LUMIPAS ang mga araw ngunit wala parin mahanap na matibay na ebidensya ang mga tauhan nila Noah at Chase para matukoy at maparusahan ang totoong may sala sa nangyari kay Stella. Napag-alaman din nila na ang sinasabing Baldo ng mga tauhan ni Margaret ay namatay ng maka engkwentro nito ang mga pulis sa isang raid operation sa isang malayong probinsiya na pinagtaguan nito matapos ang nangyari kay Stella. Nawawalan na ng pag-asa si Noah na mabibigyan pa niya ng katarungan ang nangyari sa mag-ina niya. Paano niyang gagawin iyon kung lahat nalang na pwedeng makatulong sa kanila para sa pag-usad ng kaso ay malinis nang nailigpit ng kung sino man ang mastermind sa nangyari. Kahit malaki ang hinala nilang may kinalaman si Margaret ay wala rin naman silang makuhang ebidensya na magtuturo dito mali

