na lamang ako, ayokong dugtungan ang usapan namin dahil nahihiya ako sakanya.
Ramdam na ramdam ko ang init ng magkibalaan kong pisngi ng dahil sa nangyari.
Pinanood kong ilapag nya sa lamesa ang dalawang tray ng pagkain.
‘’I ordered Chicken Cordon Blue II, Coke for the drink. Vanilla Chocolate Ice cream and Peanut Ice cream for dessert.’’
‘’Ang dami naman nito’’
Sambit ko habang tinitignan ang mga pagkaing nakahatag sa glass table.
‘’Yeah, i want you full so eat.’’
Tumango ako ngunit nagdalawang isip akong kainin yung Cordon Blue, Hindi ako mahilig sa mga karne.
‘’Why?, Don’t you like the food?’’
Umiling ako kay kidlat bago sumagot, ayoko namang magpakuha pa sya ulit ng panibagong pagkain.
‘’Ahh ano kasi, I don’t like meaty foods pero ayos nayan’’
Nagsalubong ang kilay nya habang tinitignan ako. Naiilang man ay sinalubong ko padin ang titig nya.
‘’Then what would you like?, Grass?. Eat that kung ayaw mo nyan ay magpapakuha akong muli’’
Tumango na lamang ako dahil mukhang pagbabangayan pa namin ang tungkol sa pagkain.
Tanging tunog lang ng kobyertos ang naririnig habang kumakain kami, walang imikan.
Ayoko din namang magsalita dahil wala din akong maisip na sasabihin sakanya.
Nang matapos kaming kumain ay isinalansan nya ang mga plato pabalik sa tray, Pinanood ko lang syang magligpit ng pinagkainan namin.
Thunder is really a neath and clean man, matapos nyang isalansan ang pinagkainan namin ay kinuha nya ang mga tissue na gamit at inilagay din iyon sa tray. Pinanood ko syang punasan ang lamesa gamit ang isang tissue paper.
Tumayo sya at binuhat ang dalawang tray saka naglakad pabalik dun sa maliit na pintuang pinagkuhanan nya nung pagkain kanina, nakita ko pang binuksan nya iyon at ipinasok ang tray.
May pinindot syang button doon at umilaw ang taas nun saka nya isinara.
Tumikhim ako at nagbaba ng tingin ng humarap sya at magsimulang maglakad pabalik sa pwesto ko.
Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil naiilang nako sa titig nya, kanina pa sya titig na titig saakin habang magkaharap kami.
‘’Wala ka bang gagawin?, Babalik nako sa school maaga pa naman makakahabol pako sa exam’’
sansala ko habang tumitingin sa relong suot ko.
‘’Okay’’
Aniya nya, wala ba syang ibang masabi? Seriously?. Mahal siguro ang salita ng isang toh.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa tabi nya, agad din syang tumayo at sumunod saakin ng magsimula akong maglakad papalabas ng office nya.
Pinindot ko ang up button ng elevator, habang nasa likod ko si kidlat ay hindi ko maiwasang mailang dahil ramdam ko ang titig nya na tila ba tumatagos saaking katawan.
‘’Don’t go to school’’
Napaigtad ako ng maramdaman ko ang hininga sa saaking batok, humarap ako sakanya at napaatras ng mapansin kong gahibla nalang ang pagitan namin.
‘’May exam ako Kidlat, late na ako kaya aalis n-‘’